"I miss you love." Napangiti ako sa pinapakitang kasweetan ni Lander saakin. Kakauwi niya lang galing sakanyang trabaho at naisipan naming mag Skype.
He's on his bed, half naked at kitang kita mo rito ang pagod dahil sa mapupungay nitong mga mata at gulo gulong buhok.
"I miss you too. Don't worry,i'll be back soon." At nginitian ko siya sa harap ng camera.
Hanggang ngayon napapa isip pa din ako sa mga pangyayare, but..Hindi ko naman na dapat ibig deal ito diba? Coz I'm a hundred percent sure that I love Lander. Na siya na ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.
But what if magbalik ang ala ala ko tungkol kay Dylan? Magiging affected ba ako? Mag babalik din ba ang nararamdaman ko para sakanya?
Ugh akiri. Why are you thinking about him and your feelings for him? It's done. Wala ng dapat balikan lalo na't kung matagal naman na itong tapos.
"Akiri." Napa talon ako ng muling marinig ang boses ni Lander na ngayon ay naka kunot na ang noo.
"Hmmm?"
"You're spacing out love. What is it?" Umayos siya ng pagkakahiga at ngayon ay nakasandal siya sa headboard ng kanyang kama.
Maybe I should tell him...
"Land. Kilala mo ba si Dylan Fortalejo?" Tanong ko rito.
"Your client?" Sambit nito na para bang obvious na obvious ang katanungan ko.
"No. Not as my client but as my ex." Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga at tumingin siya sa kabilang gilid niya na para bang nagpipigil ito.
"Don't ever come near to that guy Akiri." Nagulat ako sa biglang pagbago ng kaninang malambing na boses nito. Why is that?
"May alam ka ba saamin dati lander?" Tanong ko pa rito.
If ever na may alam siya tungkol samin nararapat lang na sabihin niya saakin ito dahil unang una may karapatan ako rito.
"He is your First love aki. At siya rin ang dahilan kung bakit muntik ka ng mawala saamin. So please. Stop asking about him. Baka hindi ko kayanin at magpa book agad ako pauwi ng pilipinas at kunin ka." Kitang kita ko ang lungkot at galit sakanyang mga mata habang sinasabi ang mga ito. Napatango nalang ako sakanyang mga sinabi at siya namang pag buntong hininga nito.
BINABASA MO ANG
Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)
RomanceBook 2 of Ms.Snob meets Mr.Casanova. Akiri Rei Gonzales xx Dylan Fortalejo.