Chapter 13: TEXT MESSAGE
Yes, pagkamulat ng aking mga mata, I remember na Saturday na pala at ito ang pinakahihintay ko. No teachers, malayo sa maraming tao, dito lang ako sa kwarto ko buong araw at higit sa lahat, walang mangiinis at isturbo especially, yung dalawang breezy na lalaking iyon.
"Lynlei, tama na ang pagiisip sa kanila, sinisira mo lang ang magandang araw mo."
At bumangon na rin ako. As usual, madilim pa rin dito sa room ko. Kaunti lang kasi ang liwanag na nakakapasok sa bintana ko. Nakasarado kasi ang mga kurtina at wala akong balak na buksan ang mga ito.
Kumatok si Tita Lona sa pinto.
"Lin, kain na."
"Sige po, susunod na lang po." at umalis na siya sa pinto.
Lumabas na rin ako sa kwarto ko tapos pumunta sa kusina. Kinuha ko na ang pagkain sa mesa.
"Di ka ba kakain dito?" tanong niya.
"Opo. Doon na lang po ako sa kwarto ko." at bumalik na ako sa room.
Nakaharap ako ngayon sa television, nanonood ng horror movies.
"Haha. Ayun, naalisan na ng mata yung kasama nila." sabi ko while watching.
"Sige, magpatayan kayo dyan." - Lynlei
Ilang oras na ang lumipas, naroon pa rin ako at tutok na tutok talaga.
Nang maboring ako sa pinapanood ko kasi hindi na nakakatakot at puro may for-adult scenes, pinatay ko na ang tv. Ganun naman eh, basta horror, para yatang di nawawala ang landian scenes. Meron pa nga yung bago sila mahuli ng killer, kailangan may last kiss pa kahit nasa danger na sila. May panahon pa kasing lumandi eh. Nakakainis tuloy!
Kinuha ko na lang ang black na cellphone ko at doon nagbasa-basa ng kahit ano expect romantic stories.
Dito lang ako sa sahig, nakaupo at nakasandal sa kama ko. Habang nagbabasa ako, biglang nagvibrate ang phone ko so it means na may nagtext sa akin.
Text message: Hi! :)
"Ano 'to? Hindi ba 'to nag-iisip? Sa lahat pa naman kasi ng itetext, 'hi' pa ang napili?" at tinignan ko kung sino yung nagtext and I remember, si tita Lona at Peige lang naman ang nasa phone book ko. So sino nga 'to?
"Baka na wrong sent lang 'to." kaya dinelete ko na lang ang message.
At ilang sandali pa lang ang lumipas, may nagtext ulit at same message lang ang natanggap ko.
"Hay, nakakainis naman oh! Isturbo." kaya nireplayan ko ito.
My reply: Kung sino ka man, utang na loob, huwag kang disturbo! PO!
-Message sent-
At ibinalik ko na doon sa binabasa ko.
"Nakaka! Hindi ko na tuloy alam kung saan na ako huminto kanina! 'Kala ko pa naman, wala nang panira sa araw ko!" - Lynlei
Tapos may nagtext na naman.
"Sino ba kasi 'to?" tanong ko na naiinis.
Binuksan ko ang text message at kaboom! Kilala ko ang strang na ito.
In just 2 words with 10 letters, kilala ko narin.
My message: Ikaw na palakang, malandi at haliparot ka, tumigil ka nga dyan!
*phone vibrates*
His reply: Paano mo nalaman?
My reply: Yung totoo? Nag-iisip ka ba o sadyang wala ka lang isip? Ikaw pa kayang nagsend ng FUTURE WIFE, di pa ba ako makahahalata?
His reply: Ang cute mo kaya kapag naiinis ka. >:)
In my mind: Errr! Ang kulit-kulit niya! Nakaka!
( Ranzel's POV )
*laughing*
"Ano na kaya nangyayari sa kanya ngayon? Inis na inis na siguro iyon!" habang nakaupo ako sa upuan.
Nandito lang ako sa kwarto ko, nag-iisa at walang magawa kanina kaya naman tinext na lang si Lynlei. Pa'no ko nakuha number niya? Sa tulong lang ni tita Lona. Ibinigay lang niya yung no. ni Lynlei sa akin dati.
*phone rings*
Her message: Pa'no mo naman nakuha no. ko ha? Mokong ka?
My reply: Secret!
Her reply: Alam ko na kung paano.
"Ano? Alam niya na kaagad?" gulat kong sinabi.
"Pero baka nagloloko lang 'to?"
My reply: Hindi ako naniniwala.
Her reply: TITA LONA!
"Tita Lona?! Paano?!"
+Lynlei's side+
"Huli ka ngayon, hulk ka!" sabi ko.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung paano niya nakuha nang maalala ko na lang na si tita Lona lang naman ang kakilala niya dito sa bahay kaya nanghula na lang ako at ayun, tumama ako.
"Hay... si tita Lona talaga! Ang dami-dami niya nang nireto sa akin at kinunstaba ng mga lalaki para paamuhin lang daw ako. Ano ako? Hayop? Pwes it will never be happened."
"Manigas kayong dalawa." at napangiti ako ng kaunti.
In my mind: Bakit ko ba kailangang ientertain ang lalaking 'to? Pwede ko namang ilagay ang number niya sa blacklist ko para di niya na ako maitext ulit.
At inilagay ko na nga ang number nito sa blacklist. Pero dahil nabadtrip na ako sa pagbabasa ng mga text niya, swinitch ko na lang ulit ang television at namili ng panonoorin kong CD.
"Type kong manood ng anime naman ngayon." I said while I'm finding a CD what I want to watch.

BINABASA MO ANG
CERTIFIED LOVE BITTER
Romance(Unfinished) Love Bitter n. or pwede ring adj. - isang taong ayaw magmahal o di alam magmahal ng kanilang kapwa. Pwede ring isang taong nasaktan na kaya ayaw nang magmahal dahil sa takot nilang masaktan ulit. Isang taong walang kataste-taste o sabih...