Chapter 20: Change

24 2 0
                                    

Change

Ang bilis lang din ng araw at tatlong linggo na pala ang nakalipas. Ibig sabihin nandito na rin sila mama at papa kasama si Bev.

"Ma hindi nyo naman po kailangang gumastos eh, okay na po ako sa ganito. At saka ma ano ka ba mas makabubuti kung iipunin nalang muna natin ang mga naiipon nating pera mula sa Tailoring shop. Ayoko naman pong umabuso"

"Anak naman, hindi naman sa sinasabi kong hindi ka maganda kasi para sakin maganda ka pero alam mo namang dalaga ka na at kailangan may konting arte ka jan sa katawan mo at saka hindi naman natin uubusin ang pera may mga ipon pa naman tayo." Paliwanag ni mama

"Oo nga Dara!" Napalingon kami ng may matinis na boses ang umalingawngaw sa bahay at nakita namin si Gea sa may pintuang nakangisi "Agree ako kay tita,goodmorning po"

Inirapan ko siya. Pero parang sobrang saya niya ata? Ilang linggo lang kaming hindi nagkasama dahil di ko lang siya madalas makita,parang ang dami ko atang hindi pa nalalaman.

"Oh tamang tama andito si Gea,hija pasok ka na" Dumiretso sa sofa si Gea kung saan kami nakaupo nila mama

"Kumain ka na ba?" Tanong ni mama kay Gea. Tumango naman ito

"Sakto at nandito ka na rin ikaw nalang sumama kay Dara sa mall at alam ko namang magaganda ang taste mo pagdating sa pagpapaganda. Sige na magpalit ka na Dara para naman makaalis na kayo ni Gea" aniya. Tinignan ko naman si Gea na mukhang excited pa sa akin

"Bestfriend instinct talaga 'to kaya pala may feelings ako na magbihis ng todo ngayon kasi it's change time!" Humalakhak ang bruha

Nakasimangot akong umakyat sa hindi naman ganoong kataas na bahay namin pero matatawag na itong mini second floor.

Pagkadating namin sa mall agad naman akong hinila ni Gea sa isang dress botique at may lumapit sa aming isang magandang babae

"Goodmorning ladies,what can I do for you?" Tanong nung magandang fashionistang babae

"Uhm. Give her some dress that would suites her" ani ni Gea at agad umalis ang babae sa harapan

Nagulat ako ng andaming binigay na damit ang babae sa akin at dali dali akong pinapasok sa fitting room.

Hindi ako ganoon kagaling magdala at magpairings ng mga damit kaya naman panay ang pagtatawanan namin at pagkukulitan sa tuwing lalabas at papasok ako sa fitting room. Pero kalaunan ay tinulungan na ako ni Gea sa susuotin kong dress. Napili niya ang powder blue floral dress na sakto sa kulay ko at mayroon itong manipis na strap at ruffles sa tip ng aking damit. Ang cute lang.

"Astig talaga ng taste mo sa fashion Gea" puri ko

"Sows ako pa ba? Baka si Gea Anlytine Sy 'to" sabay halakhak naming dalawa.

Nagbayad agad kami sa cashier. Sinuot ko ang huling pinili niyang damit at bitbit namin ang ibang pinamili namin. Hindi ako pumayag na puro dress ang bilhin namin kaya alam ko sa pinili sa akin ni Gea na may jeans at simple shirt doon.

Sunod no'n ay pumasok naman kami sa isang shoe and sandals botique.

Nakakita agad ako ng natipuhan kong doll shoes. Kinuha namin iyon pero ang pinasuot niya sa akin ay isang nude color na wedge sandals na may tatlong pulgada ang taas. Medyo nahirapan ako pero nakadagdag tangkad ito sa isang pandak na tulad ko.

Mabilis kaming nakabili ng ibang accesories,bag,make-up na kahit ayaw ko ay pinagpilitan pa rin ni Gea iyon.
Pumunta na rin kami sa isang dermatologist.
Pagkarating namin sa loob lumabas ang isang makinis na may edad na babae mula sa isang kwarto.

Agad niyang chineck ang aking mukha at inihiga agad ako sa isang puti na kama. Ilang oras ang inabot at natapos ang pag-dederma sa akin.
Sa susunod na kwarto ay pumasok muli kami. Pinakamasakit na nangyari ito sa tanang buhay ko! Ikaw ba naman ang gamitan ng thread para lang matanggal ang kalat sa kilay mo?!

"Mama!!" Sigaw at iyak ko habang tinatanggal nila iyon. Ang dami ng nakahawak sa magkabilang braso at paa ko para lang maging maayos ang pagproseso nila

"Miss umayos na kayo para hindi na tayo mahirapan at matagalan pa dito" sermon sa akin ng nagtatanggal

"Go best!" Cheer sa akin ni Gea

"UWAAAAAAAAAA!!" napaiyak ako lalo

Sa wakas! Natapos din ako huhuhuhu. Agad kaming nakarating sa huling destinasyon sa parlor shop at agad na sumalubong sa amin ang isang gwapo at mestizong lalaki.

"Girl! Ang tagal mong nawala ah? So ano magpapaayos ka ba uli?"

Ghad! Bakla pala itong gwapong nilalang na ito. Sayang

"Nope. Yung bestfriend ko yung magpapaayos. Make sure na bonggacious ang gagawin mo sakaniya ah?" Kinindatan siya ni Gea.

"Matagal ka na palang nagpapaayos dito?" Bulong ko kay Gea. Tumango naman ito

"Sure naman girl! Malakas ka sakin eh. Tara na bebe girl and let your beauty shine!" Hinila na ako ng baklang ito sa isa sa mga upuan doon katapat ang isang malaking salamin.

Una chineck niya muna ang buhok ko bago niya ito nilagyan ng kung anong chemical na puti sa buhok ko. Medyo hindi ko nagustuhan ang amoy kaya kinuha ko ang sipit na naroon sa may table mirror at sinipit iyon sa ilong ko. Nagtawanan naman sila Gea at ang gwapong bakla sa akin. Ilang oras nakababad sa akin ang chemical at noong binlower na ako ay nakaramdam ako ng antok kaya unti-unti ay nakatulog na ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, unti-unti ko nalang naramdaman ang kalabit sa akin kaya nagising ako.

"Hey pretty princess gising na" bumangad sa akin ang isang gwapong bakla at unti-unti rin ay iniharap niya ako sa salamin gamit ang umiikot na upuan nila.

Napanganga ako sa mangha sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Maging si Gea at ang iilang service doon sa loob ng parlor shop. Hindi ko inaasahang ganito kabongga ang pagkakaayos sa akin.

"Ang ganda" yan lang ang lumabas sa bibig ko

"Oo best sobrang gandang diwata" pag-sang-ayon ni Gea

"Sa tingin ko kung nakilala na kita noon pa hindi na ako naging bakla" sagot ng gwapong bakla. Ghadd!

Nasa harap ko ngayon ang bagong version ni Darlene Carina Fuentel. May chestnut brown na kulay sa buhok. May bangs, may straight na buhok sa itaas na bahagi at curly hair sa tips kasabay din nun ang paghahalong kulay nito sa red hair stripes kong buhok. Ang perfect ng pagkagawa lalo pa't may light make-up din ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad namangha sila mama at Bev dahil kasalukuyang nasa trabaho pa si papa. Maging sila ay hindi ako nakilala.

Malaki nga talaga ang pinagbago ko. It's my physical change.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon