Chapter 2 - Hulaan Niyo

27 2 0
                                    

***

Habang tumatagal, parang may feelings na akong nararamdaman pero hindi ko maipaliwanag...

Time ng klase namin nun... English Time... Syempre pwedeng magTagalog... Lol!

Nahahalata kase ng mga classmates ko na nagbablush ako... So, tinanong nila ako ng mahina lang...

Deborah: Ate Lei, bakit parang nagbablush ka? In love ka noh?! Umamin! Pumapag-ibig na re oh!

Lei: Ah... E... Hindi! Wala ito... Wala...

Deborah: Ano ka ba Ate Lei?! Alam ko na yang ganyang feeling!

Lei: Ah hindi talaga!

Deborah: Umamin ka na! May crush ka noh??! Sino yan??!! Sino?!

Parang gusto ko siyang sapakin pero kinikilig ako eh...

Lei: Oo na! Sige na! Aamin na ako! Pero kailangan mong hulaan...

Narinig ni Allaine yung pinag-uusapan namin ni Deborah...

Allaine: Oy ano yan ah?!

Binulungan naman agad ni Deborah si Allaine kung ano yung pinag-uusapan namin...

Allaine: Ah sige game ako jan!

Habang nag-iisip sila, ako naman ay kinikilig at nagbablush... Parang baliw siguro ako nun! Haha!

Deborah: Anong letter ba nagsisimula ang name niya?

Allaine: Ilang letters ba?

Lei: Wait. Sa V nagsisimula ang name niya at may 6 letters ang pangalan niya... Go!

Parang unti-unti na nilang nalalaman yung pangalan ng crush ko grabe!

Deborah: Ah!!! Kilala ko na!!! Si Ate Lei talaga oh!

Allaine: Sa totoo lang wala talaga akong idea...

Lei: Deborah, wag ka nalang maingay...

Deborah: Okay... Sige... Alam mo namang mapagkakatiwalaan mo ako...

Lei: Sus! Ikaw pa!

Pinlastic ko naman siya! Hinde joke lang... Sa totoo lang maarte si Deborah pero magaling siyang magdrawing at laging siya ang pinanlalaban sa mga drawing competitions... Todo support naman ako sa kanya kahit na nagkaka-away kami...

Allaine: Sino na ba kasi yun?

Lei: Hulaan mo kase! (Kinikilig)

Allaine: Sabihin mo na kase!

Ilang minuto pa ang itinagal bago niya ako nakulit!

Lei: O sige! Sasabihin ko na!

Allaine: Bilis!

Lei: Si Vin Axl A. Quito!!! Oo! Siya nga! Siya! Oh?! Masaya ka na ba at nalaman mo na?!

Dumating yung pinsan ni Allaine dahil may sasabihin ito sa kanya...

Nung natapos na yung sasabihin ni Mae-Mae sa kaniya, may sinabi ako kay Mae-Mae na papuntahin si Vin sa classroom kase may sasabihin ako...

At ayun nga pinapunta niya si Vin... Sumilip naman siya sa bintana... Syempre inaasar ako ng dalawang may alam! Jusko po! Kahirap ng ganito!

Vin: Ate Lei, bakit? Ano po yung kailangan mo?

That time tinatawag niya akong Ate kahit na magkasing tanda lang kami...

Lei: Aayain sana kitang magbadminton later... Pwede ba???

Vin: Ah... Sige... Pero hindi ko maipapangakong makakapunta ako kase nandyan si Daddy sa bahay kagagaling lang niya sa Canada...

Lei: Ah... Ganun ba?! Sige okay lang... Next time nalang... Madami pa namang time... Pwede ka nang bumalik sa classroom mo... Thank you for the responding... Salamat ulit...

Vin: Sorry ah... Pero Sige... Welcome... Ayoko namang pinaghihintay ang isang babae...

Then bumalik na siya sa classroom niya... Magkatabi lang yung classroom niya at classroom ko kaya nakabalik agad siya...

Yung sinabi niya kanina... Bigla akong nakaramdam ng spark... Oh My Gosh!

***

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon