Chapter 15

971 33 2
                                    


Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at agad na hinawi sa gilid ang aking maalon na buhok. Tinignan ko ang aking kabuoan at napakagat saaking pang ibabang labi.

Suot ko ang dress na ibinigay saakin ni Dylan. Wala naman sigurong masama roon. Tamang tama lang sa katawaan ko ang sukat nito, bumagay rin ito sa kutis ko. Talagang hanggang ngayon ay kabisadong kabisado niya pa rin ang buong buo ako.

Nag init ang pisngi ko nang maalala ang kasama ng dress na ito ay ang mga Undies ko. That asshole. Akala ko nagbago na pero yun pala sobrang manyak pa din. Tsk. I mean wala naman siyang ginawa pero kahit na, iba na ngayon. Okay pa yung dress eh kaso sinamahan niya ng Bra at Panty ugh!

Narinig kong tumunog ang aking Cellphone kaya naman linapitan ko ito at nakitang nag text na si Azami na nandoon na daw sila at mag sisimula na ang Dinner.

Tumayo na ako at agad na lumabas sa kwarto at tinahak ang lugar kung saan ang kainan. Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga nangyayare..

Una bumalik na ang ala ala ko, Pangalawa magkasama kami ni Dylan sa iisang Resort, Pangatlo masama man pero sa sandaling pag sasama namin ay nakaligtaan ko panandalian si Lander. Just like that? Konting kibot lang ni Dylan saakin ay nakalimutan ko na agad si Lander? Ghad Akiri.

Iniisip ko ang lahat ng sakripisyo na ginawa ni Lander para saakin. Galing din siya sa Pilipinas noon at nagka kilala kami sa School na pinasukan namin ni Azami. Naging mabuti siyang kaibigan saaming dalawa ni Azami at hindi nag tagal ay nahulog na rin ang loob ko sakanya. Noong mga panahong nahihirapan ako ay laging nandyan rin si Lander, tho alam kong may mali pa din ako dahil sa twing may naaalala ako ay hindi ko na ipinapaalam sakanya.

Pero may isang pangyayare akong hindi malilimutan sa pagitan namin ni Lander..

Noong unang beses akong inatake ng sakit ng ulo at may dalawang pangalan ang lumabas sa bibig ko na sobrang ikinagalit niya.

Si Dylan at Vince.

Ang sabi saakin ni Azami ay nakwento niya raw kay Lander ang nangyare kaya raw siguro ganun nalang siya makapag react. Siguro nga...Kaya simula non ay hindi ko na nababanggit sakanya kapag may naaalala ako. At ngayon? Wala rin akong balak ipaalam sakanya na alam ko na ang lahat..naaalala ko na ang lahat..

Pati ang samahan namin ni Dylan at ang pag mamahalan naming dalawa. Yes I admit my feelings for Dylan came back but I can't afford to hurt Lander, isa siya sa mga taong tapat at totoong nag mahal sakin. Okay na rin siguro ang sitwasyon namin ngayon ni Dylan..

Mas okay na yung kaming dalawa nalang ang mag dusa kesa may mga tao pa kaming masaktan.

"Oh coz, are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo ah!" Napadako ang tingin ko sa nag salitang si Azami at napagtantong andito na pala ako. C'mon akiri get back to your senses.

I smiled at her atsaka dumiretso sa isa mga upuan doon. Tumayo naman si Sky at hinila ang upuan para sakin. Nginitian ko naman ito at nagpasalamat at sinuklian niya naman ako ng kindat na ikina iling ko.

"Oh c'mon sky, don't tell me nahawa ka na rin kay Blake ng pagka babaero." Naka ngising sabi ko rito.

"Oh so you remembered?" Sambit ni Sky saakin na nakapag pabara ng lalamunan ko. Shit akiri, be careful. Tumikhim ako at ibinaling ang tingin sa mga mapanuring mata ni Sky na kitang kita ko kahit suot niya ang kanyang eye glasses.

"Azami told me." Maikling sabi ko rito at napatango nalamang ito pero halata kong hind ito kumbinsido.

I know you well Sky, masyado kang matalino para hindi makahalata sa sitwasyon ko ngayon.

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon