Chapter 14: SAKIT SA ULO!

18 1 0
                                    

Chapter 14: SAKIT SA ULO!

It's 5 o' clock in the afternoon at pagabi na rin. Malapit ko ng matapos yung pinapanood kong anime. Kanojo X nga yung title eh. Ang galing nung bidang babae kasi may dala-dala itong gunting sa palda nito palagi for self-defense. O sya, tinatawag na ako ni tita Lona sa kusina para kumain ng hapunan.

I'm walking down the stairs ngayon. Amoy na amoy ko na yung niluluto ni tita. Feeling ko, masarap yun kasi naaamoy ko parang may chiken at atay na paborito ko.

Pumunta na ako sa kusina. Tinulungan na rin si tita sa paghahanda ng pagkain. Nagsandok na ako ng kanin at naglagay na ng kustara't tinidor.

"Tita, bakit po tatlo ang plato sa mesa? Di ba tayong dalawa lang po ang kakain at sa katunayan, tayong dalawa lang naman talaga ang nandito sa bahay." tanong ko.

"Basta," sagot naman nito habang nagpupunas sa lababo.

Pagkatapos nun, pumunta na siya sa table.

"Sige, kain na tayo." sabi niya sabay upo.

In my mind: May kakaiba rito ha.

Tapos umupo na rin ako. Kumain na kami ni tita. Habang kumakain kami, napansin kong hindi mapakali si tita na parang may hinihintay.

"Sino ba kasing hinihintay ninyo?" ask ko.

"Wala naman." maang-maangan na sabi nito.

In tita's Lona mind: Obvious bang may hinihintay ako? Grabe siya ha."

"Wala po? 'Pag yan may kumatok sa pin..."

*tok tok*

Naudlot kong nasabi kasi nga, may kumatok.

"Ay, nandito na pala siya!" with painosente na facial expression.

Tapos tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Inabangan ko naman ito at pagkapasok nung lalaki, binato ko agad ng tinidor ito.

"Sayang, sumablay." I whispered kasi sa pinto tumusok ang tinidor.

Habang si tita Lona at yung kasama niya, gulat at tulala dahil sa nagawa ko.

"Pasensyahan mo na si Lin ha. Ganyan talaga siya kapag may bisita, Ranzel." - tita Lona

"Okay lang po yun tita." - Ranzel

In my mind: Bwisita kamo.

"Ganyan lang magwelcome si Lin." habang naglalakad sila papuntang table.

In Ranzel's mind: Welcome ba 'yun? Para ngang gusto niya na akong patayin eh.

Habang papalapit nang papalapit itong lalaki, hindi ko mapigilan na mainis talaga.

Umupo na nga siya sa tabi ko.

In my mind: Sa school, katabi ko na nga siya, di pa ba siya nakontento kaya hanggang dito pa ba sa bahay, umabot ang pang-iinis ang hulk na 'to?

"Kamusta na?" tanong niya.

"Tita, kamusta na daw? Tanong ng kalove team po ninyo." sabi ko.

In my mind: Sige, magsama kayo! Okay lang naman sa akin na maging jowa ni tita si hulk. Hehe! :)

Nagulat si tita Lona at tila naguluhan.

"Ah? Mapagbiro lang talaga si Lin." with a forced smile written in her face.

"Hindi po. Seryoso po talaga ako." idiniin ko.

At hayan na naman ang mukha nilang parang nakakita ng multo.

"Tigilan na natin 'to. Tama na ang lokohan tita. Pinapaasa ninyo sa wala ang lalaking 'to. Maawa naman kayo sa kanya." sabi ko ng emotionless.

Tapos tumayo ako at humarap ako kay hulk.

"Tayo." sabi ko pero di pa rin siya tumayo.

"Tayo." I said for the second time at tumayo na rin siya sa wakas.

"Sundan mo ako ha." bulong ko sa kanya.

At naglakad ako. Lumabas ako sa bahay and here we go again. Lumayo pa kami ng kaunti sa bahay.

"Sige, straight to the point. Do you like me?" tanong ko.

"Yes, I like you. Gustong-gusto kita!" sabi niya.

"Ay, hindi pwede yan. Ang bata-bata pa natin at hindi nga kita kilala ng lubusan eh. Puro kasi puso ang pinaiiral." sumbat ko.

"Edi kapag tumanda na tayo." sumbat niya rin.

"Ganun ba yun kadali para sa'yo? 'Kala niyo ang daling magmahal. When you take the risk of love, dapat handa kang masaktan, maiwanan at kung ano-ano pa."

"At least, nagmahal ka kaysa naman yung pinipigilan mo ang sarili mo kung ano ang gusto mong gawin!" he replied.

"Pwes manigas ka and I don't have time for that." and I walk towards my house.

"Lynlei," tawag niya habang nakatalikod ako.

"Totoo nga, love bitter ka. CERTIFIED LOVE BITTER." pahabol nito.

"Ok!" I whispered pero di ako humarap sa kanya.

At pumasok na ulit ako sa bahay and I close the door.

Natatawa tuloy ako sa mga ganoong eksena. Haha!!!

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko habang natatawa.

"Lin," sabi ni tita pero di ko siya pinansin.

"Yung pagkain mo." pahabol nito.

Pero still, naglakad lang ako na parang walang narinig.

*room*

Dun na ako tumawa talaga sa kama ko.

In my mind: Kasi naman, maharot siya! LOVE? Anong mahal? Para ngang walang nagmamahal sa kanya eh.

*Laugh pa more*

Habang nakabalot ako ng kumot ko.

"Feeling ko ngayon, lalayo na talaga siya. Woah! Victory!" I said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CERTIFIED LOVE BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon