Carmen pov.Maaga pa lng ay nagising na ako dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya bumaba muna ako at dumeretsong kusina ..
Nahihirapan na ako ngayong maglakad lalo na't sobrang laki na ng tyan ko na halos dalawang sanggol ang kakasya ..
Pagkainom ko ng tubig ay dumeretso agad ako ng sala namin at duon umupo, wala namang nagbago sa bahay namin dahil kung anong ayos nun nung pinatira na kami ni laurence sa iisang bahay ay ganun pa rin ang itsura ..
Binuksan ko muna ang tv at duon tinuon ang sarili ng biglang may nakita akong anino sa repleksyon ng tv kaya napatingin ako sa likod ko at ganun na lng ang gulat ko ng makita ko sya ..
Di ko inaasahan na makikita ko sya ngayong araw na to, biglang nanlambot ang tuhod ko at parang anytime tutulo na ang luha ko ..
Mababakas ang lungkot sa mga mata niya at anytime din ata ay maluluha na ang kanyang mga mata ..
"A-angela .."
Di ako nakasagot sa kanya bagkus ay nakatitig lng at pinagmamasdan ang mukha niya, masasabi kong ang laki ng ipinayat niya pero nandun pa rin ang gwapo at maputi na makinis niyang mukha at balat ..
Nagulat na lng ako ng ambahin niya ako ng yakap, di agad ako nakakilos sa ginawa niya, di naman ganun kahigpit ang yakap niya dahil sa laki ng tyan ko pero nandun pa rin yung pananabik na mayakap akong muli ..
"Ang laki na ng tyan mo, anong gender ng baby natin? .."
"A-ahh, di ko inalam ee .."
"Ganun ba?, kamusta ang lagay mo? Ok ka lng ba? .."
"I-i'm fine, we're fine .."
"That's good, nagugutom kaba ipagluluto kita teka lng .."
Mabilis syang pumaroon sa kusina kaya di ko agad siya napigilan, sa boses ng pananalita niya ay mararamdaman mong paos sya pero parang ang sarap pakinggan ng boses niya ngayon at di ko mapagkakaila na namiss ko yun ..
Sumunod ako sa kusina kahit na di ko maihakbang ng maayos ang paa ko, nang makita niya ako ay dali dali nyang iniwan ang ginagawa at inalalayan akong makaupo sa dining ..
"Haaissh, diba sinabi ko antayin mo lng ako dun? .."
"Na bored na rin kasi ako dun .."
"Teka patapos na rin naman ako dito ee .."
Naglakad ulit sya papunta sa niluluto at wala pang dalawang minuto ay natapos na sya ..
"Teka ipaghahain kita .."
"Ako na~~~ .."
"No, ako na maupo ka lng dyan .."
Wala na akong nagawa kundi ang maupo na lng at tignan kung paano niya lagyan ng niluto nyang sinangag at hotdog ang plato ko ..
"S-salamat .."
"Kumain ka lng ng marami .."
Di na ako sumagot at nilantakan na ang pagkain na hinain sa akin ni shawn ..
Patapos na akong kumain ng dumating na ang katulong para siguro magluto ng almusal nila mom at dad ..
"Gusto mo bang magpahangin muna? .."
"S-sige .."
Pumayag na rin ako dahil ito na rin ang daily routine ko nung nasa amerika pa ako ..
Nang makalabas na kami ng bahay ay dumeretso kami sa malapit na park sa dati kong school which is bliss ..
Naalala ko nung dito ako umiyak ng dahil din kay shawn ..

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Enemy
Novela JuvenilDon't judge the books by it's cover .. Salamat sa magbabasa nito at salamat parin sa ayaw magbasa nito .. yun na lng hehe XD .. SANA MAGUSTUHAN NIYO :)