Ahhh..sarap!
Nilalasap ko pa ang sarap ng kape ko habang nakaupo sa tabi ng bintana. Kadadating lang ng inorder kong kape at churros. Binuksan ko ang aking laptop para simulan na ang ginagawa kong report.
Estudyante ako dito sa Korea, pang last na semester ko na at ilang buwan na lang ay magiging doktor na ako - hindi ng medicine ha, takot ako sa dugo. PHD lang. Pero hindi ako mag-isa dito sa Korea, ang mga magulang ko ay nakatira sa Seoul - mga Professors sila kaya minsan minsan ay bumibisita ako dun. Nasa bandang south kasi ako ng Korea. Mas-okay nga na malayo ako sa mga magulang ko para naman hindi ako masyadong magdepende sakanila at para magawa ko ang mga hindi ko nagagawa dati nung nasa Pilipinas pa kami.
Sinimulan kong buksan laptop ko para ayusin ang Chapter 4 nang thesis ko.
Hay! Napabuntong hininga na lang ako. Strinech ko ang mga kamay ko at ang leeg ko getting ready for long hour ng pag-susunog ng kilay.
---
Makalipas ang ilang pages ng pagbabasa at pag-t-type, kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa front pocket ng laptop bag. May message si Kim.
Kim: Are you going out tonight?
Me: I'm not sure. Maybe not. I'm too tired. I'm typing some reports due for next week's class so I don't know. How about you?
---
Kakatapos ko lang mag-dinner and I still haven't decided kung sa bahay lang ako or puntang Eleven ngayong Saturday night. I opened our apartment's door. Patay ang ilaw. Lumabas ata si Ara. Hinubad ko ang sapatos ko at sinuot ang tsinelas ko, pagkatapos ay pumasok sa kwarto at nahiga sa kama. Nag-unat unat muna ng buto. Binuksan ko ang cellphone ko, may message si Greg, tinatanong kung lalabas ako tonight.
Hayyyy... panhinga muna ako ng 10 mins. Mamaya na ako mag-dedecide.
Sabay baba ng phone sa tabi ko. Pumikit ako para ipahinga ang pagod kong mata kahit saglit lang, ngunit pagmulat ko, sikat na ang araw - umaga na!
7:30 na agad ng umaga?
Tinignan ko ang cellphone ko na nasatabi ko pa din, at as usual ang dami kong messages at missed call, puro kay Ara, Kim, at Beast. Lahat sila nagtatanong kung susunod ba ako sa BE o kung hindi naman ay pinipilit akong magpunta. Inignore ko na lang, nakatulog ako eh.
---
Tuwing linggo ng hapon ay umaalis kami ni Beast para magsimba. May inaatendan kaming simbahan na puro mga pinoy. Yun na din ang time para mag-relax kami in a non-alcoholic way like shopping or manood ng sine.
"O ayan, kape, uminom ka." Inabot ko kay Beast ang tinimpla kong instant coffee na libre sa simbahan pagkatapos ng simba.
Kinuha niya ang kape at ininom.
"Anong oras ba kasi kayo umuwi? Para kang zombie." Tanong ko.
"Maaga."
"O umaga?"
"Maaga nga. 12 midnight umulis na kaming downtown eh."
"Maaga naman pala eh baket ganyan itsura mo? Hay naku..siguro hindi ka dumirecho sa bahay mo no?"
Napangiti si Beast, nilabas pa ang dimples niya. "Eh nagyaya eh. Sino ba naman ako para tumangi? Hehe."
Napakamot na lang ako ng ulo. "Beast ha! Nasa simbahan pa din tayo, mamaya na ang kalaswaan pag nakalayo na tayo..konting repeto." Biro ko sa kanya.
"Tara na nga, tingin tayo ng magandang movie, nood tayo." Yaya ni Beast.
"Libre mo ha?"
"Oo...Tara!" Inakbayan na nya ako papalabas ng gate ng simbahan.
---
Pagkatapos naming bumili ng ticket sa sinehan ay dumirecho muna kami sa bookstore. Kailangan pa naming maghintay ng 1 oras.
Tumitingin kami sa English non-fiction na area. Mejo limited lang din kasi ang mga books na english dito sa Korea at kahit na marunong kaming magkorean iba pa din ang english, mas-madali naming maiintindihan.
"Sino ba kasi ang kasama mo kagabi?" Naiintriga ako kung bakit ganun ka pagod si Beast.
"Nung nasa Eleven kami, nandun si Kim at Ara. Si Ara may ka-date eh. Si Kim naman kasama yung isa nyang co-teacher." Kwento niya.
"Oh eh bakit ang aga ninyong umuwi eh ang dami nyo naman pala?"
"Wala lang. Wala ka kasi eh." Ung tono pa ng boses nya ay yung parang naninisi.
Hinampas ko si Beast ng librong hawak-hawak ko. "Ang arte nito. Sabihin mo na kasi. Sino ba yung kasama mo ha at maaga kang umalis?"
Kinuha nya ung librong pinanghampas ko, "Si Hari."
"Aba! Sino naman yang Hari na yan? Korean?"
"Oo. Nakilala ko kagabi. Grabe Mary...ang ganda nya!!!" Pinipisil nya ang braso ko at niyuyugyog ang katawan ko na gigil na gigil. "Sobrang ganda!!!"
"Aray!!!" Hinawakan ko sha. "Beast...oo na maganda na sha. Grabe ka maka-gigil. Hindi ako yun noh! Ang sakit." Hinimas himas ko ang nalamog kong mga braso. Sa liit ko (5'2") at sa laki ni Beast (5'11"), kung hindi ko sha pinigilan, malamang nagka shaken baby syndrome na ako.
"Hahaha. Sorry na-excite lang." Binigyan nya ako ng last na hug.
Sweet yang si Beast kaya nga dati nagseselos yung ex ko kasi naman kung makalambing akala mo tatay o bf. Isang anak yan kaya siguro ganun kalambing at mag-kaibigan ang pamilya namin noon pa sa Pinas kaya sobra kaming close, para ko na shang kuya kahit na masmatanda ako sa kanya ng 3 taon. Hindi din naman halata, shempre baby face tayo. Hehehe.
"Okay na. So..may nangyari nga?"
"Hehehe. Wag kang magselos kung meron ha." Biro nya ulit.
"Hahaha. Sira! Ano nga? Nakakainis tong kausap, hindi sumasagot ng direcho."
"Kasi naman, Mary, dapat di mo na tinatanong yan. May hihindi ba sakin? Hehehe." Sabay kindat.
"Tara na nga. Nafefeel ko na ang kayabangan mo eh. Punta na tayong sinehan para manahimik ka na lang."
BINABASA MO ANG
Stranger's Tale: One Day in Autumn
Short StoryPaano kung hindi magkatugma ang sinasabi at pinapakita sayo ng isang tao? Makikinig ka ba sa naririnig mo o sa pinapakita nya sayo? Kwento ito ng buhay ni Mary at ang mala-roller coaster niyang emosyon simula ng makilala niya si Greg, isang US Army...