Chapter 6: Bond With Him (Part 2)

208 35 16
                                    

Bond with Him (Part 2)

Nilunok ko naman yung pagkain gaya ng sabi niya kaso biglang ...

Nasamid ako!

"T-tu.....tubig! Tu ---"

May kinalkal siya dun sa bag niya pagkasabi ko nun. Hindi ko alam kung ano yun.

"Hu--bbybunch! Tutu-big " 

Aish ang hirap makahinga sakit sa heart.

Maya maya pa ay may inilabas na siya dung isang lata, tin can na coke at binuksan niya yun.

"Oh, wala akong tubig" Iniabot niya sakin yun.

Syempre dahil ayoko pang mamatay kinuha ko yun at nilaklak joke syempre inom lang.

Nang medyo nakarecover na ako nakahinga na ako ng maayos.

"Hayy thank you hubbybunch, mahal mo talaga ako ayaw mo pa akong mamatay talaga"

Taas babang kilay kong sabi at may malapad na ngiti. Pero siya seryoso lang. Sungit talaga!

"Ewan ko sayo! Ayoko ko lang mapagkamalang mamamatay-tao"

Tss kunwari pa si hubbybunch eh sa loob looban niyan ayaw niya talaga akong mamatay kasi mahal niya ako hihihi.

Kinuha ko naman yung isaw na nilublob ko dun sa suka na may chilli.

"Oh sayo" Inabot ko sa kanya yun.

"Ayoko nga diba tsaka kuwain mo nga 'tong pagkain na ... bentemax? betemax? Aish basta itong mukhang sunog ayokong kumain niyan. Oh!"

Mabilis niyang iniabot sa akin iyon kaya kinuha ko. Nakakatuwa lang yung ekspresiyon niya masyadong inosente sa ganitong bagay.

"Hahaha betamax tawag diyan. Oh sige lagay mo nalang dyan sa suka. Ito nalang try mo dali"

Inabot ko uli sa kanya 'yung isaw na hawak ko.

"Ayoko nga sabi. Ba't ba ang kulit mo!"

"Masarap 'to. Ayaw mo talaga ah"

Susubo ko na sana yung isaw ng bigla siyang magsalita.

"W-wait a-ano ba y-yan? "

Napatingin naman ako sa kanya

"Bituka ng manok"  Masaya kong sabi. Favorite ko kaya 'to sa mga tindang barbeque!

Nung narinig niya yun eh para siyang masusuka dahil sa expression ng mukha niya.

"Exotic animal ka ba?!" Tanong niya.

"Nope. Kinakain talaga 'to ng mga tao actually paborito nga namin ito ng karamihan eh"

"Hayy bilisan mo na nga diyan para makapagsimula na tayo"

"Okay sabi mo eh. Wait mo ko ah ubusin ko lang 'to"

Kinain ko naman agad yung isaw at yung iba pang natirang bbq na inorder ko.

Ilang sandali lang din eh natapos na ako at ininum ko yung natirang coke na binigay ni hubbybunch.

OMG first time niya ako bigyan kaya itatago ko 'tong tin can niya kyaaaaa. Souvenir lang haha.

Inilagay ko na yun tin can sa bag ko at naglakad palapit kay hubbybunch na nakaupo sa bench na malapit din sa gilid ng barbeque-han.

"Hubbybunch tara na?"

Tinignan niya lang ako at naglakad na. Tsk iniwan ako.

"Hubbybunch wait" Tumakbo naman agad ako sa kanya.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon