Part 20 - The Break-Up

5.8K 200 30
                                    

******

"Kate anak tahan na nandito si
Chloe." Bulong ni yaya Pilar sa
tenga ko habang nakayakap.

Dahan-dahan naman akong napalingon sa likuran ko, nakita
ko si Amanda at Chloe na nakatayo,
nakatitig sakin si Chloe pero pakiramdam ko'y ang layo-layo
naman ng iniisip nya, siniko lang
sya ni Amanda kaya lang sya nag
balik sa ka nyang ulirat.

Hindi na ako nag abala pang
punasan yung luha sa mukha ko,
pinag masdan ko din sya, napansin kong nan lalalim yung mata nya senyales na hindi ito nakakatulog ng maayos.

Ngayong malinaw na sa akin ang
lahat, naisip kong makipag usap
muna ako dito at baka sakaling
may maramdaman ako kahit konti
pang pag mamahal sa kanya.

"Hey kanina pa kayo dyan?" Sabi
ko nung nakalapit na ako sa kanila.

"Medyo po Ma'am," si Amanda na
ang sumagot, dahil hindi naman ako sinagot ni Chloe.

"Upo kayo, yaya pakilabasan
sila ng Juice." Inalalayan ko pa
si Chloe na makaupo, sumunod
naman agad si Yaya kaya kami na
lang tatlo ang naiwan.

"Ok ka lang ba?" Tanong nya nung nakaupo na kami, bakas sa boses nya ang pag aalala.

"Diba sabi ko sayo ok lang ako,
hindi mo na kailangan na mag alala ng sobra." Sagot ko dito at pilit na pinasaya kahit na konti ang tinig ko.

"Napakadali sayong sabihin yan" malungkot na sagot nito, ako naman
ay nanatili lang na nakatingin sa ka nya.

"Pwede ba tayong mag usap ng
tayo lang dalawa?" Medyo na iiyak
ng tanong nito.

Napatingin naman ako kay Amanda, nakita kong tumango sya tanda ng
pag sang ayon, mukhang ayon naman talaga ang pakay nila sa akin.

"Halika doon tayo sa kwarto ko."
Aya ko dito, nag lakad na kami pa punta sa 2nd floor.

"May problema ba sa atin?"
Tanong agad nya pagka pasok na
pagka pasok pa lang namin sa room
ko.

Hindi naman ako agad nakaimik, sinara ko ang pinto at nag iisip ng tamang salita na pwede kong isagot
sa mga tanong nya, gusto kong
sabihin sa kanya lahat-lahat ayaw
ko na din na mag sinungaling sa
kanya, at lalong-lalo ng ayaw kong masaktan sya.

Hindi nya deserve lahat ng ito,
dahil wala naman syang nagawang kasalanan sakin, at sa pag kakatanda ko ako itong unang nang akit sa kanya.

"Look Chloe---"

"Chloe na lang ako sayo ngayon? nasaan na yung endearment mong baby?" Naiiyak na tanong nya pero bakas parin sa boses nya yung galit.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"I'm sorry Chloe meron kasing nangyari nung naaksidente ako,
ayaw ko ng ipaliwanag sayo dahil hindi mo naman ito maiintindihan,
basta ang alam ko lang ay kailangan ko ng space at konting pang unawa mo."

"Space? Pang unawa? sa pag kakatanda ko binigay ko yan sayo
ng ilang araw hindi kita kinulit kahit na gustong-gusto kong puntahan ka dahil nag aalala ako ng sobra sayo, kay Carlos at kay Sir Brann ako nag tatanong at sila ang nag sasabi ng kalagayan mo, diba dapat ikaw ang nag sasabi non sakin dahil girlfriend mo ako?" Hindi na nya napigilang umiyak habang sinasabi nya yon.

At aaminin kong nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan nya, parang nakikita ko sa katauhan nya si Clang-Clang, pero agad ko ding binura yon
sa isip ko dahil hindi tamang
ikumpara sya sa kababata ko.

Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon