Chapter 8: DON'T BLAME ME!
( Lynlei's POV )
Salamat naman because tapos na ang klase namin ngayong umaga. But most of all, nakalayo na ako kay hulk. Heto ako ngayon, naglalakad papunta sa canteen para kumain ng lunch. While walking, napansin kong nakatingin lahat I mean, halos lahat na parang nandidiri sa akin. Yung mga iba naman ay naguusap and I think, ako ang pinaguusapan nila.
"Psst friend! Si LB!" sabi nung girl nasa round table na may kasamang bading.
Gotcha! Ako nga yung pinaguusapan.
"Oo nga, kaloka si LB!" agree nung bading.
"Magchange kaya siya ng pananamit niya para magustuhan din siya." reply ni girl.
"Tama ka diyan friend! Ang chakabels niya. Mamaya tumanda siya na walang partner sa buhay."
In Lynlei's mind: Partner? Hindi ko kailangan iyon noh.
"Talaga! Kaya nga tinawag siyang LB di ba!"
"Korak!" tapos nagapir silang dalawa.
"Wag na nga nating pagusapan si LB. Pumapangit ako because of her!" sabi nung bading while nagpupunas ng pawis niya sa mukha.
"Nafe-feel ko nga rin na pumapangit ako eh." agree nung girl.
"Pumapangit ka pa pala girl? Akala ko kasi natural na yan eh." pagiinsulto nung bading.
"Buenas ka!" girl said.
"Hahaha! Boom panes!" tapos tumawa ulit.
"Nakakainis ka." tampo nung girl.
"Joke lang." sabi agad nung gay.
Tapos sumunod na ring tumawa yung girl.
In Lynlei's mind: Hay... Sinisi pa ako sa pagpakapangit nila. Hindi ko naman kasalanan kung sadyang pangit sila noh. Don't blame me noh.
*canteen*
Heto ako ngayon, tumitingin ng makakain pero naramdaman kong wala akong mood para kumain ng rice.
"Eto na lang." sabi ko at kinuha ko yung nakabalot na tuna sandwich.
Kumuha ako ng 50 pesos sa bulsa ko.
"Bayad ko po." sabay abot nung pera dun sa babae.
"Sorry ading hindi ako tagabenta." she denied.
BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...