Chapter 31: Black box

15 1 0
                                    

Black box

Bisperas na ng pasko kaya abalang abala kaming lahat dito sa bahay ng paghahanda para sa mga lulutuin naming mga pagkain.

Nakaka-excite lang. Lalo pa akong naexcite ng dito daw magpapasko sila Gea kasama ang mga magulang niya. Tutal mag-isang anak lang naman si Gea. Pupunta nga rin daw si Paolo eh kasi boring daw doon sa condo na tinitirhan niya ngayon lalo pa't nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Ang lungkot siguro nun. Ayaw niya rin naman kasing pumuntang States para doon na magcelebrate ng Christmas eh.

Pupunta nga rin ang mga tito at tita ko eh. Medyo kinakabahan ako kasi karamihan masungit at suplado sila. Mabuti na nga lang hindi ganon sila mama at papa eh. Hays.

Mamaya pang alas-otso ng gabi magsisidatingan ang mga bisita kaya heto kami nila mama,papa, Bev at Gea ay nagsisimula ng maglista ng p'wedeng bilhin sa supermarket.

Takam na takam ako sa mga nakikita kong mga nakahandang putahe sa hapag. May menudo, spaghetti, pancit, cake, puto, palabok, bread roll, barbeque at fishball! Ngayon palang gusto ko ng kumain pero mag-a-alas otso palang.

May Christmas tree din kami na sakto lang ang laki siguro mga 5'5 ang taas. Kaya sakto lang talaga. May mga iilang regalo na nga kaming inilagay doon eh. Mamayang alas dose na namin iyon bubuksan.

Nagbihis na ako agad ng damit na red t-shirt, maong at sneaker, syempre kasama 'yung santa hat. Gusto pa nga sana ni Gea na pagsuotin ako ng dress eh pati si mama pero hindi ako pumayag. Ayoko naman silang malungkot kaya sabi ko sa new year nalang ako babawi. Wala na  kong takas.

Dumating na nga rin si Paolo eh, nagulat kaming lahat ng may kasama siyang babae.

"Oh Paolo girlfriend mo?" Bungad agad ni papa.

Nakaupo kami sa sala ni Gea dahil nilalagyan niya ako ng anek anek sa mukha kahit ayaw ko pero wala akong magawa dahil isa lang ako at tatlo sila ni mama at Bev.  Nagkasabay kaming napatingin kay Paolo sa direksyon niya. Kumunot ang noo ko ng makita kung sino 'yung babae.

"Steph?" Sabay kaming nagsalita ni Gea.

Ngumiti siya samin, "Advance Merry Christmas girls" Aniya.

"Opo uncle by the way this is Stephanie Orchoa, babe si uncle Miguel at siya naman si aunty Rose. The family Fuentes!" Galak na sambit ni Paolo habang tumatawa. Ganon rin sila mama na tumatawa.

"Kailan pa naging sila?" Bulong ni Gea. Nagkibit-balikat nalang ako nang hindi inaalis ang tingin sa nakaakbay na Paolo kay Steph.

"Ah tito Miguel bakit Fuentes po hindi ba dapat Fuentel?"

Nawala ang tawanan nila ng nagtanong si Steph.

"Ah y-yun ba? Typographical error sa birth certificate niya. Hindi pa kasi n-naayos" Ani papa.

Bakit naging kabado yata si papa? Eh alam ko naman na 'yon eh. Natatakot ba siyang may makaalam na hindi pa naayos ng birth certificate ko? Okay lang naman 'yon eh.

"Miguel! Kamusta na?" Nagulat kami ng may mga sunod sunod na pumasok sa sala. Hudyat na dumating na ang angkan ni papa at ni mama.

Agad na nagmano kami ni Bev kila tito at tita. Umupo naman sila Paolo at Steph sa sofa.

"Ang laki mo na Bev ah?" Ani tito Mon, kapatid ni papa. Ginulo ng bahagya nito ang buhok ni Bev at tumawa ng mahina.

Tumikhim naman agad si papa, tumingin bigla sa akin si tito Mon "Ikaw rin Dara dalaga ka na" Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

Naging abala ang buong bahay dahil nagkaroon na ng mga ingay, kwentuhan, tawanan at kung ano-ano pa sa loob ng bahay.

Kasama din nila tito at tita ang kani-kanilang mga anak na hindi naman nalalayo sa edad namin nila Gea. Kaya naman ng medyo maghahating gabi na ay bumukod kaminf magpipinsan kasama sila Gea sa sala habang ang mga matatanda sa amin ay nasa kusina at nagtatawanan. Nag-iinuman na rin sa kanila ang mga kalalakihan. Kagaya sa amin dito sa sala ay nag-iinuman ang mga pinsan kong lalaki kasama si Paolo. Magkakasundo naman sila kahit papaano kaya hindi mahirap mav-adjuts, ganon din kay Gea.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon