Lumabas na lang si Peige ng walang kasama para pumunta sa CR kahit hindi naman talaga siya nakatagos. Pinanindigan niya nga ito.
Habang wala pa si Peige sa classroom...
"Hay... tignan ninyo iyang babaeng yan, bastos na nga, paarap pa. Eh kung sana naglagay siya ng dalawang napkin edi hindi sana siya nagwoosh." sabi ni Mam Zan sa harap ng klase.
In Lynlei's mind: sabi ko na nga ba eh, may tinatagong kulay rin 'tong teacher na 'to. Kaya nga, ayaw kong mapalapit sa mga teachers kahit saang school pa yan. Kung plastikan rin ang pag-uusapan, sige na, panalo na sila. Hehe!
Natapos na ang klase at hindi pa rin makamove on sa nangyarin kanina. Ibinalita na rin kay Peige yung sinabi ni mam tungkol sa kanya ng mga kaklase nito.
Umalis ka agad si Peige na para bang uuwi na habang si Lyn ay nakaupo lang at wala siyang pakialam sa nangyari.
( Lynlei's POV )
"Paano ba naman kasi, ang dali-dali mong naniwala na mabait siya pero hindi mo alam, sinisiraan ka na pala habang wala ka." bulong ko na dapat para kay Peige.
"Hay, makauwi na nga rin." then kinuha ko ang bag sa upuan at lumabas na sa classroom.
Malapit na ako sa gate ng school nang biglang napalingon ako sa flag pole at nakatambay ang isang babae doon na parang si...
"Peige? Siya ba yun?" tanong sa sarili.
"Then so what? Umiyak siya ah. Kais naman, masyadong affected sa sinabi ni Mam Zan. Dapat masanay siya noh."
Pagkalabas ko sa gate, napahinto ako dahil nakita kong nandun na naman yung nakilala ko sa table.
In Lynlei's mind: Ba't naman nandito ang lalaking 'to? O sya, makaalis na nga.
Tapos naglakad na ulit ako at napansin kong parang may nakasunod sa akin kaya tumigil ako. Humakbang ng isa at naramdaman kong may humakbang rin kaya tumalikod ako agad at...
"Ow!!!" sigaw nung lalaki habang namamalipit sa sakit.
Sinipa ko lang naman ang kayamanan nito.
"Buti nga sa'yo." I whispered.
"Bakit mo ba ako sinusundan noh?" tanong ko sa kanya.
"Uy, di kita sinusundan noh?" sagot nito.
"Ah... Ganun pala." tapos sinipa ko ulit iyon.
"Aray naman! Namumuro ka na ha!"
"Sige, aamin ka ba o hindi kundi dudurugin ko na talaga iyang pag-aari mo?"
"Oo na, sinusundan kita kasi..."
"Kasi ano???"
"Kasi gusto ko lang."
"Hoy, baliw ka ba? Susundan mo lang ang isang tao kasi gusto mo lang, paano 'pag di ka niya gusto, edi umasa ka sa wala, kaya tama na ang pagiging breezy mo." sumbat ko sa kanya.
In Kiel's mind: Grabe naman siya! Straight to the point talaga?
Tapos biglang may kumalabit sa balikat ni Kiel at lumingon ito nang di namamalayan na isang kamao na pala ang paparating sa mukha niya.
"Sige, magsuntukan kayo dyan para naman may magawa kayong tama sa buhay ninyo." sambit ko at dahil doon, hindi naituloy ni ang suntok ni Ranzel. Naglakad na lang ako papalayo kasi puro landi lang naman ang ikinabubuhay nilang dalawa.
"Breezy." bulong ko habang naglalakad.
Ayun, naiwan silang nakatunganga doon na parang shunga. Sige, manigas sila dun.

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Lãng mạn(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...