Chapter 23 - Bye Tay

5 1 0
                                    

***

Nakakalungkot...

Iyak ako ng iyak...

Ang lakas ng tulo ng luha ko...

Hindi ko mapigilang hindi umiyak...

Nawala na kase si tatay... Namatay siya at bigla nalang akong nagulat nung sinabi sa akin yun ni mama pagkagising ko...

Mama: Anak... Wala na si tatay...

Lei: Bigla naman akong nalungkot kagaya ng nararamdaman ko kapag gusto kong makasama si Vin pero mas malala pa dun...

Naligo na ako at nagbihis...

Hindi na ako kumain kase gustong gusto ko nang makita si tatay...

Sumakay na ako sa tricycle ni papa habang umiiyak...

...
...
...

Maya-maya nandito na kami sa bahay ni lola...

Hindi ko na napigil yung luha ko...

Lumapit ako sa kabaong ni tatay at naalala ko yung pangako ko sa kanyang magpapakabait na ako at mag-aaral pa ng mabuti...

Mahal na mahal ng lahat si tatay...

Si tatay kase ay parang isang anghel na binaba ni Lord...

Siya yung pinakamapagbigay na taong nakilala ko... Kahit wala yang pera nagbibigay parin yan... Siya yung tinuturing ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya na pinakamabait...

Feeling ko parang perfect nga si tatay eh...

Pag ayaw akong bigyan nila papa at mama ng pera... Siya yung nagbibigay sa akin... Lalo na nung may sakit siya...

This days habang nandito si tatay sa bahay medyo nawawala si Vin sa isip ko pero... Minsan sumasagi din...

Last night na ni tatay...

Nung hapong iyon... May dumating sa bahay... Narinig kong may kausap si mama...

Mam Nery: Ay hello po... Condolence po...

Nung lumabas ako galing sa kusina...

Nandun sila Mam Nery, Vany, Yvette, Mam Janine, Mam Doannie, Mam Janice at Mam Connie...

Teka... Teka... Teka...

Nadito rin si Vin?! Siya yung pinakahuling pumasok sa loob ng bahay...

Nilapitan naman ako ni Mam Nery at inakap... Kinamayan naman ako ng ibang teachers.. Nagmano din ako sa kanilang lahat... Isa din sa bilin ni tatay yun...

Sana wag po kayong malito kung anong tawag ko sa lolo ko... Minsan tatay din...

Nakatingin lang sa akin si Vin... Medyo maluha-luha kase ako nun... Tumatalbog naman yung puso ko... Pinipigilan ko kase nagkaganito na nga si tatay... Umaarte pa ako...

Pinalabas ako ni nanay sa kwarto dahil pumanta din ako kanina dun... Hinawakan ko naman si Paul... Pinsan ko...

Nagkwentuhan din sila kung ano yung nangyari kay tatay... Habang ako naka upo sa harapan ng upuan ni Vin at bitbit ko nga ang pinsan ko...

After 30 minutes... Umalis din sila at agad akong umupo dun sa inupuan ni Vin kanina... Sa isang white monoblock namin...

God thank You po kase dumalaw siya at nakita na niya yung loob ng bahay namin...

***

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon