Chapter 20

913 29 1
                                    

- Sorry sa Spacing. Saka ko na iedit pag tapos ko na. Salamat ulit.




>


Unti unti nang bumabalik ang mga Taong parte talaga ng buhay ko. I must say this is a sign. Nasabi saakin ni Harumi na nag check in siya dito at kakuntyaba niya pala sila Dylan sa pag babalik niya. Musta si Blake? Ayun, hindi na siya sumasama samin. May sariling mundo.



"Grabe girl, ang laki na ng pinag bago mo! Mas sumexy ka." Puna saakin ni Harumi habang papunta kami sa isang Restaurant para mag Lunch. Nauna na sina Lander doon dahil inantay pa namin si Azami makalabas dahil medyo masama daw ang pakiramdam nito. 


"Bolera. So how's your life? What's up?" Panimulang tanong ko rito. Napa buntong hininga naman siya atsaka nag salita.


"Well, all good. Hindi ko akalain na marereach ko yung ganitong carreer knowing me..Tamad mag aral and everything."


"Well nakatulong yung pag bbreak niyo ni Blake kasi linibang mo sarili mo." Napangisi nalang ako sa pang aasar ni Azami. While harumi, she just smiled. Talaga palang nag matured na kaming lahat si Blake nalang talaga ang napag iiwanan.


Natanaw na namin sila kaya naman agad namin silang linapitan. Nakaramdam ako ng pagka irita nang makita ko ang pag mumukha ni Alice. Parang walang nangyare nung nakaraang araw, she's smiling widely while talking. Napairap nalang ako umupo sa tabi ni Lander. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Dylan na agad ko ring iniwasan.


"So who's the new gal?" Panimula ni Alice. 


"I'm Harumi Lee. Aki and Azami's friend. Pleased to meet you." Harumi said politely at nakipag kamay pa kay Alice. Wow harumi. Ibang iba na talaga siya ngayon. Well as expected Blake is not here. Halatang umiiwas. May kahinaan din pala ang play boy na yun.


"How are you Alice?" Tanong ni Azami.


"Thanks for asking dear but you know I'm fine. I'm good." Ngiting ngiting sabi nito na siya namang kinairita ko ng lubusan. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa Menu sa aking harapan at nag tingin tingin ng pagkain kahit na ang buong tenga ko ay na kaynila Azami na nag uusap. Well as usual for boys, they're just listening.


"What do you want hon?" Tanong saakin ni Lander. Binalingan ko siya tingin at agad na tinuro sakanya ang nais kong kainin. Tumango tango naman ito at nag taas ng kamay para makuha ang atensyon ng isa sa mga waiter doon. Agad namang may lumapit sakanya at idinikta na ni Lander ang aming order.


"How bout you Akiri?" Bahagya akong napatalon ng mabanggit ang pangalan ko. 


"Well uhm..I'm g-good." Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan sa presenya ni Alice parang iba eh. Yung pagkademonyita niya dati mild lang eh... eh ngayon mukhang naging Strong at may balak siyang hindi ko alam. Well bring it on, hindi ako mag papatinag.


"Ofcourse you're okay. After reuniting with Dylan?" Napataas ang kilay ko ng banggitin niya ang pangalan ni Dylan. Anong gusto ng babaeng to?


"Okay naman ako sa lahat eh. Hindi lang naman si Dylan ang matagal ko ng kaibigan dito even Sky, Blake and Rio. Ooppss sorry, you don't belong here nga pala." Sinasabi ko iyon ng may seryosong mata at nararamdaman ko na talaga ang tensyon sa lamesa namin. She started it. Walang sisihan, walang bawian. 


Nakita ko pang nag igting ang kanyang mga panga atsaka lumunok ng isang beses na para bang nagtitimpi siya sa mga sinasabi ko. Tss, bitch.


"Really? Friends huh? Parang hindi naman ata yan ang alam ko." Hinalo niya ang kanyang kape gamit ang isang kutsarita at nginitian ako ng sarkastiko.


"Exactly Alice! You don't know anything so might as well shut your mouth eh?" Napababa siya ng kanyang tasa at hindi agad nakapag salita dahil dumating na ang pagkain namin. Shit, thankyou naman. Akala ko mapupuruhan ko na ang babaeng to eh. Wala nang nag salita at bukod tanging mga kubyertos na lamang ang naririnig.


"May naisip ka na ba ng venue ng kasal natin?" Baling ni Lander saakin. Magpapa thankyou ako dahil sa pag basag niya ng katahimikan A.K.A awkwardness kaso ang pangit lang nung naisipan niyang topic. Kaya naman napainom ako saaking juice atsaka umiling.


"Pag balik nating manila asikasuhin na natin ang lahat.." 


"We don't have to rush everything land.."


"Ano ipopostponed nanaman natin?" Napatalon ako sa biglang pag taas at pag lakas ng boses ni Land. Hinawakan ko naman siya sa braso at hinimas ito para pakalmahin siya. ghad, these past few days napaka short tempered niyang tao. Or dahil mainit lang ang panahon?


"Why postponed Akiri? May inaantay ka ba?" Sinamaan ko ng tingin si Alice at siya namang pag ngisi nito saakin. 


"Bitch will you please shut the heck up?" Nagulat ako sa biglang pag bulaslas ni Azami. Kitang kita ko ang iritasyon sakanyang mukha at maski ako ay medyo natakot sa aura niya ngayon. But that didn't stopped alice dahil may bigla siyang idinugtong..


"Oh c'mon akiri. Asan ang puso mo? Tinatago mo kay Lander na nagkabalikan na kayo ni Dylan you want to take them both? What a Flirt Gonzales so disappointing plus! Hindi mo pa ba aaminin kay Lander na naaalala mo na ang lahat?" 


Nakita ko ang pag balik nang tingin saakin ni Lander. Hinawakan ko ulit siya sakanyang braso ngunit marahas niya itong tinanggal. 


"Excuse me." Agad siyang tumayo ng padabog atsaka nag Walk out. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero naniniwala akong This is the perfect timing to tell him the truth..


Tumayo na ako saaking inuupuan ng biglang mag salita ulit si Alice..



"Who's the bitch now Gonzales?" 

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon