Chapter 5: BAND AID

129 7 0
                                    

Chapter 5: BAND AID

( Lynlei's POV )

Hay... Kakatapos lang kumain ng lunch. Ngayon, naglalakad ako pabalik sa classroom. Salamat naman dahil hindi na ako paika-ika. I mean... May konti pang natitira. Habang naglalakad ako, napahinto ako dahil...

"Oh my gosh! Ngayon ko lang nalaman na nandito na pala sa ating school si love bitter!" sabi nung girl A na nakaupo sa round table sa kanyang kaibigan.

"Oo nga! We need to get away from that LB 'coz alam mo na... Baka mahawaan tayo sa LB syndrome niya. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko noh kaya ayokong masira ang future ko." agree nung friend niya.

"Tama ka dyan friend. Sayang naman ang pag-aaral natin, yaman natin, ganda natin, make-ups natin, body natin at syempre, boys diyan at boys doon kung mahahawa lang tayo sa love bitter na yan." with matching pagbibilang ng fingers nung sinabi ni girl A yun.

"Ah!!! Friend, wag naman sana!" tapos hinawakan ni girl B yung kamay ni girl A na parang na nanginginig-nginig pa sa sobrang pagaalala.

"Kaya dapat magred alert na tayo." sabay na sabi nilang dalawa. Tumayo sila sa ibabaw ng mesa.

"Announcement mga pinakamamahal kong kaschoolmates! Lalo na sa mga girls like us!" sigaw ni girl A tapos tumingin lahat ng girls na nandoon pati na rin ang mga lalaki sa kanila.

"We sure that magugulat kayo at magpapasalamat kayo ng sobra-sobra dahil sa amin." sabi ni girl B at dahil dun, mas nacurious ang mga girls.

"Ano ba yun? Bilis na!" sabi nila sa sobrang curious.

"Oo, eto na!" sabi ni girl A tapos tumahimik na sila.

"Nakikita niyo ba yang babae na yan?" tinuro ako ni girl A gamit ang kanyang hintuturo.

"Oo, bakit?" tanong nung girls.

"Yang babae na yan, siya si LOVE BITTER! As in L-O-V-E B-I-T-T-E-R!" inispell niya pa ha.

"Ah!!!" sigaw nung girls pati na rin yung mga ila-ilang lalaki. Umalis agad sila sa mga kinauupuan nila tapos tumakbo sila ng mabilis palayo sa akin. Pero yung dalawang babae na nagannounce, nakatayo pa rin sila sa ibabaw nung table.

"Nasaan na sila?" tanong nung dalawa sa isa't isa tapos napatingin sila sa akin na parang takot na takot.

Humarap ako sa kanila ng dahan-dahan.

"Ah!!!" sigaw nung dalawa tapos kumaripas sila nang takbo pero nang biglang nadapa yung girl B. Lumapit ako sa kanya habang siya ay mukhang takot na takot.

"Anong gagawin mo sa akin?" takot na takot na tanong nung girl B sa akin.

"Bwa." sabi ko ng walang emosyon.

Sa sobrang takot niya, dali-dali siyang tumakbo nang sobrang bilis. Napangiti naman ako ng maliit. Mabuti nga, parang walang teacher na nakakita sa akin eh at of course, lalo na ang mga estudyante, walang natira kundi ako lang. Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad pabalik sa classroom. Habang naglalakad ako, naramdaman kong may tumabi sa akin at tumingala ako dahil matangkad siya eh. Nakita ko si Ranzel.

"Ba't walang katao-tao dito?" tanong niya.

"Layuan mo ako." sabi ko nang mahinhin tapos naglakad ako palayo sa kanya.

( Ranzel's POV )

Pagdating ko dito sa school, napansin kong walang katao-tao. Tinignan ko ang watch ko at nagtaka ako dahil malapit nang magsimula ang klase pero wala pang mga estudyante. Naglakad ako nang biglang nakita ko si Lynlei na naglalakad. Tumabi ako sa kanya ng hindi niya napapansin. Pero nung kinausap ko siya, ganun nga ang nangyari. Pinapalayo niya ako pero hindi niya sabihin kung ano ang dahilan. Naglakad siya palayo sa akin. Hay... Ganun ba siya kaweird? Habang naglalakad ako, nakikita ko pa rin naman si Lynlei na naglalakad nang biglang... Huminto siya at napansin kong tumingin siya sa baba na parang may tinitignan siya sa paa niya. Lumapit naman ako sa kanya.

CERTIFIED LOVE BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon