******
"Ikaw nga ba yan?"
Tinitigan ko munang mabuti ang mukha nya, at iniisip kung saan ko
ba sya nakita.
"Kalaro mo ako dati, hindi mo na
ba natatandaan?" Pag pupumilit
pa nito.
Pero kahit na anong gawin kong
pag iisip hindi ko talaga sya makilala, pera na lang sa batang lalaki na madalas na mang away sakin noon.
"Oh my God, Dugong?" Medyo napalakas yata yung boses ko.
"Yes ako nga? Hmm hindi mo ko natandaan eh! Lagi kitang binu-
bully noon."
Umupo na sya ngayon sa tabi ko
at pinag masdan ako, Medyo na conscious ako bigla kasi iba yung
mga tingin na pinupukol nya sakin.
"Kamusta ka na? Saan kana
nakatira ngayon?" Pag sisimula
nya ng kwento.
"Sa Maynila na, doon na ko nag
stay nung nag migrate sa Amerika yung mag asawang umampon
sakin."
"Ah kaya pala hinahanap kita noon hindi na kita makita." Kakamot-
kamot pa ito sa ulo nya.
"Bakit mo ako hinahanap?" Naku ikaw ha bubulihin mo na naman
ako no?" Natatawa ko ng sabi.
Ang laki na ng pinag bago nito,
ang dating mataba at parang
batang hindi naliligo, ngayon ay
isa ng ganap na lalaki lumaki na
din ang katawan nito, hindi dahil
sa taba kundi sa muscle.
"Nawalan ako ng inaasar eh!
Tsaka clang, na-namiss kita."
Imagine yung batang nang bubully sakin nung kabataan ko, eh na miss
din pala ako, ewan ko lang kung
miss nya akong asarin or what.
"Puro ka kalokohan, ay maiba
tayo dito ka parin sa atin nag stay?"
"Hindi kakabalik ko lang kahapon, pinakiusapan lang ako ni Inay
kahit na 3 araw, dumating kasi si Señorita Gwen, gusto ni inay na
pormal akong makapag pasalamat dahil sa ginawa ng pamilya nya sa amin, pinag aral kasi nila ako, at
sa awa mg diyos isa na akong
ganap na Engineer."
Hindi ko alam kung matutuwa
ba ako dahil sa mga narinig ko, ngayong alam ko ng nandito din
sa Bulacan si Gwen, at may chance
na magkita ulit kami.
Pero ewan ko ba, hindi ako ganon kasaya, dahil yung puso ko naiwan
ko sa Maynila, hindi ko makakali-mutan yung eksenang nakita ko, marami akong gustong itanong sa kanila, pero yung dila ko parang
biglang umurong.
Honestly litong-lito ako sa nararamdaman ko nung mga oras
na yon, at mas lalo akong nalito
nung narinig kong tinawag nung
babae si Kate na Gwen.
At mas lalo akong nalito nung
nalaman kong sya si Clarease? Kasi
ang alam ko si Carlos ang nanliligaw don, pero base sa kinikilos nila para silang may nakaraan.
"Dugong samahan mo naman ako
kay Gwen, matagal ko na din syang hindi nakita eh!" Yun na lang yung nasabi ko.
Gusto ko din syempre makita yung unang babaeng minahal ko, yung nangako sa akin na babalikan nya
daw ako, pero hindi naman nya tinupad.
Isang pangakong napako na lang
yon sa akin ngayon, dahil iba na
ang tinitibok ng puso ko ngayon,
siguro kung hindi ko nakilala si
Kate, malamang na excited ako
ngayon dahil at last makikita ko
na ulit si Gwen ko.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)
RomanceWalang ginawa ang batang si clang-clang kundi mag hintay sa kaibigang si Gwen. Nangako ito na babalik agad. Hanggang sa namatay na ang kanyang ama at naiwan nalang syang mag isa ay wala paring Gwen na nag pakita. Labing dalawang taon ang mabilis...
