Chapter 7: FEELING CLOSE?
*classroom*
( Lynlei's POV )
Nakaupo ako ngayon sa chair ko pero wala pa si mam Zan. As usual, nagdadak-dakan ang mga kaklase ng kung anu-ano. Ako, wala akong kausap at hindi rin naman ako interesado para makipagusap sa kanila. Hindi kasi ako palakaibigan eh.
In Lynlei's mind: Hindi ba sila napapagod kakasalita? Okay lang sana kung magusap sila pero ang hindi okay ay yung sobrang ingay nilang magsalita. Hay...
"Girl, tignan mo yang si LB." sabi nung girl 1 nasa corridor kasama yung kausap niya na tila bang nakaharang sila doon.
Narinig ni Lynlei ang bansag sa kanya pero hindi niya ito tinignan.
Tinignan naman nung girl 2 si Lynlei.
"Bakit? Anong meron sa kanya?" nagdududang question ni girl 2.
"Gosh, ang slow mo talaga! Hindi mo ba nakikita!" panunukso ni girl 1 kay girl 2.
Tapos tinignan ulit ni girl 2 si Lynlei. Inobserbahan niya ito nang matagal.
"Ano? Napansin mo na ba?"
"Hindi pa rin." tapos binatukan ni girl 1 si girl 2.
"Hay... Nagtataka ako kung bakit kita naging kaibigan." sabi ni girl 1 at inikot niya ang kanyang mga mata.
"Ano ba kasi yun?" sabi ni girl 2 habang inaayos niya ang kanyang hair.
"Obvious naman na walang kumakausap sa kanya kasi ang weirdo niya at sa pananamit niya, para talaga siyang adik. Most of all, love bitter siya." sagot niya.
"As in alone?"
"Tumpak! Salamat naman 'coz may nasabi ka na ring maganda." praise ni girl 1.
"Symepre, ako pa. Ang galing-galing ko!" pagyayabang ni girl 2.
"Makapagself proclaim ka naman."
"Talaga." tapos nagsisitawa siya.
"Hahaha!" tawa na pilit ni girl 1.
Habang tumatawa sila, biglang silang napahinto dahil nasa harapan na nila ang isang lalaki. Dahil napatingin tuloy si Lynlei kung bakit huminto sila.
"Ay! Ikaw pala Kiel." malanding sinabi ni girl 1.
"Buti wala pa si mam dito." sabi ni girl 2.
"Pwede ba akong dumaan?" tanong nung lalaki.

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...