Chapter 30: Christmas Ball

19 1 0
                                    

Chapter 30: Christmas Ball

Hindi ako makaget-over since nung huli naming pagkikita ni hubbybunch last Saturday. Hindi ko ma-imagine na siya ang makaka-date ko sa Christmas Ball mamaya! I'm so excited!

Nakita ko na agad sa kama ang nakalatag na long gown ko. Ang ganda nito!

Pinaupo na ako sa harap ng salamin. Si Marion ang mag-aayos sa akin ngayon, siya yung baklang friend ni Gea sa parlor noon na nag-ayos sa akin.

Sabi kasi ni Gea gusto niya sanang sabay kami kasi susunduin siya ni Renz. Mukhang nauna na siya sa akin. Kailangan ko ng magmadalu kung ayaw kong malate.

"Iha-higlight natin ang mata mo para angat ang ganda pero hindi exagg lalo pa't bongga ang long gown mo. Ibi-braid natin ang buhok mo, waterfall braid. Curl sa tips and I'll put some crystals on your hair" Excited niyang sambit

Mabilis na ginawa ni Marion ang naisip niyang gagawin sa akin. Siguro mahigit dalawang oras niyang ginugol ang oras sa pag-aayos sa akin. Nakatulog na nga rin ako eh. Nagising lang ako ng mag vibrate ang cellphone ko.

Dalawang message ang nandoon.

Gea:

Bes saan ka na? Dito na ako sa New Haven Hotel. Kita kits ;)

Ako:

Sige sige mamaya nandiyan na rin ako hindi pa ako tapos ayusan eh. Marami na bang tao?

Hubbybunch:

Should I fetch you now?

Ako:

10 minutes hubbybunch. Malapit na rin ito. Sorry.

Hubbybunch:

Okay.

"Bebe girl okay na. You really looked gorgeous. Bongga!" Sabay halakhak niya.

Napanganga ako sa itsura ko. Grabe ang galing niyang mag-ayos!

"Thank you Marion" Ani ko at niyakap siya.

Narinig kong may tumikhim sa likod at nakita ko si papa na nakahalukipkip sa tabi ni mama habang pinapanuod ang pagyakap ko kay Marion. Protective talaga si papa.

"Ang ganda mo anak" Ani mama.

Namangha din sila Bev at papa sa nakita kaya napangiti ako.

Nagbihis ako agad ng gown ko at madaling sinuot ang white three inch pencil heels na sandals ko at kumikinang pa dahil sa glitters nito.

Nagvibrate uli ang phone ko na nasa purse ko kaya kinuha ko ito.

Hubbybunch:

I'm outside.

"Mama, papa nasa labas na daw po si hu---- Josh" Ani ko.

Inalalayan ako ni papa palabas ng bahay kasunod si mama, Bev at Marion sa likod.

Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni hubbybunch at mukhang hindi pa ako napansin na nasa harapan niya na ako kaya agad akong nagwagayway ng kamay sa harapan niya. Nagsnapped-out naman siya.

"You looked really gorgeous" Aniya, mangangamatis na ba ang mukha ko?

Papalubog na ang araw ng sumakay ako sa loob ng Mercedez ni hubbybunch. Siya ang nag-guide sa akin papasok sa front seat. Bago siya pumasok sa driver's seat nakita kong kinausap pa siya ni papa na hindi ko naman narinig. Nagtanguan sila bago pumasok si hubbybunch sa loob.

Lagpas na ng six o'clock ng makarating kami sa tapat ng hotel. Late kami! Ang alam ko 5 ang simula nun.

"Naku hubbybunch late na yata tayo, tinatawag na yata 'yung mga student's participants" Sabi ko ng hindi maalis ang kaba sa dibdib ko.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon