Chapter 32: She's her daughter

14 1 0
                                    

She's her daughter

"Ate Dara gising"

Naalimpungatan ako ng may kumulbit sa akin mula sa pagkakatulog. Ayoko pa nga sanang bumangon kung hindi lang siya nagsabi ng ikakabangon ko eh.

"Ate si kuya Kheingie nasa sala" Mabilis pa kay the Flash at naupo ako sa kama.

"Huh? Bakit anong meron?" Kunot-noong tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya, "Sige na atd kanina ka pa hinihintay nun eh. Ligo ka na"

Naguguluhan man ay nagsimula na akong bumangon at maligo.


Nasa mall kaming dalawa ngayon. Ito pala ang ipinunta niya sa bahay. Magpapasama daw siya sa aking bumili bago niyang sneaker para sa laban nila sa tournament pagkabalik-eskwela.

"Bakit ako pa ang isinama mo?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya at mabilis na inilahad sa akin na pumasok ako sa BMW i8 na sasakyan niya. Hindi ko maiwasang malula sa ganda ng sasakyan niya. Ang astig kasi hi-tech yung pintuan ng sasakyan niya. Kay hubbybunch roof naman ng kotse niya ang hi-tech.

Sinundan ko nalang siya habang naglalakad kami sa mall.

"Nagugutom ka na ba?"

Nang itanong niya yan naalala ko bigla na hindi pa nga pala ako nakakain ng umagahan dahil alas nuebe pa lang ay nasa bahay na siya.

Tumango tango lang ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin.

"Sige kain muna tayo girlfriend" Masigla niyang sambit.

"Teka hindi ka ba muna bibili ng sapatos mo?" Pinigilan ko agad siya at humawak sa braso niya.

"Mamaya na 'yon kain muna tayo"

Masayang tumango uli ako sa kaniya at nagmadaling maghanap ng makakainan.

Nakatayo kami ngayon sa mga sumisigaw na mahal na mga resto dito sa loob ng mall.

'Nako hindi keri ng budget ko ang mga gastos ng pagkain dito. Patay!' Sabi ko mentally.

Mag-isip ka Dara!

Ahh alam ko na!

"Ah ano eh Kheingie hindi naman ako masyadong gutom eh. Ano ah mainit dito sa mall eh ih--- sa labas nalang ako kakain kasi gusto ko rin namang kumain muna ng pagkain sa labas. Tama! Ganun nga!"

Palusot ko. Biglang kumunot ang noo niya.

'Please ngayon lang maniwala ka muna kunwari' insert cross fingers.

Ngumiti agad siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Okay sige. Tara na?" Nagulat ako ng pumayag siya at mas lalo akong nagulat mg sasama siya.

"Sasama ka?" Tanong ko. Tumango lang siyang nakangiti sa akin at nagsimulang maglakad.

"Hehehe h'wag kang mag-alala treat ko!" Masigla kong sabi. Tumawa lang siya. Baliw na yata si Kheingie?

Pagkadating namin dito sa mga stalls na kung saan nagbebenta ang mga vendors ng mga streetfoods sa gilid ng mall mabilis akong lumapit sa nagtitinda ng barbeque, fishballs at tokneneng.

Napalunok ako at napadila sa labi ko ng natakam ako ng sobra sobra sa mga pagkain.

"Kheingie! Kheingie dali h'wag ka ng mahiya kuha ka na rin sa'yo treat ko!" Sabi ko habang subo subo ang tokneneng sa bibig ko.

Tumawa siya ng mahina at lumapit sa barbeque-han. Mukha namang hindi siya maarte eh. Good!

"Hindi ka pa rin nagbabago"

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon