Chapter 26: Let's go on a date

12 2 0
                                    

Let's go on a date

Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa classroom at umupo roon. Konti pa lang ang nandito sa loob. Hindi ko na nga rin masyadong nakakasabay si Gea since nagkaroon kami ng camping noon. Ang alam ko ay nililigawan pa rin siya ni Renz at hindi niya pa rin sinasagot ito.

Nakita ko namang pumasok si Paolo at umupo sa likod ko

"Goodmorning Pao!" Bati ko ng nakangiti. Hindi ko na rin kasi siya masyadong nakakabonding eh. Wala naman akong masyadong pinagkakaabalahan

"Morning. Malapit ka na mag 17 ah?" May pang-aasar sa tono niya na ikinakunot ng noo ko

"Next month pa 'yon, bali next year na rin" Sabi ko ng mapagtantong January amg birthday ko

"Isang taon pa at magiging 18 ka na! Magiging matanda ka na!" Pang-aasar niya at humalakhak ng malakas kaya may iilan sa mga classmate ko ang lumingon

"Alam mo para kang ewan jan! Nagsalita ang hindi matanda ah?" Inirapan ko siya pero tumawa lang ang loko

"Atleast gwapo" Utas niya

"In your dreams Paolo Fidel" Ang aga aga bini-bwiset na naman ako nito

"Hoy Paolo iniinis mo na naman ba si Girlfriend?"

Nabigla ako sa presensiya ni Kheingie at naupo siya sa tabi ko

"Nope, I'm justifying the truth to her" Ngumisi siya sa akin kaya inirapan ko siya

"By the way Girlfriend mamaya yata magstart na tayong gumawa ng plans for group thesis natin"

"Oh nandito na pala silang tatlo eh kompleto na tayo" Aniya kaya lumingon ako at nakitang nilapag lang nila Gea at Renz ang bag nila at agad nagtungo sa direksyon namin

20 minutes pa bago magstart ang klase kaya napagplanuhan naming pag-usapan kung saan at kailan gagawa ng plano para sa group project namin

Gumawa kami ng circle para magkakaharap kami at nang magkaintindihan na rin

"It's better kung sa lugar na tahimik tayo gagawa ng project natin" Suhestiyon ni Gea na agad kaming tumango

"I know some place.." Tinignan namin si Renz na masiglang nagvoluntary

"Sa vaccant house nila Terrence" Dugtong niya

"Eh? Hindi ba nakakahiya sa kaniya lalo pa't hindi naman natin siya classmate" Sabat ko

"Yeah and his not part of this project" Napatingin ako sa katabi kong si hubbybunch na mukhang agree sa side ko. Teka hindi pa pala ako nagpasalamat sa kaniya kahapon

"But his our bestfriend Joshua I think that's okay to him and besides hindi naman nila ginagamit 'yon eh, but if you want to we can gobto your house instead" Ngumisi ito kay hubbybunch at sa akin kaya lumaki ang mga mata ko.

Dahan dahan ko namang sinilip ang reaction ni hubbybunch, kitang kita ko ang pag-igting ng bagang niya at matalim na titig ang ibinigay niya kay Renz

"Let's go to Terrence's vaccant house" Utas niya

Sumang-ayon na kami lahat sa venue

"So after class nalang tayo pumunta okay? I'll just text him para na rin mainform siya" Paliwanag ni Renz at tumango nalang kami

Si Paolo naman pansin ko ang biglang pagtahimik. Anyare kaya dito sa mokong 'to? Mausisa nga mamaya

Normal lang ang naging takbo ng klase. May discussion,quiz,discussion,quiz ganun lang ang naging routine namin sa umagang ito. Maaga rin ang naging dismissal dahil magkakaroon ng meeting ang mga faculty teachers,administrators, at ang mga student councils para sa nalakapit na sem break at Christmas ball.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon