Epilogue

8.8K 297 56
                                    

******

"Lola oh! si kuya tinutukso akong kampana."

"Clang, clang, clang..."

"Zack tigilan mo ang kapatid mo, halika kayo at may ikukuwento ako
sa inyo."

Agad namang nakinig ang dalawang bata, masayang nag kwento ang matanda habang yung dalawang
bata ay parang manghang-mangha
sa naririnig.

"Lola you mean po matagal na panahon na hindi nagkita si clang-clang at Gwen?"  Sabi ng batang si Zack.

"Yes apo ko, sinubok sila ng tadhana, pero alam nyo ba ang nakakatuwa don?"

"Ano po lola?" Masaya ding tanong
ng batang si Clang-Clang.

"Kay tagal nilang hinanap ang
isat-isa pero matagal na pala
nilang nahanap yon, at hanggang ngayon masaya silang nabubuhay
na magkasama."

"Lola bakit po kayo umiiyak?" Nag aalalang tanong ng batang si Zack.

"Masaya lang ang lola apo, kaya
ikaw huwag mong nilolokong kampana ang pangalan ng kapatid mo, kasi may istorya yon, hindi
lang basta istorya kundi masayang istoya."

"Opo lola simula po ngayon hindi
ko na sya tutuksuhin."

"Zack, Clang ginugulo nyo na
naman ang lola Kate nyo?"

"Mommy hindi po, nag kwento po
si lola, diba lola?"

Parang nanghihingi ng rescueng tanong ng batang si Zack, takot
kasing mapagalitan ng mommy nya.

"Ma, gusto nyo na ho bang pumasok sa kwarto nyo? Gising na ho ang Mommy Chloe."

"Sige iha, pakialalayan na lang ako."

Maya-maya lang ay narating nila
ang kwarto kung saan gising na ang matandang Chloe.

"Love buti gising kana?" Bakas sa boses ng matandang si Kate ang
labis na kasiyahan.

"Love ilang oras lang akong natulog grabe ka hihihi." Parang batang kinikilig na sagot ng matandang si Chloe.

"Alam mo naman love na ayaw na ayaw kong hindi tayo magkasama eh!" Sabi ng matandang si Kate, na sinabayan pa ng yakap at halik sa pisnge.

Nanatili lang muna sila sa loob ng kwarto, at masayang dinama ang katawan ng bawat isa.

Maya-maya lang ay nag simula na
ang munting salo-salo, lumabas na
ang matandang si Kate na ngayon
ay 65 years old na, samantalang ang matandang si Chloe ay 63 na.

Mawawala ba sa okasyon ang mga kaibigan nilang si Amanda na nakatuluyan din ang bff ni Kate na
si Brann biniyayaan sila ng dalawang anak na babae.

Si Carlos naman ay nakatuluyan
din si Clarease, biniyayain din sila
ng apat na anak, dalawang lalaki at dalawang babae.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon