Ugh! Hangover - - - I'm never going to drink again!
I covered my face with a blanket. Ang sakit ng ulo ko, 4 am na ata kami nakauwi. Hindi na nga ako nakapagpalit ng pantulog dahil sobrang lasing.
Eeeiw...hindi pala ako nakapag-toothbrush.Argh!
Pinilit kong tumayo para kunin ang cellphone ko sa loob ng bag na nakakalat sa sahig. Meron akong 6 na missed calls at 5 messages. Yung 4 na missed call galing kay Kim at yung 2 galing kay Beast. Binuksan ko ung mga messages.
Did you go home safely?
Where are you now?
I just got home.
Message me tomorrow when you read this.
Galing kay Kim. Nireplyan ko na din agad para di mag-alala. Pero meron pang isang message, number lang sha at hindi naka-register ang name, binuksan ko.
Hey. How's your hangover? I didn't think I would enjoy last night with you and your friends hahaha but I did. ;) Save my number. - Greg
Ohhh...nag-message sha. Hmmmm ano kayang rereply ko? Ayy mamaya na nga lang. Gutom na ako.
At chinarge ko ang cellphone ko sa may study table. 11:00 am na kaya naman pala gutom na gutom na ako. May pagkain kaya kami ni Ara? Lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. Binuksan ko ang ref...as usual - walang laman.
Nagpunta akong CR para mag-hilamos. Tumingin ako sa salamin.
Nyaak...Que Horror!
Yun na lang nasabi ko sa itsura ko habang pinagmamasdan ito sa harap ng salamin. Kalat kalat ang makeup sa mukha ko, mukha akong pulubing ilang araw nang di nakakaligo. Smudged na ang mascara ko kaya parang nag-transform din ako bilang isa sa walker ng The Walking Dead.
Infairness, maganda pa din ang lipstick ko...Ano bang lipstick ang gamit ko kagabi? Or dahil ba yun sa bago kong lip primer? Ayyy panalo!
Kumuha ako ng tali para i-pusod ang makapal at mahaba kong buhok. At pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush grabe ang sarap ng feeling! Lumabas ako ng CR at nakita ko si Ara na nasa may kusina, nakapantulog pa at gumagawa ng tea.
"Are you going out to eat lunch?" Tanong nya na mejo husky ang boses - obvious na bagong gising.
"I might just buy something down the convenient store. And you?"
"I have a lunch out..."
"let me guess, with a friend from last night?"
Napasmile sha. "...a different friend."
"Haha. Alright. Enjoy your lunch. It's already past 11, you better hurry."
"Ugh. I know..." Sabay inom ng kanyang tea at pasok sa loob ng kanyang kwarto.
---
Pagkatapos kong kumain ng cup noodles at tinapay na binili ko sa convenient store malapit sa apartment ay bigla kong naalala, hindi ko papala narereplyan si Greg.
Hi. Yeah, last night was fun. About to go out and get my hangover cure in a bit. How's your day?
Wala pang 1 minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply.
Greg: Bummer. What's your hangover cure? Can I steal it?
Me: Only if you know where Kiki's Coffee Shop is.
I know, Kiki Coffee Shop talaga name nun, hindi sha typo. It exists . Pero I swear super ganda ng coffee shop na yun, rustic ung interior, ang lalaki ng coach at super lambot, relaxing pa yung music. At sa kanila ko lang nabibili ang civet coffee - na pina-partneran ko ng special chocolate-filled churros - super sarap na combo! Must try talaga, lalu na pag may hangover ako. At dahil mejo mahal sha hindi masyadong dinadayo ng mga kabataang korean hehehe...so peaceful dun ang sarap mag-aral.
BINABASA MO ANG
Stranger's Tale: One Day in Autumn
ContoPaano kung hindi magkatugma ang sinasabi at pinapakita sayo ng isang tao? Makikinig ka ba sa naririnig mo o sa pinapakita nya sayo? Kwento ito ng buhay ni Mary at ang mala-roller coaster niyang emosyon simula ng makilala niya si Greg, isang US Army...