Chapter 3: IT HURTS!!!
( Lynlei's POV )
Ngayon, nandito ako sa comfort room ng girls. Imbes na nasa canteen ako ngayon para bumili ng snack ko pero hindi na natuloy iyon.
"Kahit papaano, masakit nung nadapa ako. Sandali..." tapos tinaas ko yung palda ko para makita ko yung paa ko.
"Hay... Nagkasugat pala ako pero ba't itong kaliwa kong tuhod, hindi nagkasugat?" tapos nirecall ko yung nangyari sa akin kanina.
"Ah... Yun pala ang nangyari. Mas napinsala yung kanang tuhod dahil nauna itong lumapag sa lupa kaysa sa left. Hala! Dumudugo na!" dali-dali akong naghanap ng tissue.
Binuksan ko lahat ng pinto sa CR para makahanap ng tissue and gotcha, nakakita ako ng tissue kahit kaunti. Kinuha ko lahat iyon tapos ipinunas ko sa sugat ko para tumigil ang pagdurugo. Nagamit ko na lahat ng tissue na nakuha pero dumudugo pa rin ito. Syempre, kaunti lang naman yung tissue. Hinawakan ko ang bulsa ko at charan!!! Mabuti may panyo akong dala kaya ipinunas ko muna iyon tapos binulsa ko ito dahil tapos na ang break time kaya kailangan ko nang bumalik sa classroom. Yung ginamit kong tissue papers, itinapon ko na lang sa toilet bowl dahil wala na akong time para maghanap pa ng basurahan kaya yun na lang ang naisip ko. Doon ko na lang itinapon kahit na alam kong kadiri. Nung palakad na ako palabas ng comfort room, napahinto ako sapagkat naramdaman kong parang napilay yata ang kanang paa ko ngunit ganun pa man, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa classroom.
*classroom*
"Bakit ganyan siya maglakad? Paika-ika." bulong ng isang babae sa katabi niya.
"Oo nga, bakit ganyan siya maglakad? Eww! Wala siyang posture. Ay, mali pala ako! May posture pa rin naman siya. Posture na pang boplaks. Hahaha!!!" tukso nung katabi niya.
"You're absolutely right! Hahaha!" agree naman nung girl.
Actually, hindi lang naman silang dalawa ang nasita ko eh, halos lahat ng mga kaklase ko. Mapababae man o mapalalaki pa yan. Nagsitawanan silang lahat. Ako naman, naglakad na lamang ako na parang wala akong narinig sa pinagsasabi nila. Nung nakaupo na ako...
"Class, stop laughing!" pagpapahinto ni Mam Zan sa kanila tapos huminto naman sila.
"Okay ka lang ba, Lynlei?" concern ni Mam Zan sa akin.
Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga ako okay.
"Okay lang daw? Kahit hindi naman! Hahaha!" kontra ng isang kaklase kong lalaki.
"Hahaha!" tawa ng mga iba pang kaklase na parang umaagree sila sa lalaking kumontra sa akin.
"Tahimik!" awat naman ni Mam Zan. Dahil dun, huminto sila sa paghalakhak.
"Let's move on our lecture." sabi ni Mam Zan tapos kinuha niya yung chalk at nagsimula na siyang maglecture. Habang naglelecture si Mam, nakita ko si hulk na nakatingin sa akin at hindi ko alam kung bakit.
In Lynlei's mind: Nakakairita ha! Bakit ba siya nakatingin sa akin? May problema ba siya?
In Ranzel's mind: Grabe naman siya makatitig! Nakakatakot ha! Nakakasindak! O sya, akala ko ayos lang siya pero mali pala ako. Masakit nga yung nangyari sa kanya. Pilit niyang tinatago yung sakit na nararamdaman niya. Pag sa ibang babae, sigurado akong magpapatulong sila sa akin. Dati kasi ganito ang nangyayari pag may tinutulungan ako eh.....
-RECALL-
"Ouchie!!!" sabi nung babaeng nadapa.
"Miss." tapos inabot ko yung kamay ko para tulungan yung babae.
"Thanks!" pasalamat nung babae tapos tinanggap niya yung help ko pero pagkahawak pa lang sa kamay ko, bigla-bigla na lang nahihimatay at kung hindi naman nahihimatay, kumakaripas ng takbo na sobrang mabilis na parang walang nangyari.
-END OF RECALL-
Sa tingin ko nga, nagpapanggap na lang yung ibang babae eh.
( Lynlei's POV )
"Ano bang problema mo?" bulong ko nang hindi nakatingin sa kanya.
Tapos lumingon-lingon si Ranzel sa paligid niya.
"Ako bang kausap mo?" ask niya sa akin.
"Oo, ikaw nga." answer ko naman ng mahina.
"Ba-ba-bakit?" tanong niya sa akin na parang gulat na gulat.
"Bulol ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi noh!" sagot niya na napalakas ng hindi sinasadya kaya napatingin ang mga kaklase.
"Ranzel, may problema ba?" tanong ni Mam Zan.
"Mam, wala po." sabi naman nitong hulk na katabi ko at ako naman, nawiweirdohan sa kanya. Bumalik na si mam sa paglelecture niya.
"Sa labas na lang tayo magusap." bulong niya sa akin. Ano ako? Utusan?
Hinawakan ko yung wrist niya agad na nakapatong sa arm ng chair ko.
"Please lang, layuan mo ako." sabi ko sa kanya nang seryoso.
Tapos nakita ko siya na ikinagulat niya ang sinabo ko sa kanya.
"A-ano ba ang sinasabi mo?" nagtatakang sinabi niya.
"Basta, alam ko naman na narinig mo iyon." tapos binitiwan ko na yung wrist niya. Tila gulat pa rin siya.
In Ranzel's mind: Bakit niya sinabi iyon? May nagawa ba akong mali sa kanya? Alam ko naman... Wala naman akong ginawa sa kanya. Baka naman yung nadapa siya kaya galit siya sa akin? Hay... ang hirap namang magisip!!!
Pagkatapos ng class namin, lunch time na at ngayon, ako ay naglalakad papunta sa canteen. Pinagtitinginan ako ng lahat ng taong nadadaanan ko. Siguro na rin sa paglalakad kong paika-ika kaya ito, they are staring at me. Nagbubulungan pa sila tapos tatawa. Hay... Mga tao nga ngayon, puro observers.
A/N: Palagi kasing nakababa yung hands ni Lynlei at hindi niya ginagawang patungan yung arm nung chair chair niya. Kundi ang nagooccupy nun ay yung katabi niyang hulk. Nasa lap lang pinapatong ni Lynlei ang hands niya. Gets? Thanks!!! >3<

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...