Part 1: Tequila and Vodka

54 2 1
                                    


Hmmm...ano kayang maisusuot ko ngayong gabi?

Nakapamewang kong sinambit sa isip ko habang nakatayo sa tapat ng nakabukas kong aparador. Tumingin ako sa orasang nakasabit sa dingding...

5:00 na pala. Hindi pa ako naliligo. Shocks!

Nagmadali kong kinuha ang aking twalya at lumabas ng kwarto papuntang cr para maligo.

"Hey, Mary, do you mind going alone tonight?" Tumingin ako kay Ara na nakaupong nagsusuot ng bagong bili nyang stilletos sa may sofa. Sha ang roommate ko – taga Russia kaya english speaking.

"You're not joining us?" Lagi lagi naman kasi shang sumasama kapag weekends. Nagpupunta kami ng mga kaibigan namin sa isang bar sa downtown para mag party. Yun lang ang kaligayan naming mga foreigner dito sa Korea.

Ngumiti si Ara na parang may malisha – yung tipong may kilig sa mata – "Actually...I will join you guys later but I have a dinner with a friend first."

Alam na alam ko na yang dinner with a friend na yan. Sa suot pa lang nyang black mini skirt at stilletos kahit na 13 degrees celcius sa labas eh hindi ko na kailangang itanong kung babae ba yung friend nya o lalaki. "Ahhh..a friend. Okay, so just message me when you finish having dinner with your friend. We will probably be in the same place anyway – as always" At saka ko sinara ang pinto ng CR para maligo.

Pagkatapos kong makipag duet kay Taylor Swift habang naliligo ay nakailang sukat ako ng damit kakaisip kung anong damit ang pwede kong maisusuot ngayong gabi. November na kaya malamig nag mag-pakita ng legs. 

Hmp, bahala na nga..wala naman akong pagpopormahan mamaya. Ok na to. 

Pinagmamasdan ko ang suot kong blue na knitted sweater at black na leggings habang nakatayo sa harap ng salamin.

Makalipas ang isang oras na paglalagay ng makeup  at pag blowdry ng buhok ay handa na akong umalis. Kanina pa kasi ako minemessage ni Kim. Sha ang best friend kong Korean. Nasa bus na daw sha. Kailagan ko nang magmadali at ayokong may naghihintay sakin. Nag boots na lang ako na flat para kahit malasing ako mamaya ay hindi sasakit ang paa ko. 

I'm already in the subway. Meet you in 30 minutes.  

Yan ang message ko kay Kim kahit na wala pa naman ako sa subway, tanawa ko na naman yung entrance eh. 

---

Paglabas ko ng train, nagmessage si Kim na malelate sha dahil na traffic yung bus na sinasakyan nya kaya sa Bar Eleven na lang daw kami magkita. Napabuntong hininga ako. Buti na lang, kasi nalate din ako ng ilang minuto.  

Habang naglalakad ako papuntang Bar Eleven ay nag-vibrate ang phone ko. May tumatawag.

"Beast? Asan ka na?" Si Beast naman ang kapwa ko Pinoy na nag-aaral din dito sa Korea.  Grabe sa pagka-hearthrob yan, kahit sino na lang nabibighani nya! Hindi ko naman masisi ang charming naman kasi talaga ni Beast. Tall, dark, and handsome...matalino pa. 

"Nandito na ako sa Eleven, san na kayo? Kasama mo ba si Kim at Ara?"

"Hindi eh...pero papunta na din ako. Hanap ka na ng table."

"Sige, papasok na ako, dalian mo ha, baka mamaya may makadiscover pa sakin dito. Hehehe"

"Hahaha! Oo na papunta na nga..eto nagmamadali na. 5 minutes nanjan na ako."

---

"Ang daming tao! San tayo uupo?" Tanong ko kay Beast nang magkita kami sa loob ng BE (shortcut for Bar Eleven). 

Ang layo ng tingin ni Beast, parang may hinahanap sa crowd na halos lahat ay foreigner, pasayaw sayaw pa sa music.

"Uy, Beast!" Sinigawan ko sha.

"Relax ka lang jan..nandito naman tayo sa bar area eh..order ka muna ng drinks." As usual nag-ccheck out naman sha ng mga babae kaya wala sa sarili. Di makausap ng matino. 

Hay naku, asan na kaya si Kim, tagal naman nun. Matawagan nga."

"Hey!" Sabay may umakbay sa may likod ko. 

"I was just about to message you." Sabay beso kay Kim. As usual winner ang outfit ni Kim. Sa cup C nyang boobs ay for sure hindi sha nahirapang ilabas ang cleavage nya sa suot nyang black laced dress. Kung ganun din lang sana ang hinaharap ko eh di hindi din ako nagdadalawang isip bumili ng plunging neckline.  "We don't have a seat! Look at the crowd. Do you want to move place?"

"Why? No...let's stay here! We will find a place...let's use Beast's charm. Where is he anyway?"

Napalingon ako sa gilid ko...katabi ko lang sha kanina eh. "He was just here."

"Oh wait, spotted him." Sabi ni Kim at tinuro si Beast na may kausap na isang Korean sa isang table. "He doesn't waste time. Haha! Let's go look for a place near the entrance. C'mon."

Nalibot na namin ang buong place at wala talagang vacant. At sa dami ng tao for sure pag may umalis na group ay may nakareserve na agad sa seat na yun. 

"Maybe let's just ask to share a table." Suggest ko kay Kim, unless tatayo lang kami buong magdamag.  Tumango naman siya.

"There!" May nakita akong isang table na isang tao lang naman ang nakaupo. Wala namang nakalagay sa table kundi ung isang beer nya. Nilapitan ko yung guy.

"Excuse me." Sabi ko sa lalaki. Sa totoo lang may kahawig sha, hindi ko lang maisip kung sino. Tumingala sha at ngumiti hinihintay nya ang sasabihin ko.  "Are you by yourself? Can my friends and I share table?"

Hinila nya papalayo ng konti yung stool na inuupuan nya sa lamesa kasama ng iniinom nyang beer. "It's fine. You can use it." 

"Great!" I smiled back at him, then nag-wave ako kay Kim na kausap si Beast sa may isang table. 

Lumapit si Kim at nilapag ang bag nya sa may table. Si Beast naman ay may hawak hawak ng isang bote ng tequila. 

"Where did you get that?" Nagtatakang tanong ko kay Beast. "Did we order yet?"

Ngumiti naman ng nakakaloko si Beast. "Those girls gave it to me." Sinundan ko ang mata nyang nakatingin sa table ng 3 mga babaeng parang nasa 40's na.

Pinangdilatan ko si Beast ng mata. "Huy, ano ka ba! Sugar mommy?" 

"Hehehe..relax Mary, I would still choose you over them." 

"Eeeiw! Bahala ka nga."

"I already ordered us a bottle of vodka since we already have tequila." Sambit ni Kim. "Courtesy of Beast. Hahahaha."

---

Nakaka-2 shots pa lang ako ng tequila pero parang nalalasing na ako. Hindi pwede to, usually mataas tolerance ko sa alcohol. Bigla kong naalala - hindi pa pala ako kumakain. 

Shocks, madali akong malalsing nito.  Tequila at vodka...jusko goodluck sakin!


********

Hello! This story is very special to me. Na-inspire ako to write this when I recently lost a friend. Some of the events are based on my own experience and some of the characters are inspired by real people, but of course madami din akong dinagdag at in-alter to make the story more progressive.

Anyway, I hope magustuhan ninyo. :)

[jay si]

Stranger's Tale: One Day in AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon