Chapter 12

927 55 5
                                    


"Ohmygod. It's so damn hot here in the philippines! Gosh!" Kanina pa reklamo ng reklamo tong Alice nato at konti nalang makakatikim na sakin tong kawayan nato eh. Pasalamat diyan mapag panggap ako ngayon kaya hindi ako maka react sa mga ginagawa niyo nako talaga!






"Buti nga sinisikatan ka pa ng araw eh. Well, malay mo bukas hindi na." 






"ANONG SABI MO?!" Nagkibit balikat lang si azami sa sinabi ni alice at hinila na si Rio papasok sa lobby.  Nakarinig ako ng hagikhikan sa likod kaya naman agad ko itong liningon at natagpuang nagpipigil ng tawa si Blake maski si Sky na kahit na naka Serious face eh kitang kita ko ang labi niyang gusto ng bumuka at tumawa ng malakas. Grabe effort nilang wag tumawa.






"Pumasok na tayo sa loob." Ani ni Dylan saamin. Mukha namang na distract si Wonderland at agad na inangkla ang braso niya sakay Dylan. Tinignan siya ni Dylan at agad na tinanggal ang brasong naka angkla sayo. HA!






"I need to carry your things Alice." Mas lalo akong nakaramdam ng init nang sabihin ni Dylan ang mga salitang iyan. Peste ka talaga Fortalejo. Hindi ko alam kung kailan ko pa naramdaman tong pag init ng ulo ko sa Dylan at Alice nato. Makita ko lang magkasama ang dalawa nanggagalaiti na ako pero I need to keep it cool. Hindi ko kailangan magpa apekto sa kalandian ng Alice na to. 







"Ma'am tulungan ko na po kayo sa gamit niyo." Oh wow. Hindi ko alam na mga nagmumukhaang models pala ang mga Staff dito but makikita mo rito na hindi pa ganun ka built ang mga muscles kaya medyo maliit pa ang katawan pero bawi naman sa mukha. Don't get me wrong, Inaadmire ko lang ang mukha niya, I'm not interested. 






"Ako na." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dylan at kitang kita ko ang pag talim ng kanyang mga tingin sa staff na ito. Napayuko naman ang lalaki at agad na umalis. Ghad dylan! Di ka pa rin talaga nag babago!





"Where's my room key Dylan?" Inilahad ko ang kamay ko sakanya at naghihintay sa susi ng aking kwarto. Inikot ko ang mata ko sa lugar at ngayon ko lang na realize na napaka relaxing at ganda ng atmosphere dito. Next time I'll go back here, yung hindi na kasama ang trabaho. Nakita kong nagsi datingan na rin ang mga bus ng mga empleyadong kasama namin. Well nauna kami rito dahil sasakyan nung Apat ang dala namin. Sa sasakyan ako ni Dylan napasabay dahil na rin sa kakulitan nung mokong while Alice? She's with us...Sa backseat nga lang.

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon