******
"Carlos pls mag usap naman tayo"
"Wala na tayong dapat pag-usapan ate, kitang-kita ng dalawang mata
ko ang ginawa nyo."
"Carlos hindi ganon yon, si clang
kasi---."
"Oh sh*t ayan na naman tayo sa clang-clang na yan."
"Carlos kasi umamin na si Clarease
na sya si clang-clang, tapos ano--"
"Tapos ano ate? Bumalik ulit yung feelings mo sa kanya? F*ck akala
ko ba ate mahal mo si Miss Chloe?
At kahit na malaman mo pang si Clarease at clang-clang ay iisa
hindi mag babago yung feelings mo
sa kanya?"
"Mahal ko si Chloe Carlos at kahit
na nalaman kong si Clarease at
Clang ay iisa still hindi nag bago
yung nararamdaman ko sa kanya."
"Eh ano yung naabutan ko kanina? Bakit nakita ko kayong nag hahalikan? God ate inamin ko sayo
na mahal ko na si Clarease bakit
mo parin nagawa yon?"
"Carlos alam kong may mali ako
dahil hinayaan ko si Clarease na halikan ako."
"Damn you ate, ngayon naman pinapalabas mo na si Clarease pa
ang nag first move sayo? Come on."
Nanunuya pang sabi nito, hindi
na ako nag pumulitin pang makipag
usap, tutal wala na din namang
saysay kapag ginawa ko yon kaya
na nahimik na lang ako.
Sarado pa sa ngayon ang isip at
puso nya kaya kahit na anong pakikipag usap ang gawin ko hindi talaga sya makikinig.
Masakit nga naman yon sa part
nya na makita nya kami sa ganong eksena, lalo pa't inamin nya sakin
na mahal na nya si Clarease.
"Iha ipag paumanhin mo narinig
kong lahat ang pag uusap nyo ni Carlos." Bakas sa boses ni yaya Pilar ang pag aalala.
"Yaya hindi naman po ganon yon, mali po kasi yung iniisip ni Carlos tungkol sakin, hindi ko po sya
kayang saktan, mahal na mahal ko
po yung kapatid ko."
Hindi ko na napigilan yung luhang kanina pa gustong bumagsak, kaya napaha gulgol na lang ako sabay
yakap na din kay yaya.
"Sshhhh tahan na iha, alam ni
Carlos yon, bigyan mo lang sya
ng oras para makapag isip."
"Yaya alam ko may mali din po ako."
"Wala naman taong perpekto iha, lahat tayo nagkakamali, at sa
bawat pagkakamaling yon, may
aral tayong natututunan."
"Yaya, alam mo natuwa ako nung nalaman kong si Clarease si clang, kasi at last yung matagal ko ng hinahanap nakita ko din sa wakas, pero alam mo isa lang yung
nalaman ko, na kahit pa sya si
Clang-clang na minahal ko noon,
si Chloe parin ang minamahal ko ngayon.
"Iha hindi naman sa nakikialam
ako ha, sigurado ka ba na sya
talaga si Clang-clang na
hinahanap mo?"
Nag angat ako ng mukha para
tignan kung seryoso si yaya sa
tanong nya sakin.
"Oo naman Yaya, yung lugar at pangalan at yung tungkol sa magulang nya parehas na parehas
ng kwento ni Clang, bakit nyo po naitanong?"
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kang Hinintay (Completed)
RomanceWalang ginawa ang batang si clang-clang kundi mag hintay sa kaibigang si Gwen. Nangako ito na babalik agad. Hanggang sa namatay na ang kanyang ama at naiwan nalang syang mag isa ay wala paring Gwen na nag pakita. Labing dalawang taon ang mabilis...
