chapter 5 true Love or fake love

34 4 0
                                    

Carmella pov.

Hinatid ako ni laurence sa bahay namin .. pero di parin ako umiimik dahil nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko sya at naaalalang matatali na sya sa iba ..

Kailangan kong mag sinungaling na may sakit ako para lng maawa sya sa akin at para itigil ang kasal, gagawin ko ang lahat para lng mabalik ko kung ano kami dati ..

Nasa tapat na kami ng bahay ng magsalita na si laurence ..

Anong gingawa mo sa bahay na yun huh?

W-wala may sinabi lng ako kay carmen yun lng .. wala syang ginawa sa akin .. sige akyat na ako ..

Mabilis akong bumaba para di nya narin guluhin ang utak ko .. naririnig kong tinatawag nya ako pero di ko sya pinapansin dahil di ko talaga kaya sa ngayon kailangan kong mag isip ng mga plano ..

Laurence pov.

Fuck. Ano bang ginawa ni carmen sa kanya? Shit. Ayokong magisip sa kanya ng masama pero nung nakita ko kung paano lumuhod at umiyak si carmella parang di kinaya ng puso ko ..

Ano bang gagawin ko? Ipaglalaban ko ba ang mahal ko o magpapatali ako sa taong kahit kailan di ko mamahalin? Pero fuck. Naaawa ako kay mom sa tuwing nagmamakaawa sya sa akin .. ang sakit bilang anak nya na lumuhod pa sa harap ko at mas lalong nagpapadurog ng puso ko ang ginagawa nya ..

Carmen pov.

Pagtapos ng nangyari, tuluyan na akong di nakapag pahinga dahil sa iniisip kong baka galit na galit nanaman sa akin si Laurence ..

Nasa kwarto ako habang iniisip kung hihingi ba ako ng sorry sa kanina or ieexplain ko yung totoong pangyayari, pero alam kong di nya ako paniniwalaan dahil ramdam kong nabulag sya sa galit ..

Nag vibrate ulit ang phone ko, akala ko nung una si danica pero si mom pala ..

From : mommy :)

Anak, magsisimula na tayong mag ayos ng kasal nyong dalawa, sumabay ka na lng kay laurence bukas :) ..

Anong gagawin ko? Dapat ko na ba talagang itigil to ? Pero dapat bang hayaan kong si laurence ang magsabi kina mom neto? Ewan pero iniisip ko pa rin si carmella lalo na ang kalagayan nya at alam kong kailangan nya talaga si laurence lalo na't meron syang malubhang sakit ..

Kailangan ko munang mag isip ng mabuti at alamin ang tamang gawin, alam kong kahit si laurence ay nahihirapan dahil kung hindi matutuloy ang kasal namin babagsak ulit ang kumpanya nila dahil kami ang tumutulong sa kanila, pero kung matutuloy naman ang kasal namin matatali na sya sa akin at kahit ako di na ako magiging malaya ..

Bakit ba kasi napasok ako sa ganitong sitwasyon na toh ?

Pwede naman kasing mag partner na lng ang kumpanya ng walang kasal kasal na yan haayysstt ..

Knock .. knock ..

Ma'am nasa baba po si sir laurence, inaantay po kayong bumaba ..

Ahh ok .. susunod na ako ..

Di na kaya sya galit sa akin ?
Siguro hindi na, pero kung galit sya bakit nya ako pinuntahan? Siguro nalinawan na syang wala akong ginawa kay carmella
Haysstt makababa na nga lng ..

Pagbaba ko nakita ko syang naka upo lng sa sofa at parang ang lalim ng iniisip ..
ahhmm .. what are you doing here?

Pinapasundo ka .. maikling sagot nya at mabilis na tumalikod ..

Mukhang galit pa sya sa akin .. sumunod na lng ako sa kanya palabas ng bahay at sumakay na rin ng kotse ..

Sa haba ng biyahe walang nagbalak sa amin mag salita kahit ako ay parang napipi dahil na rin sa awkward na nararamdaman ko ..

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon