Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Part 24 - Clang-Clang

6.4K 203 34
                                        

******

Lahat ng pag aalinlangan ko sa nararamdaman ko para kay Chloe
ay parang bulang nag laho, totoong selos ang nag udyok sakin bago ko
ma realize ang lahat ng ito.

Kundi pa dahil sa pag seselos ko
kay Jay na pinsan pala ni Amanda,
baka until now hindi ko malalaman
na mas mahal ko sya kesa kay Clang-Clang.

Pero may part parin sa pagkatao
ko na gusto kong makita si Clang,
gusto kong malaman kung ano ng nangyari sa kanya pagkalipas ng
labing dalawang taon.

Gusto ko syang makita, hindi para tuparin ang pangako ko sa kanya,
gusto ko lang malaman kung ok ba
sya, lalo pa't nalaman ko na ulilang lubos na sya.

Gusto kong ipakilala sa kanya si
Chloe, at gusto kong kahit papaano
ay matulungan ko sya sa abot ng
aking makakaya, baka nga ako
lang itong nag expect na someday
magiging kami, baka nga nakalimutan narin nya ko.

Mahal ko si Chloe, mahal na mahal
ko sya, maiisip ko palang na may hahawak sa kanya at hahalik na iba
parang mamatay na ako sa selos.
ganon ako kabaliw sa kanya.

Naalala ko nung first time kaming
nag meet sa cr, i know attracted na
sya sakin non makakita ba naman
ng dyosa eh! di tumulo laway nya, simula non hindi na sya naalis sa
isip ko ginawa ko talaga ang lahat
para lang mapansin nya.

Shit i'm so in love, para kong sira na kinakausap ang sarili ko.

"Ate ipag patuloy mo lang kung
ano man yang tine-take mo." Nakangising bungad sa akin ng kadarating ko lang na kapatid.

Gusto ko sana syang pagalitan
dahil late na naman syang umuwi
pero nanahimik na lang ako.

Pero teka ano yung ipag papatuloy ko?

"Carlos? Ano yung ipagpapatuloy
ko? At ano yung take-take na yon?"
Nag tataka kong tanong.

"Hmm halata kasing in love ka te, yung itsura mo dati nung bago
palang kayo ni Chloe, mas doble ngayon, oh mas tamang sabihing
mas blooming ang sister ko, iba
talaga ang nagagawa ng pag-ibig."

"Manahimik ka dyan, ano naman
ang alam mo sa pag-ibig aber? Na inlove na ba ang baby brother ko?"

"Hala si ate oh!" Halata sa mukha
nya na nag blush sya.

Bulls eye, inlove nga ang kapatid ko.

Gusto kong makatiyak kung tama
nga ba ang hinala ko, napapansin
ko kasi na panay ang alis nito nung mga nakaraang araw pa.

Kung dati-dati pag kalabas nito sa school ay dederetcho muna to sa Company, pero ngayon ay laging
late ng umuwi at nauunahan ko pa
sa bahay.

Hindi din ito sumama sa amin nung
na nood kami ng sine nila Brann,
nung tinanong ko naman ay nag basketball daw sya, pero wag ka nakaporma.

"Anong klaseng mga tingin yan
ate?"

Inarkuhan ko lang sya ng kilay at
nag crossed arm pa, para malaman nyang nag hihintay ako sa sagot nya,
o tamang sabihing pag amin nya sa hinala ko.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon