*Knock knock knock*
Tumayo ako sa kama at sinuot ang shorts na nakasampay sa sandalan ng computer chair ko. Pagbukas ko ng pinto, nakatayo si Ara na ayos na ayos.
May date nanaman to, for sure!
"Yep?" Tanong ko sakanya.
"Here." May inabot shang silver na bracelet na may heart charm.
"Where did you get it?" Nagtatakang tanong ko.
"I was cleaning yesterday and I found this under the sofa."
"Ahh..alright! Thank you. Is that it?"
"Yep, that's it, coz I'm going out for lunch so I'll see you later." Nagmamadaling sabi ni Ara.
"Okay. See ya" At sinara ko ang pinto habang nakatitig sa bracelet na hawak ko. "Andrew."
(FLASHBACK) *** Naka-upo ako sa kama, pinipigilang tumulo ang luha. Bukas na ang alis niya. Ito na ba ang last day na magkikita kami?
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang isang maliit na pahabang kahon na may maliit na purple ribbon.
"What's this?"
"Open it. It's my way of saying thank you and that I promise we will see each other again." He explained na nangigilid ang luha.
Binuksan ko ang regalo, "It's beautiful. Thank you, Andrew." Yun na lang ang nasabi ko hang pinagmamasdan ang isang silver na bracelet na may heart charm. I'm not only speechless dahil maganda talaga ung bracelet kundi dahil pinipigil ko talagang tumulo ang luha ko.
Kinuha niya ito sa kamay ko, "I'll wear it to you." At sinuot niya sa akin. Ang ganda. Masaya ako pero malungkot din dahil bukas hindi ko na sha makikita. ***
Nilagay ko ang bracelet sa loob ng jewelry box. Mag-iisang taon ang nakalipas nang umalis si Andrew sa Korea at magpuntang Kuwait dahil doon sha na-deploy. Isa rin kasi shang US Army.
Nagkakilala kami sa Bar Eleven nung madestino sha dito sa Korea. Sobrang bad trip ko nung gabing yon kaya nanghingi ako sa kanya ng sigarilyo, hindi pa din ako nag-qquit nung mga panahong iyon. Sa lahat ng mga lalaking nakilala ko sa Korea, sha ang pinaka-special. Halos isang taon din naging kami. Nag-try din naming mag-long distance relationship pero mahirap pala lalu na pag magkaiba yung time zone. Mga 5 buwan na din siguro kaming walang communication.
Kamusta na kaya sha? Meron na kaya shang bagong girlfriend?
Umupo ako sa study table at binuksan ang laptop para mag-Facebook. Tinignan ko ang page niya. Ang last post niya ay 2 days ago. Picture niya at isang lalaki sa loob ng kotse habang siya ay nag-ddrive, at parehas silang naka-camouflage uniform. Ang caption ay : 'Working with my buddy Sean.'
Ang gwapo pa rin niya. Sige na nga nga i-li-like ko. Wala namang masama dun. I mean sha nga nag-lilike din naman sha ng mga photos ko online.
Then I hit the like button. After, nag-continue pa din akong mag scroll down, hanggang sa umabot ako sa mga posts niya nung nasa Korea pa sha at nakita ko ang picture naming dalawa na may kasamang random na Korean girl. Naaala ko pa ang kwento sa likod ng litratong yan. Nasa may labas kami ng Bar Eleven naninigarilyo nang biglang may kumaway saming Korean. Magpapapicture daw sha samin. Nagulat shempre kami kasi parang baket di ba hindi naman kami celebrity...pero kagaya nga ng sinabi ko dati, nagiging friendly ako pag-lasing so ayun nag-picture kaming tatlo.
Nag-scroll down ulit ako. May picture na naman kaming dalawa. Ito yung classic bf-gf selfie. Naka-kiss sha sa cheeks ko habang nakatingin ako sa camera at kinukunan ang aming selfie na naka-pout ang lips. New Year day yun.
BINABASA MO ANG
Stranger's Tale: One Day in Autumn
Storie breviPaano kung hindi magkatugma ang sinasabi at pinapakita sayo ng isang tao? Makikinig ka ba sa naririnig mo o sa pinapakita nya sayo? Kwento ito ng buhay ni Mary at ang mala-roller coaster niyang emosyon simula ng makilala niya si Greg, isang US Army...