******
Dapat galit ako sa kanya ngayon
dahil sa biglaan nyang pang iiwan
sa akin sa ere pagkatapos na may
nang yari sa amin sa bahay.
Naiinis ako sa sarili ko, dapat
hindi ko nararamdam ngayon ang matinding selos.
Oo nag seselos ako sa babaing hitad
na katabi nya ngayon.
At sa sobrang inis ko'y sinubuan
ko sya ng popcorn, kulang na lang
ay ipakain ko sa kanya yon lahat,
pero imbes na mainis yata sya sa ginagawa ko'y mukhang nag eenjoy
pa sya.
"Thank you love." Nakangiting sabi nito sa akin, feeling ko pa nga ay inaakit nya ako.
"Love? Nag papatawa kaba?
Nakipag break ka na sa akin diba Miss Buencamino?" Diniin ko talaga yung huling salitang sinabi ko.
"Shhh later natin pag usapan yan
love e-enjoy muna natin itong movie." Bulong at nang aakit nyang sabi sa tenga ko na panay parin ang nguya.
Kahit na gusto ko pa sanang tumutol
ay wala akong nagawa, baka kasi makipag harutan na naman sya sa babaeng katabi nya na lalo ko lang ikainis.
"Halatang-halata na nag je-jelling
ka bff." Bulong naman ni Amanda
na ayos na ayos ang pag kakaupo.
Si sir Brann naman ay panay ang
ngisi ng nakakaloko sa akin, alam siguro yung pinag gagagawa namin
ng bestfriend nyang si Kate.
Tinaasan ko na lang sila ng kilay
imbes na sumagot pa ako sa pang
aalaska ni Amanda, totoo naman
kasi na nag seselos ako.
Itutuon ko na sana ang atensyon
ko sa panonood ng biglang mahagip
ng mga mata ko si Kate na masayang nakikipag bulungan sa babaeng hitad.
Tignan ko lang kung sino sa
atin ang mamatay sa selos. Muntangang bulong ko sa sarili ko.
"Ah Jay gusto mo ng popcorn?"
"Sure" nakangiti namang sagot nito
with matching kindat pa gets agad
ang plano ko.
Isusubo ko na sana yung popcorn
sa bibig ni Jay ng biglang may humawak sa kamay ko, na alam
ko naman kung kanino.
See sya agad ang sumuko :)
Pero bago ko sya lingunin ng
tuluyan ay kinindatan ko muna si
Jay, at pina seryoso ko muna yung mukha ko.
"What?" Galit-galitang tanong ko.
"Subukan mong isubo yan, kundi hahalikan talaga kita." Seryosong-
seryoso ang mukha nya.
Isang pilyang ngiti lang ang iginanti
ko sa pag babanta nya.
As if naman na kaya nya akong halikan dito sa loob ng sinehan.
Kumuha ulit ako ng popcorn at
basta na lang yon isinubo kay Jay, naawa naman ako bigla sa mukha
nya, mukha kasi syang nabilaukan dahil sa basta ko na lang pag supal-
pal ng popcorn sa bibig nya.
"Thank you" kahit na hirap ay
nagawa parin nyang mag salita,
para lang panindigan yung drama namin.
"Welcom----"
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)
RomanceWalang ginawa ang batang si clang-clang kundi mag hintay sa kaibigang si Gwen. Nangako ito na babalik agad. Hanggang sa namatay na ang kanyang ama at naiwan nalang syang mag isa ay wala paring Gwen na nag pakita. Labing dalawang taon ang mabilis...
