Chapter 23: Weird... weirdo

13 2 0
                                    

Weird... weirdo

"Eh?"

"What?!"

"Fvcked!"

Nagkatinginan kami ni hubbybunch at ni Kheingie dahil sabay kaming nagreact. Naging weird lalo dahil ako lang naman ang biktima ngayon ng dare na 'to at hindi sila.

"Hey dude hindi naman ikaw ang biktima maka-react ka d'yan" Humalakhak si Renz. Binigyan naman siya ng isang masamang tingin ni hubbybunch

"Ikaw din Kheingie OA nyong magreact!" Ibinaling niya nalang kay Kheingie na parang nang-aasar?

"Terrence kiss her" Nakaramdam ako ng pamamasma sa kamay dahil mula sa ikinauupuan niya ay lumapit siya sa direksyon ko

Nanginginig ako habang pabigat ng pabigat ang paghinga ko.

Tinignan ko si Terrence walang bakas ang nasa mukha niya. Itutuloy niya ba talaga? Err kung hindi eh makukulong naman kami sa iisang kwarto ng isang buong gabi na sa tingin ko hindi ko lalong kakayanin

Lahat tahimik maliban kay Renz na parang baliw na tumatawa. Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?!

Unti-unti bumababa ang mukha sa akin ni Terrence hanggang sa nagpantay na kami. Napapalunok ako sa bawat paglapit ng mukha niya. Geez hindi ko alam ang gagawin. Mananakaw ba ang first kiss--- teka first kiss nga ba o second kiss ko na? Aish ewan ang gulo!

Pipikit na sana ako ng mariin ng bigla siyang magsalita. Ramdam ko ang mabangong hininga niya na dumadampi sa labi ko dahil napakalapit na talaga namin sa isa't isa

"I think I'm going to choose rule number two" Napalaki ang mata ko sa narinig

"Good. It's already 6 in the evening so your rule number two start now" ani Renz

Hindi ako mapakali ng i-lock kami dito sa isang kwarto na mukhang kakakuha lang nila. Ganun kabilis ang mga pangyayari. Teka? Ano nga ba ang dapat ikailang ko sa kaniya?
Yung paghalik niya sa noo ko? Eh matagal na 'yon eh

"Dara pwede bang umupo ka sa tabi ko nakakahilo 'yang paglakad lakad mo eh" Nakita ko ang pagkairita ni Terrence sa mukha kaya sumunod ako sa kaniya at umupo sa tabi niya sa kama

"Bakit ka ba palakad-lakad?" Natetense ako sa tanong niya

"A-ano na kayang g-ginagawa nila sa baba 'no?" Pag-iiba ko ng topic. Gusto ko hindi ako mailang sa kaniya

"Ewan. Siguro naglalaro? Now sagutin mo ang tanong ko"

Huminga ako ng malalim at pilit na pinupunas sa short ko ang kamay kong medyo pasmado na.

"Ah eh ih oh uh?" Nanginginig na rin pati labi ko sa sobrang kaba. Kaya napayuko ako sa kaniya

Natetense kasi ako lalo na may kasama akong lalaki sa iisang loob ng kwarto! Maliban kay Paolo eh sanay na ako dun 'no.

"You're really funny Dara that's why I like you"

Napalingon ako sa gawi niya dahil sa huling binanggit niya.

"A-ano?" Ulit ko baka napasukan lang ng buhangin ang tenga ko kaya mali ako ng pagkakadinig

"I said I like you Dara" Napatanga lang ako ng malinaw kong narinig ang pag-ulit niya sa pagsabi

"G-gusto mo ako? B-bakit naman?" Kinakabahan kong tanong

Bakit kasi sa dami daming lugar na pwede siyang magconfess ay dito pa kung saan kaming dalawa lang at nakalock ang pinto?! Pero teka ayoko rin naman siyang magconfess eh. Argh! Ang gulo ng mundo buti nalang hindi na kasing gulo ng buhok ko!

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon