Part 2: Familiar Face

16 3 0
                                    


"Hello guys!!!" Lumingon kaming tatlo ni Kim at Beast sa direksyon ng boses. 

"Ara!!!!" Sabay sabay naming bati at yakap kay Ara na kadadating lang galing sa kanyang dinner date 'with a friend.' Natural mga lasing na kami, nakakalahati na namin ang bote ng tequila at vodka. Wala na nga kaming pake sa ingay at mga dance moves namin sa mga kanta. Lalu na nung pinatugtog ang Macarena! Hataw din kami.

May narinig akong tumawa sa likudan ko. Nilingon ko at nanduduon pa pala ang lalaking nagbigay ng table samin ngayong gabi. Nakangiti sha, siguro dahil mukha kaming baliw na niyakap si Ara.

"Hey! Do you want a shot?" Alok ko sa kanya. Ganun talaga pag mejo may tama na, nagiging friendly ako. 

"Ummm..." nag-shrug lang sha ng shoulders.  Kumuha ako ng 2 shots ng tequila at dalawang pirasong lemon. Inabot ko sakanya yung isang glass na may nakapatong na lemon.

"Here! Cheers?" Sabi ko na nakikipag-toast sa kanya.

"Cheers!" So shempre nag-cheers kami.  "Thanks. That's good." Sabay balik sakin ng glass.

"Yeah. Well, why are you alone? Do you want to join us?" Yaya ko. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Dahil ba may kamukha sha? Hindi ko talaga alam. Lalu na lasing na talaga ako, pang 8 na shots ko na ata. Buti nga at medjo poise pa din ako, well sa paningin ko, dahil usually pag hindi talaga ako kumain bago uminom ay malalasing ako kaagad. Mabuti na lang at 3 order ng rice ang kinain ko kanina at sangkatutuk na grilled cheese dahil mag-e-expire na ung tinapay sa bahay sayang naman inubos ko na lahat.

"My friends are in a club down the road - Viva...heard of it?"

Tumango ako. Alam na alam ko ang club na yun. Kilala ko ang may ari nun. Isang sa mga koreanang nilalandi ni Beast. 

"Well..they're there..." Patuloy nyang sabi. "I'm Greg by the way." Inextend nya nag right hand nya para makipag-kamay.

"I'm Mary."

"Mary, nice to meet you. You know you're very different from the other Korean girls around here."

"I know...that's because I'm not Korean." I mean, ang layo ng itsura ko sa mga korean. Kutis pa lang talo na ako! Mata ko nga ang laki laki eh, at choice pa lang ng outfit ko alam na alam mong hindi ako from the land of kimchi pinanganak. Lasing na lasing na ata itong kausap ko.

"Hahaha. I know, I mean, from all the girls that I've talked in Korea."

"And how am I different?" Shocks, negative ba o positive sasabihin nito? Naintriga ako.

"I mean you are nice..and polite." 

Okay...positive naman yung dalawang yun pero...really? saang banda?

"Ummm..." Nahalata ata nyang nalilito ako sa sinabi nya kasi bigla shang natawa.

"I mean,  you politely asked me if I'm using the table." Pag-eexplain ni Greg. 

Nalilito pa din ako...nakakunot na nga ang kilay ko na mukhang nabasa din ni Greg.

"I mean most girls would just take the table without asking. And it's not just here in Korea but in America too." Dagdag pa niya.

"You probably meet the worst girls in Korea and in the States. Haha. Actually, I basically kicked you out of your territory - in a subtle way." Pa-joke kong sinabi.

"No seriously, you're nice."

"Okay. I'll take that."

"Good. Hey, do you want to dance?"

Ako pa tinanong niya, shempre I live to dance! 

---

Nakailang kanta din kaming nagsasayaw na dalawa. Siguro mga limang kanta din yun. Hinihingal na kaming pareho.

"Do want to go outside for a smoke?" Yaya ni Greg.

"I already quit smoking." Sagot ko.

"Oh good. I don't smoke actually. Do you just want to go out for air?"

"Yeah. I'm sweating, I need fresh air." 

Lumabas kami at tumayo sa may gilid ng bar kasama ang mga ilang mga nakatambay na mga foreigners. Nagkwentuhan kami. Madami na din akong nalaman tungkol sa kanya kagaya ng kadadating niya lang ng Korea last month at 1 taon shang naka-destino. Hindi naman din ako nagtaka na US army sha. obvious naman sa itsura nya. Skinhead, may mga tattoo sa braso, ma-muscles - basta may aura silang alam na alam mong mga sundalo sila kahit hindi naka-uniform. At sa loob ng 3 taong paninirahan ko sa Korea ay madami na akong nakilala at naging kaibigang army. 

---

Bumalik kami sa table at sinama na namin si Greg dahil mag-isa lang naman sha at wala naman shang balak sumunod sa mga kaibigan nya sa Viva. 

Tinabihan ako ni Ara at binulungan, "Do you think he looks like Andrew?"

Pasimple kong tinitigan si Greg na katabi kong nakatungong nagtetext sa cellphone niya.  Then narealize ko...oo nga si Andrew ang kamukha nya. 

"That's true! I've been wondering why he looks familiar! Is it because they're both in the military?" Tanong ko kay Ara.

"Maybe. But he is cute. Hehehe." Dagdag pa nito. "You should totally go out with him."

"Hahaha. He doesn't look like the type of person who will go out with me. I mean look at him. He's so muscular - hot guys like him don't usually go for girls like me. I think he is more incline to date girls like Kim. You know...those who wear pretty dresses and got big ... ummm... stuff..." Shempre ang tinutukoy kong 'stuff'  ay ang boobs ni Kim, gets naman yun ni Ara kasi nanlaki din ang mata nya habang patango tango at nakataas pa ang isang kilay.

"Well.. You never know...and besides you haven't dated since...." Nag-pause sha. "...you know..."

"Yup! Since he left months ago!" Ako na lang ang nagtuloy ng sentence nya baka kasi mamaya kung ano pa masabi nun. 



Stranger's Tale: One Day in AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon