Chapter 1: 1st DAY OF SCHOOL

199 6 0
                                    

Chapter 1: 1st DAY OF SCHOOL

( Lynlei's POV )

"Gising na! Unang araw mo ngayon sa school!" sabi ni tita Lona habang siya'y kumukatok sa pinto ng room ko kasi nakasarado ito.

"Babangon na po!" sabi ko naman.

Nagstretch-stretch muna ako tapos bumangon na ako sa kama. Bago ako maligo, inayos ko muna ang kama ko. Pagkalipas ng mahabang minuto...

"Lynlei! Bumangon ka na!" sabi ulit ni tita habang kumakatok siya.

"Tita, maaga pa po." sabi ko.

"Hindi kaya! Kung kanina maaga pa pwes ngayon, hindi na!" kontra niya.

"Anong oras na ba?" sinabi ko mahina tapos tinignan ko ang cellphone ko then...

"Ahhh!!! 8:30am na! Late na ako ng 30 minutes! Ba't kasi tita, hindi po ninyo ako binangon ng maaga!" sisi ko kay tita Lona.

"Binangon kaya kita ng 7:00am noh! Ikaw lang kaya yung nakatulog ulit!" sigaw ni tita habang siya ay nasa pinto pa rin.

"Ganun ba? Nakatulog ulit ako? Errr!!!" sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko.

Bumangon ulit ako tapos kung kanina, inayos ko ang kama ko... Ngayon, kahit hindi na ah! Bahala na si tita Lona na magayos nito. Naligo na ako at pagkatapos, nagdamit ako ng uniform ko at nagayos na rin ako. After that, nagpaalam na ako sa tita ko.

"Tita, alis na po ako!" paalam ko kay tita kong mabait.

"Kain ka muna!" yaya ni tita sa akin.

"Hindi na po ako kakain kasi late na po ako." tanggi ko naman.

"O sige. Good luck!" sabi ni tita.

"Bye po tita!" sabi ko sa kanya.

Umalis na si Lynlei. Sa harap ng school...

"Samante National High School." binabasa ko yung pangalan ng school na nasa gate.

"Ito ba ang papasukan ko? Hay, kinakabahan ako pero kaya ko 'toh." sabi ko para macomfort ang self ko tapos pumasok na ako sa loob ng school. Lumibot-libot ako dahil ko alam kung saan ang kwarto ko. Nakakainis naman kasi si tita, hindi niya lang sinabi kung saan ang room. Kasi naman, hindi niya ako sinama nung enrolment. Hay.... Si tita talaga. Habang ako ay palibot-libot dito sa school, nakita ko na lang ang isang teacher na babae. Pansin ko naman ang suot niya, pang teacher ang peg. Lumapit ako para magtanong.

"Hmmm... Mam, saan po ba yung room ng II-A?" tanong ko sa teacher.

"II-A ba kamo? Ako ang adviser dun eh. Bago ka lang ba dito?" tanong niya sa akin.

"Opo, bago lang po ako. Transferee po kasi ako." sagot ko.

"Ganun ba. Sige, sabay na tayo pumunta sa classroom." sabi niya.

Tumango na lang ako bilang sagot ko. Habang kami ay naglalakad papunta sa classroom...

"Anak, ano pala ang pangalan mo?" ask niya sa akin.

"Lynlei Soriano po." answer ko sa tanong niya.

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Tunog masiyahin." sabi niya.

In Lynlei's mind: Kung alam niyo lang po sana na kabaliktaran ng pangalan ko ang ugali ko. Sigurado ako, magugulat po kayo.

*classroom*

"Good morning mam!" greet ng mga estudyante niya sa kanya.

"You may sit down." sabi niya sa mga students niya.

Ako naman, naghihintay sa labas na tawagin ako. Hay... Nakakainip naman dito.

"Class, may bago kayong kaklase." sabi niya.

"Sino kaya yun? Mamaya pangit yun, mataba, walang pinagaralan etcetera." bulong nila kahit naman sankarinig ko kahit nasa labas pa lamang ako.

"Sige, pasok ka na." tawag ng mam sa akin kaya pumasok na rin ako. Nakita ko sila, para silang nakakita ng multo. Nagulat yata sila at hindi ko alam kung bakit. Panget ba ako? Purket hanggang paa ang palda ko at hindi katulad sa kanila na ang palda nila ay hanggang sa legs lang naman. Kahit na sabihin nilang adik ako dahil nakaemo ang buhok ko at may suot na wrist band na black, wala silang pakialam at wala rin akong pakialam sa kahit anong sabihin nila sa akin. Paborito ko lang naman ang color black eh. Basta, mind their own business!

"Sige, pwede ka nang magpakilala anak." sabi ni mam.

"I'm Lynlei Soriano, 14 years old." introduce ko sa sarili.

"Wala ka na bang idadagdag?" tanong ni mam sa akin.

"Opo mam." mahina kong sinabi.

"Sige, upo ka na kung saan mo gusto." sabi niya.

Tumingin-tingin ako tapos gotcha, nakita ko na kung saan ang perfect na uupuan ko. Naglakad ako papunta sa likod tapos perfect, nandito na ako at umupo na ako.

"Okay ka lang ba dyan kahit na ikaw lang dyan magisa?" tanong ni mam.

Tumango na lang ako. Ang ganda kaya dito, wala akong katabi kahit na isa man lang. Nice!

( Kiel's POV )

Status or NASL

Name: Kiel Mark Torres

Age: 15 years old

Sex: Male

Location: #35 Shoga, Sien, Togahoma

"Ang weird niya. Sayang, cute pa naman siya. Di ba Kiel?" tanong ng katabi ni Kiel sa kanya habang si Kiel ay nakakatitig pa rin kay Lynlei.

"Kiel? Oist Kiel!" sabi ng katabi niya at saka sinikuan niya ito.

"O-oo." tarantang sagot ni Kiel.

"Para kang wala sa sarili mo." pagdududa ng katabi niya.

"Hindi noh! Ewan ko sa'yo." sabi ni Kiel tapos hindi niya ito kinausap muli.

In Kiel's mind: Oo nga, cute siya at ang astig niya.

CERTIFIED LOVE BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon