Chapter 25: Madness vs. Guilt

16 2 0
                                    

Madness vs. Guilt

Hindi ko siya nahabol manlang dahil masyado siyang mabilis magpatakbo ng sasakyan nyang Chevrolet Corvette z06.

Ang cool talaga ng sasakyan niya naka open yung roof ng sasakyan!

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang nireact niya kanina samantalang wala naman kaming ginagawang masama eh. Naiinis tuloy ako sa kaniya. Sa tagal ng panahon ngayon lang ako nainis kay hubbybunch.

"Okay ka lang ba Dara?" Sumunod na pala si Terrence sa paglabas ko ng gym

Tinignan ko siya at ang sugat niya sa labi. Naawa tuloy ako sa kaniya

"Oo okay lang ako, tara gamutin na muna natin 'yang sugat mo"

Hinawakan ko siya sa braso at hinila papuntang clinic

"Girlfriend!" Huminto naman kami sa paglalakad mg tawagin ako ni Kheingie, kasama niya sila Renz,Gea at Paolo sa likod

"Hatid na kita sa bahay n'yo" Ngumiti ako at umiling sa kaniya

"H'wag na Kheingie salamat pero mauna ka na gagamutin ko muna 'yung sugat ni Terrence"

Nakita ko ang agad na pagkalungkot sa mga mata ni Kheingie dahil doon. Pero umalis pa rin kami sa harapan nila at nagtungong clinic.

"Ahh eh miss nurse nasan po 'yung first aid kit n'yo?" Tanong ko sa nurse pagkapasok sa clinic

Iniabot niya naman sakin agad 'yon. Umupo kaming dalawa ni Terrence sa bakanteng kama sa clinic at doon ko siya ginamot.

"Ouch!" Daing niya ng ilagay ko sa labi niya ang cotton balls na may alcohol

"Pasensiya ka na ah? Hindi ko alam kung anong nangyayari kay hubbybunch eh" Sabi ko habang patuloy kong ginagawa ang pagpahid sa sugat niya

"Hindi okay lang deserve ko rin naman eh" Tumawa siya na ikinakunot ng noo ko

"Deserve?" Naguguluhan kong tanong. Tinigil ko na rin ang paggagamot sa kaniya at nilagyan siya ng band-aid

"Don't ask to much Dara, ang mabuti pa sundan mo na 'yon baka sumabog eh" Nagugulahan man ako at gusto ko pang magtanong ay tinulak niya nalang ako palabas ng clinic

"Salamat ha!" Sarkastiko kong sigaw sa kaniya. Abnormal ba mga tao ngayon? At lakas mag-iba ng mood?

Aish! Nakakaloka!

Bago ako lumabas ng Helmethia ay dumaan muna ako ng locker room para i-iwan ang iba kong gamit doon.

Hindi pa man ako nakakalagpas ay may narinig ako sa loob ng music room na may nagtitipa ng piano. Ang ganda sa pandinig ng melody.

Lumapit ako roon at nakita kong may maliit na awang ang pinto kaya sumilip na ako. Nakita ko na nakaupo siya habang nagpa-piano sa gitna ng dilim pero isang spotlight lang ang nakatutok sa kaniya.

Magaling palang magpiano si hubbybunch?

Pumasok ako ng dahan dahan para hindi niya marinig at umupo sa isa sa mga upuan doon.

Yung music room kasi namin ay parang mini cinema na may stage at ang mga upuan ay kagaya nun. Ang pinagkaiba nga lang wala itong hagdan na may pataas na upuan o pababa.

Sa dami kong nalaman sa kaniya sa tingin ko hindi pa rin pala sapat ang mga iyon para malaman kong lahat sa kaniya.

Tahimik lang akong umupo doon, siya naman ay patuloy lang sa pagtipa ng piano. Sa bawat pagtipa niya may bumubuhos na damdamin, may sinasabi. Nakakaantok ang mga melodiyang lumalabas sa tugtuging ibininigay niya. Ramdam ang halo halong emosyon sa pagtipa niya. Hindi ko malaman kung galit,lungkot,pagmamahal o guilt ang lumalabas sa tugtog pero napakaganda.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon