Chapter 28: Bestfriend's confession

13 2 0
                                    

Bestfriend's confession

Pagkapasok ko sa bahay gusto kong tumili, magwala at tumambling sa sobrang kilig!

Hindi ko in-expect na bibigyan ako ng cellphone ni hubbybunch, pero sa tingin ko may kapalit iyon. Oo nga hindi ko naitanong yun sa kaniya baka may kapalit bukod sa pagsabi niya ng reason na para sa project laag namin 'yon. Kasi masyado naman yatang expensive kung para doon lang,pwede namang makutext ako kay Gea, right? Pero mas hindi ko talaga in-expect na parehong pareho kami ni hubbybunch ng color at brand ng phone! Pinili niya ang color white na Iphone6.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka magtaka sila mama.

Pagkapasok ko ay nandoon sila sa sala. Si mama at Bev lang ang nandito dahil si papa ay nasa Tagaytay pa para bantayan ang aming tailoring shop na unti-unting lumalago na rin.

Nagmano agad ako kay mama na nanunuod ng t.v sa sala at humalik kay Bev na kasalukuyang nagbabasa sa sofa katabi ni mama.

Agad na kinamusta ako ni mama tungkol sa date namin ni Terrence. Nilinaw ko pa sa kaniya na friendly date lang iyon dahil hindi ko naman nobyo si Terrence. Pero hindi na iyon pinansin ni mama at inusisa pa ako sa ilang mga nangyari. Kinwento ko naman sa kaniya ang lahat ng nangyari maliban na lang sa pagtagpo namin ni hubbybunch. Alam kong wala namang masama kung ikwento ko rin 'yon dahil parang nagsisinungaling na rin ako kay mama pero may nagtutulak sa akin na h'wag muna kaya nanahimik na rin ako.

Matapos kong makapagpalit ng damit, kumain ako kasabay sina mama at Bev. Pagkatapos nun ay tinapos ko na rin ang iilang homeworks at mga individual projects ko sa school.

Dinungaw ko si Bev sa katabing kama ko kung natutulog na ba siya at mukhang mahimbing na nga talaga siyang natutulog.

Inilabas ko ang cellphone'ng binigay sa akin ni hubbybunch. May nakita akong may message doon, unknown number.

Binuksan ko naman iyon agad para malaman kung sino 'yun.

Uknown number:

Welcome :)

Agad na naglindol ang t'yan ko. Sigurado akong hindi ako gutom dahil hindi pa ganoon katagal nung oras na kumain kami.

Ngumisi ako at pinipigilang tumili dahil baka magising ko na naman si Bev katulad n'un. Lalo pa't may instinct na agad ako kung sino 'yun.

Tumihaya ako sa paghiga at agad na nagtype doon ng reply.

Ako:

Uhm. Nakauwi ka na?

Inilapag ko sa dibdib ko ang cellphone pumikit pikit habang kagat kagat ko ang ilalim ng labi ko sa kilig.

Wala pang ilang minuto nagvibrate ang cellphone. Kaya mabilis kong tinignan iyon.

Hubbybunch:

Yeah kanina pa. Do you like the phone I give to you?

Ako:

Oo naman basta galing sa'yo

Hubbybunch:

Good.

Nangapa pa ako ng p'wede naming topic para magpatuloy pa ang aming usapan. Geez~

Ako:

Nga pala bakit mo pala ako naisipang bilhan ng cellphone? Nakakahiya kaya ">_

Hubbybunch:

I told you earlier already that's all I want. Just throw your fvcking shy.

Magrereply pa lang ako ng nagtext siya uli. Sana pala noon palang may cellphone na aketch! Kyaaaa.

Crazy Fangirl StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon