Chapter 24: Not a manager anymore

15 2 0
                                    

Not a manager anymore

"Alam mo ba hindi ko masasabing angelic face siya pero kapag kahit sa unang kita mo pa lang na makikita siya masasabi mong mabuti siya at masayahing bata..."

Nakikinig lang ako sa kwento ni Miss Dari sa akin kaya hinayaan ko siya na magpatuloy lang sa pagki-kwento tungkol sa anak niya

"Naalala ko pa nga noon eh hindi siya palaayos na bata, she just let hair explode. Sa t'wing aayusan ko siya papasok sa school tapos nun pagkauwi niya sobrang gulo na rin ng buhok niya. Naalala ko rin na pinagbabawalan ko siyang bumaba sa sasakyan n'un pero nagpumilit siya akala ko nga nung una kung anong gagawin niya 'yun pala bibili lang siya ng paborito n'yang bbq. She's really funny"

"Nako miss Dari ang dami naman po pala ng similarities namin ng anak n'yo" Masigla kong sabi

Nagliwanag ang mukha niya

"Kaya naman pala nung una palang kita nakita dito sa resort ay magaan ang loob ko kasi pareho kayo ng anak ko. Actually nakikita ko siya sa'yo. Sa pagiging morena mo at ramdam ang pagiging good vibes na aura mo"

Ngumiti siya sa kawalan pero may napansin ako sa ngiting niyang 'yon. Hindi ko man sigurado pero pansin ko na parang lungkot? Malungkot na ngiti.

"Nasaan na po ba siya?" Tanong ko. Napabalik siya sa gawi ko ang ngumiti uli. Isang pilit na ngiti. Bakit?

"She's gone." Dalawang salita pero nagpataas ng balahibo ko

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga narinig ko

"Nako s-soryy po miss Dari hindi ko-----" Pinutol niya ang sasabihin ko

"Shhh don't be sorry. You know what hindi ako naniniwala na wala na siya kasi hindi naman talaga nakita 'yung katawan niya nung araw nang aksidente eh. I know she's still alive and I hope she's okay wherever she is. I will find her"

Kitang kita ko ang pagkadesidido niya mga mata niya at at the same time nakita ko ang lungkot roon. Nalulungkot ako para sa kaniya.

"Bes andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap eh"

Pareho kaming lumingon sa likod kung nasaan si Gea

"Oppsss I'm sorry nakaabala pa yata ako. Pasensiya sa akin hija ah? Masyado yata akong naging madaldal. Dito pa tayo nag-usap sa loob ng cubicle"

Umiling ako at ngumiti

"Nako hindi po okay lang. Masaya po ako na nagkwento kayo sa akin. Sana po makita n'yo na siya" Binigyan ko siya ng genuine smile, napangiti naman siya

"Sige po una na po kami" Paalam ko tumango lang siya.

Naging ok naman ang lahat ng makauwi na kami galing sa resort. Bumili din kami ni Gea ng souvenir at pasalubong galing doon. Hindi manlang din ako nakapagpaalam kay miss Dari dahil wala na daw ito sa resort at may pinuntahan na orphanage program.

Nagsimula na uli kami ng klase namin. Sa bawat oras na lumilipas hindi ko alam kung anong ia-akto ko kay Terrence dahil sa huling pagko-confess niya sa akin doon sa resort. Totoo ba talaga 'yon?

"Girlfriend tulala ka na naman" Nagsnap-out ako ng makita ko si Kheingie sa harapan ko.

"Bakit may sinasabi ka ba sakin?" Tanong ko. Umupo siya sa tabi ko at tumawa siya

"Wala nakita lang kitang nakatulala sa kawalan" Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko

"Nga pala malapit na pala ang tournament niyo sa basketball ah? Edi madalas na kayong magpa-practice?"

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon