Chapter 2: THE HUNK OR THE HULK?

157 6 0
                                    

Chapter 2: THE HUNK OR THE HULK?

( Lynlei's POV )

"Di ba nakilala ninyo na ako kanina? Pero si Lynlei, hindi niya pa ako kilala kaya uulitin ko. Lynlei, ako si Mam Zandra Lopez o tawagin mo na lang akong Mam Zan. Ok?" tanong ni Mam Zan sa akin habang siya nakasmile.

"Opo mam." answer ko naman.

Tapos nagkwento si Mam Zan tungkol sa buhay niya kung kailan siya nagsimulang nagturo dito sa school etcetera. Habang siya nagkwe-kwento ng chuchu niya sa buhay...

"Good morning po, mam." boses ng isang lalaki sa pinto. Napatingin naman ang lahat pwera lang ako dahil ako ay palaging nakayuko ng kaunti at wala naman akong balak tumingin.

"Oh! May humabol pa pala. Sige, pasok ka tapos ipakilala mo ang iyong sarili." sabi ni Mam Zan.

Pero hindi ito nagreply. Hence, siya naglakad papunta sa harap.

"Ako si Ranzel Delos Reyes, 15 years old. Hello sa inyo." introduce niya sa kanyang sarili.

"Friend, nasa heaven na ba ako? Ang gwapo niya! Para akong may nakikitang stars sa paligid niya!" sabi ng isang babae na hindi pa kilala si Ranzel. (Tawagin na lang nating girl A)

"Oo nga! Kilig much!" sabi naman ng isa habang siya ay nakakatitig kay Ranzel at tinatapik-tapik niya ang kaibigan niya. (Tawagin na lang nating girl B)

"Ang sakit ha! Mas mabuti kaya kung umalis ka na dyan sa kinauupuan mo." sabi ni girl A sa kanyang friend na tumapik sa kanya.

"Bakit naman ako aalis? tanong nung girl B.

"Para makatabi ko siya noh! Malay mo, dyan siya umupo noh!" reply naman niya.

"Ganun ba? Sige, umalis ka na dyan." sabi nung tumapik.

"And why?" pagdududa nung girl A.

"Dahil dyan lang naman ako uupo tas dito siya uupo sa kinauupuan ko." sabi ulit nung girl B sa friend niya.

"Galing mo rin noh!" sabi ni girl A.

"Syempre, witty 'to noh! Sige, umalis ka na ah!" pagtataboy ng tumapik sa friend niya.

"Ikaw kaya yung umalis dyan!" sabi ni girl A.

"Ikaw kaya!" sabi naman ni girl B.

Habang nagtatalo yung dalawa at iba ring mga babae tungkol kung saan uupo si Ranzel, kinausap ni Mam Zan si Ranzel.

"Ranzel, ako pala si Mam Zandra Lopez. Sige, umupo ka na." offer ni Mam Zan kay Ranzel.

Narinig ng mga babae ang sinabi ni Mam Zan kaya naman huminto sila sa pagra-rumble at sila'y nagpapacute kay Ranzel.

CERTIFIED LOVE BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon