***
Nagmamadali akong pumasok kase may School Camp kami at ako pa yung magi-Girl Scout's Promise and Law...
Pagdating ko dun... Nagsisimula na ngang magPromise and Law ang Star Scouts... Dali-dali akong tumakbo papunta sa Canteen at ibinaba ko yung bag ko... Bago yun, Syempre nagpaalam muna ako kay Ate Gayang...
Lei: Ate Gayang, palagay muna ah? Babalikan ko din mamaya... Salamat!
Tumango nalang si Ate Gayang sakin...
At tinatawag na nga ako sa stage... Hu! Andito na rin!
Girl Scouts' Promise and Law in Unison
On my honor, I will do my duty to God and my country to help other people at all times and to live by the Girl Scout Law.
The Girl Scout Law:
A girl scout's honor is to be trusted.
A girl scout is loyal.
A girl scout helpful.
A girl scout is a friend to all and a sister to other girl scouts.
A girl scout is courteous.
A girl scout respects living things.
A girl scout is disciplined.
A girl scout is self-reliant.
A girl scout is thrifty.
A girl scout is clean in thought, word and deed.
Hay nako... Natapos narin!
After ng ceremony, bumalik na ang lahat sa classrooms... Kinuha ko naman yung bag ko sa Canteen... And syempre, nagpasalamat ulit kay Ate Gayang...
Kasama ko ulit sila Ate Jessa at Allaine... Nakasalubong ko na naman si Vin...
Ate Jessa: Uy Vin oh! Si Lei!
Allaine: Oy Ate Lei oh! Si Vin!
Lei: Tumahimik nga kayo!
Saka ko sila tinabig at inunahang pumunta sa room ni Mam Vanesa... Dun kase kami maglelecture...
Nasa room na ang lahat ng Girl Scouts... So, dapat mag-uumpisa na pero may nag-interupt...
Vin: Mam Vanesa, pahiram daw po si Sir Majev ng table niyong mahaba. Gagamitin daw po sa E-Classroom para sa Boy Scouts...
Mam Vanesa: Hihiramin mo ba yang table o sinusulyapan mo lang si Lei?!
Girl Scouts: AYYYIIIIIEEEE!
Allaine, Ate Jessa: Yieee si Lei!
Lei: Pssst!
Sabay patahimik ko sa kanila...
Mam Vanesa: O sige na... Kuhanin niyo na yung lamesa...
Vin: Salamat po...
Parang nagbablush din yung mukha niya...
After the lectures, magluluto na kami ng food namin for lunch...
After maluto ng lunch namin, kumuha kami ng dahon ng saging at pinatong namin sa mahabang lamesa... Lahat nakahanda na... Gamit ang aming kamay, kumakain na kami... Habang siya naka spoon and fork... Haha! Social kase eh! Mama's boy kase siya... Kung ano ang sabihin ng mama niya, gagawin niya... Papa's girl ako eh... Kaya spoiled ako ni papa...
After naming kumain, magpapahinga muna kami para sa pinakahihintay ng lahat... Syempre! Ang obstacles!
After ng rest, nakagayak na ang lahat para sa obstacles...
Lahat nabasa, lahat nalagyan ng food coloring, harina, tubig, putik at napahirapan... Meron ding nasugatan... Pero kahit na ganun, masaya pa rin kaming lahat...
Dumating ako at ang mga kagroup mates ko sa Obstacle Course na may putik... Oh My Gosh! Nandun siya! Ayaw kong lumusong sa putik kase nahihiya ako... Lahat ng kasama ko nakalusong na sa putik pero ako, hindi pa... Tinanong niya ako...
Vin: Ate Lei, bakit ayaw mo pong lumagay sa may putik? Ako pa naman yung may ayos nyan..
Dahil sa kanyang sinabi, naconvince ako... Grabe di ko alam kung bakit niya ako naconvince... At ayun. Tinry ko nga... Buti wala na siya dun sa pwesto niya kanina...
Natapos na ang lahat... Gumagayak na rin at naliligo ang iba para sa Camp Fire...
Sinundo ako ni mama para dun na maligo sa bahay...
Umuwi ako at naligo...
Nabalitan ko din na isa ako sa mga gaganap sa Camp Fire... Kaya tuwang-tuwa ako...
Nakahanda na ang lahat... Malapit nang magsimula ang Camp Fire... Nasa pwesto na kaming lahat na gaganap... Hanbang si Vin, nasa likod ko lang at nagbabantay sa gate... Nux haneh?! Security guard lang ang peg ni kuya! Haha! Di bale... Masipag naman kase siya at mapagkakatiwalaan...
Nasimulan na ang Camp Fire... Ang ganda at ang laki ng apoy... Dito lang nakatuon ang pansin ng lahat...
After ng Fire Ceremony, syempre picture picture naman... Sa stage, kasama ko si Allaine, Ate Jessa, Mam Irene at Mama... Tiga picture lang si Mam Irene at mama... So ayun, patuloy lang ang pagpicture nila... Nakita ni mama si Aldrin at Vin... Pinasama rin sa picture taking namin sa stage... Oh My Gosh! Kumakabog yung dibdib ko!! Itinabi pa talaga ni Allaine at Ate Jessa si Vin sakin! Talaga yang dalawa na yan!! Hay!
Kinausap naman kami ni Mama... (Si Vin at Ako)
Mama: Nak, pwede ko ba kayong kuhanan ng solo pic ni Vin?
Vin: No problem po...
Habang ako naman eh walang kibo at kinikilig... Oh My Gosh! Katabi ko lang siya at may solo pic pa kaming dalawa... Hay! Oh God, sinadya Mo po ba ito??!
***
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionHi po!!! *_* This story po is about samin ng crush ko... Inspired po ako kaya ko naisulat ang ganito... Actually di ko na siya CRUSH... I think, LOVE ko na siya pero hindi ko po alam kung bakit... Pero sana po magustuhan niyo po ung story ko... Tha...