Chapter 6: FRIENDS? NO WAY!
Natutulog ako nang sobrang mahimbing.
"Linlin! May bisita ka!" tawag ni tita sa akin. Nagtaka naman ako kung sino yung bisita ko.
Dali-dali naman akong pumunta sa CR para maligo then pagkatapos, nagbihis at nagayos ako. Lumabas ako mula sa kwarto ko at dahan-dahan akong naglakad. Nakita ko na lamang si tita Lona na nakaupo sa sofa katabi si Ranzel!
"Oh, nandito ka na pala! Kanina pa naghihintay ang kaibigan mo dito, Linlin." sabi ni tita nang nakangiti pa.
Kinuha ko agad yung isang kamay ni Ranzel tapos ginuyod ko siya palabas ng bahay.
"Sandali lang! Sandali lang!" awat niya.
Bago pa makalabas si Ranzel sa kakaguyod ni Lynlei, tinawag ni tita si Ranzel.
"Ranzel!" tapos tinignan naman ni Ranzel si tita Lona.
"Pagisipan mo ha." silent na sinabi ni tita Lona kay Ranzel para di mahalata o marinig ni Lynlei.
Lumingon agad si Lynlei pero biglang nagmaang-maangan si tita Lona.
"Hay, ang gulo naman dito!" habang inaayos niya ang sofa kunwari at bumalik ang tingin ni Lynlei kay Ranzel.
"Bye tita!" paalam ni Ranzel habang kinakaladkad siya ni Lynlei palabas.
"Sige, basta sabihin mo kung gusto mo ha!" sabi na naman ni tita na walang katunog-tunog.
Nung nakalabas na sila, sinara agad ni Lynlei ang pinto.
"Anong sinabi ni tita sa iyo?" tanong ni Lynlei na inis-inis.
Tapos nirecall ni Ranzel yung sinabi ni tita Lona.
-FLASHBACK-
Tok tok tok!
Binuksan ni tita Lona yung pinto.
"Ay, anong kailangan mo?" tanong ni tita Lona.
"Bibisitahin ko lang po si Lynlei."
"Bibisitahin mo si Lynlei?" nagtatakang tanong ni tita Lona dahil first time na may bumisita kay Lynlei.
"Opo."
"Sige, pasok ka."
Pumasok naman si Ranzel.
"Upo ka muna."
"Sige po."
Tapos umupo naman siya sa sofa.
"Sandali lang ha. Tatapusin ko lang yung niluluto ko."
"Sige lang po."
Pumunta si tita Lona sa kitchen at tinapos niya yung niluluto niya.
"Ano pala ang name mo anak?" habang tinatapos ni tita Lona yung niluluto niya.
"Ranzel Delos Reyes po."
"Ah... Ranzel pala ang pangalan mo. Ako naman, tawagin mo na lang tita Lona."
"Okay po tita Lona.'
Nung natapos na yung niluluto ni tita Lona, kumuha siya ng towel at pinagpunas niya ito sa kamay niya.
"Linlin! May bisita ka!" tawag ni tita Lona kay Lynlei habang nagpupunas siya ng kamay niya.
Umupo siya sa tabi ni Ranzel at nakipagkwentuhan kay Ranzel.
"Sandali lang kasi baka nagaayos pa si Lynlei eh. Ano ka pala ni Lynlei? Boyfriend ka ba niya?" tanong ni tita Lona kay Ranzel at ikinagulat niya ito.
"Hindi po."
"Ah... Alam ko na! Manliligaw ka niya noh?" sabi niya na parang sure na sure na siya.
"Hindi po."
"Eh... Ano?"
"Kaklase ko po siya."
"Ganun ba. Nakakahiya naman sa iyo dahil pinagkamalan pa kita nang kung ano-ano. Sorry ha."
"Wala po yun."
"Pero kung magbago ang isip mo na..."
"Ano po iyon?"
"Na manligaw ka kay Lynlei, susuportahan kita."
"Hindi po talaga."
"Basta kapag naisipan mong ligawan si Lynlei, sabihin mo lang sa akin at tutulungan kita." ngiting-ngiti naman si tita Lona at hindi na muling umimik si Ranzel.
Sa oras na iyon, dun na dumating si Lynlei.
-END OF FLASHBACK-
"Ano? May sinabi ba si tita Lona sa iyo na tungkol sa akin?" tanong ko ulit.
"Wa-wa-wala." sagot niya na parang natataranta.
"Eh kung wala, bakit ka naparito?"
"Kasi..."
"Anong kasi?"
"Kasi gusto kong makipagkaibigan sa iyo." mabilis niyang sinabi.
"As in friends?"
"Oo!"
"Friends? No way!" sabi ko nang walang kaemo-emosyon.
"Bakit naman?"
"Basta umalis ka na lang dito at itigil mo na kahibangan mo." tapos naglakad na ako para umiwas sa kanya pero bago pa ako makaalis sa harap niya, pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Sino may sabing pwede mo akong hawakan? Bitiwan mo nga ako." habang nagpupumiglas ako.
Pero hindi niya ako binitawan.
"Ano ba? Sabi ko, bitiwan mo ako." sabi ko ulit sa kanya pero ang higpit ng pagkakahawak niya braso ko.
"Hindi ako titigil hanggang hindi tayo magiging magkaibigan." seryoso niyang sinabi.
"Wag ka nang umasa." tapos niluwagan niya ang pagkakahawak niya sa akin at dahil dun, nakaalis na ako mula sa pagkakahawak niya then pinagpatuloy ko ang aking paglalakad palayo sa kanya.
Nung nakalayo na si Lynlei, naiwan naman si Ranzel sa tapat ng tirahan ni Lynlei. Tinignan ni Ranzel yung watch niya.
"Late na pala ako, makapasok na nga rin." tapos naglakad na rin si Ranzel papunta sa skul.
+Tita Lona's side+
Tila nakakapit si tita Lona sa door upang mapakinggan ang conversation nina Ranzel at Lynlei.
"Nakakakilig naman sila." tapos mahina siyang tumawa na parang kinikilig.
"Wag ng magalala si Ranzel, susuportahan ko siya para maging kaibigan niya si Lynlei at kapag naging kaibagan niya na si Linlin... Ayun, straight to the point na magiging sila na. Hay... Sana nga mangyari ang balak ko." sabi niya sa sarili.
"Sana nga magkatuluyan sila." pinapangarap niya kina Ranzel at Lynlei.
A/N: Hay... Si tita Lona talaga... Parang siyang loka-loka at kung anu-ano ang naiisip niya para kina Ranzel at Lynlei. Hahaha! Tignan niyo na lang kung magkakatuluyan sila kaya mga readers, ipagpatuloy niyo lang ang pagbabasa at don't forget to leave your comments about this story in wattpad ha or pwede ring i-vote niyo na lang po.

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...