Chapter 4 - Hindi pinansin

15 1 0
                                    

***

May nakita akong mga pupils sa labas ng classroom namin... Feeling ko ako yung kailangan nila dahil nakatingin sila sakin...

Pupil 1: Ate Lei, mamayang uwian daw po, punta ka kay Mam Vanesa...

Pupil 2: May sasabihin daw po siya sa iyo...

Lei: Okay... Salamat... Balik na kayo sa classroom niyo... Sabihin niyo kay Mam ah pupunta ako...

Pupil 3: Welcome po Ate!

At umalis na nga sila... Bumalik naman ako sa upuan ko para kuhanin yung bag ko dahil nag-Goodbye na pala si Mam Nery... It's okay... Di na ako nahirapang magsalita...

Papunta na nga ako kay Mam Vanesa... Lumabas na ako ng classroom and malapit na ako sa pintuan nila... Nagtuturo si Mam Charlotte at parang kinakabahan ako... Hindi ko alam kung bakit... Pero nakita ko sa window nila si Vin na nakangiti sa akin... Syempre di ko pinansin... Natatakot akong malaman niya na... Na... Crush ko siya...

Lei: Mam, excuse lang po... Punta lang po ako kay Mam Vanesa...

Mam Charlotte: Okay... Sige nak pasok ka na...

Nadaanan ko naman si Vin at bigla siyang nagsign ng apir pero hindi ko pinansin... Dumiretso nalang ako kay Mam Vanesa...

At may sinabi nga siya sakin... Di niyo na kailangang malaman dahil for privacy daw...

Lei: Sige po Mam... Bye na po... Maglulunch pa po ako...

Mam Vanesa: Sige nak... Salamat ah!

Umalis na ko sa room ni Mam Vanesa at nagthank you kay Mam Charlotte...

Umuwi na ako... After kong umuwi sa bahay, tinanong ako ni mama...

Mama: Anak, nakita mo ba yung dalawa mong kapatid? Di pa sila umuuwi eh... Pakihanap mo nga anak...

Wala akong magawa kundi sumunod... Kapag nagdabog ako, siguradong sapul ako nyan... Kaya susundin ko nalang...

Papunta ako sa gate ng school at nakasalubong ko si Ate Jessa...

Ate Jessa: Lei, nagtanong sa akin si Vin... Bakit di mo daw siya pinansin kanina?? Parang wala daw kayong pinagsamahan...

Pangiti-ngiti naman sa akin si Ate Jessa...

Lei: Teka... Hindi ko ba siya pinansin kanina?! (Naku lagot!) Uhmm... Hihi! Totoo tinanong niya sa iyo yun??!

Ate Jessa: Oo naman... Kausap ko kanina sa stage... Ayun siya oh... Sige may bibilin pa ako...

Tumakbo naman ako at bigla akong kinilig sa mga pangyayaring naganap... Hindi ko alam... Pero kinilig ako sa sinabi niya... Oh My Gosh! Mas lalo pa tuloy lumalim ang feelings ko sa kanya... Nakakainis siya... Bakit siya ganun??!! Hay nako! Hahanapin ko na nga yung mga kapatid ko...

Sa paghahanap ko sa mga kapatid ko, nasalubong ko siya... Si Vin... Bumibilis yung tibok ng puso ko...

Agad ko naman siyang iniwasan... Nahihiya ako...

Nahanap ko naman na yung dalawa kong kapatid at inuwi ko na sila sa bahay...

***

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon