Part 9: Hangover

8 0 0
                                    

It's suppose to be another Sunday Funday Day with Beast but this time ako naman ang may hangover. 

Naka upo kami sa loob ng train to go to the church. Inabutan ako ni Beast ng bottled water na galing sa loob ng bag niya.

"Here. You look dead." Puna niya. "Ilan ba nainom mo kagabi?"

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya, "Ewan ko ba. Naka ilang bote din kami ni Kim ng soju at beer bago mag puntang BE eh. Dun naman nag tequila tayo, tapos nung nagpunta akong Viva umorder lang ako ng jack and coke. Yun lang naman."

"Yun lang naman? Eh hinalo halo mo ung alkohol sa katawan mo. Buti di ka nagsuka."

"I know." Tinakpan ko ung bottled water at binigay ulit kay Beast para ilagay sa bag niya. "Bakit ka nga pala may dalang bag? Ang laki pa ha!"

May dala dala siyang black na messenger bag. Na curious ako kung baket sha may dalang bag ngayon. Hindi naman sha usually nagdadala ng bag.

"Ahh. Kasi dadaan akong post office mamaya. May isesend akong package."

"Taray. Para naman kanino?"

"Basta." 

Umiiwas ba si Beast? Hmmmm....mas nakakaintriga yung ganyang walang direchong sagot eh.

"Sige na kasi...ano ba yan. Ang daya hindi nag-sshare." Uto ko sakanya.

"Secret. Ang kulit nito."

"Bahala ka. Hindi kita reregaluhan sa pasko." Pananakot ko.

"Ay grabe naman. Mary, minsan minsan naman mag secret din tayo sa isa't isa."

"Hmmmm....sige. Sinabi mo yan ah, may icchika pa naman sana ako sayong nagyari kagabi." Hindi ko pa kasi nakkwento ang nagyari samin ni Greg. Actually I'm still debating sa sarili ko kung ikkwento ko ba o hindi. Ayoko din kasing mag-feeling baka naman kasi wala lang yun kay Greg.

Napatingin bigla si Beast sakin. "Teka, may nangyari ba kagabing hindi ko alam? Ano un? Kanino? Kay Kim ba? Ara? Wait...sayo? Sayo ba?" Palaki ng palaki ang mata niya habang nagtatanong.

Daedma. Bahala sha mag-isip. Sha naman nagsimula ng secret secret na yan. Buti nga.

---

Hanggang matapos na ang mass kinukulit pa din ako ni Beast. 

"Sige na kasi Mary. Si Andrew yun no? Or yung kano kagabi?" Pangugulit pa din niya.

Nahahalata kong mejo naiinis na si Beast, pero hindi ko pa din sinasagot ang mga tanong niya.

"Uy, Mary...ano ba naman yan. Sabihin mo na kasi. Kung ano ano na naiisip ko eh." Naglalakad na kami papuntang mall para mag-merienda.

"Ano san na ba tayo kakain? Gutom na gutom na ako!" Sagot ko sa tanong niya.

Napakamot ng ulo si Beast, "Naman no. Di mo ba talaga sasabihin?"

"Beast," huminto ako sa pag-lalakad at hinarap siya. Huminga muna ako ng malalalim para maganda ang effect. "Ikaw nag-simula. Nag-aagree lang ako sayo. Di ba nga sabi mo minsan minsan dapat may secret din tayo sa isa't-isa." At bumalik ako sa pag-lalakad.

Akala ko sasabihin na ni Beast kung para kanino ang daladala niyang package. Sa sobrang tagal ko nang kaibigan si Beast kating kati na akong ikwento sakanya yung nagyari samin ni Greg pero nakakainis din na ayaw niya sabihin kung ano ung package at para kanino. Baket hindi niya masabi? 

"Sige sige fine." Sabi ni Beast after few seconds na pagiisip.

Napangiti ako. 

Yes effective. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stranger's Tale: One Day in AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon