Chapter 16: Meet the Hamster

27 2 0
                                    

Meet the Hamster

"Haist! Akala ko hindi ganun ang gawain ko pero kabaligtaran lang pala!" Sinasabunutan ko ng bahagya ang buhok ko sa pagkainis

Andito ako ngayon sa labas ng Helmithia Academy at nakaupo sa isa sa mga bench at kagagaling ko lang din sa gym kung saan nagpapractice ang Blue Hawk at ako ang gaganap na manager. Buong akala ko ang manager yung mag-uutos sa mga player pero kabaligtaran pala ang lahat. Ang player ang mag-uutos sa manager, well ok na naman sana dahil andun naman si hubbybunch pero parang hindi ko siya nalapitan o nahawakan o natignan manlang dahil sa mga members niya tapos dagdagan pa ni Kheingie na sumali pala dito sa team nila na panay utos tapos yung mga ibang members pa gaya nila Night, Terrence, Kyle at yung si Gabby na puro pasaway at panay ang utos sa akin mukha ngang trip ako nung apat eh! At yun talaga ang kinaiinisan ko sa lahat pero wala na akong magawa kasi in the first place nagpumilit ako kay Renz at hubbybunch at nag-insist ako sabi ko kay Renz at ang malupit nangako ako -_- so walang choice! Ang masasabi ko nalang PANININDIGAN ko 'to, KAKAYANIN ko 'to at TITIISIN ko ito! Aja! Darlene Carina Fuentel!

Tumayo ako sa ikinauupuan ko ng may huminto sa aking nakamotor ? Napatingin ako sa nakasakay rito at gusto kong maburst-out sa kakatawa dahil ang weird ng isang 'to

"Seriously yan ba ang bagong helmet ngayon pft hahahahaha" Tawang tawa ako kasi ghad! Sinong abnoy ang magsusuot ng isang half mask ng hamster di ba? Hahahahaha nakakatawa lang talaga

"Di ba ang sabi sa hallway mo ako hintayin ?" Tumigil ako sa pagtawa at napakunot ang noo ko sa kanya. Hindi ko pa makita yung ekspresyon niya dahil sa half mask na nakatakip sa kanya

"Eh? sino ka ba?" Naguguluhan kong tanong

Nakita ko ang pagsmirk niya kaya nakita ko rin ang paglabas ng dimples niya

"I'm Joy's brother " tipid niyang sagot, mas lalong kumunot ang noo ko "I like your artworks" sa sinabi niyang yun ay nakabuo ako ng puzzle

"Ah so ikaw pala yung sinasabi sa akin nung cute na babae kanina na ang pangalan Joy" hindi ko makita ang reaksyon niya

"Tara na sumakay ka na" utos niya

"San ?"

"Malamang sa motor ko psh! Bilis nagmamadali ako!" Agad ko rin naman kinuha 'yong helmet na inabot niya akala ko nga may half mask na rat siya dun eh alam mo na di ba half mask hamster iyong kanya pft!

"Higpitan mo ang hawak mo sa waist ko" utos niya "eh ayoko nga mamaya-----waaaaaa" bigla siyang nagpaharurot ng motor niya dahilan para mapakait ako sa waist niya,hmmm ang bango pero grabe papatayin ba ako ng isang 'to? Wait tama ba 'tong desisyon kong sumama sa lalaking 'to eh ni pangalan o itsura hindi ko pa nakikita tsaka hindi kko naman ito kilala eh! Aish Darlene bakit ka sumasama sa taong total stranger sayo?!

"Alam kong mabango at hot ako pero pwedeng tumigil ka na sa kayayakap sa akin?" Natauhan naman ako sa sinabi niya dahil napagtanto kong huminto na pala kami sa tapat ng isang omagolly-gollygosh mansion! Ang ganda swear

"Dito ko nakatira?" Sabi ko in disbelief kasi ang ganda nung mansion

"Yep, so tara na sa loob" aya niya sa akin pero hindi ako sumunod sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko

"What?" Medyo naiirita niyang tanong "duh baka hindi kita kilala nuh! Tsaka malay ko ba kung rapist or isa kang gang!" Singhal ko, muli narinig ko siyang nagsmirk
"Psh yeah, that's why I invited you to come inside para makilala mo ako, you're not my type"

"Alam mo ang dami mong kuda pakilala lang ang sinasabi ko. Anong pinagsasabi mong you're not my type as if naman na type din kita. Osya tara na nga. Subukan mo lang talaga gumawa ng masama ipapakulam kita"

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon