Carmen pov.
Papunta na kami ngayon ni laurence sa party pero bago yun pinapunta muna nila ako sa kwarto ko para magpalit ng gown ..
Pinili kong dito na sa bahay icelebrate ang birthday ko ..
Nakakainis lng kasi, wala namang pinagbago sa suot ko wala lng syang manggas at kitang kita ang maputi kong balikat pero mabigat pa rin sya at ang haba haba, ang nagustuhan ko nga lng ehh yung kulay nya, kaya medyo nakakawala na rin ng inis ..
Matapos kong magbihis, palabas na sana ako ng kwarto ng may makita akong nakatayo sa gilid ng pinto at mukhang kanina pa ako hinahantay ..
Are you done?
napatingin ako sa mukha nya hanggang talampakan, di ko pa rin mapigilan ang pagtitig sa kanya sa sobrang gwapo nya sa suot na tuxedo ..
Are you done checking me? May pagka inis nyang tanong ..
Huh? Ahh i mean h-hindi kita chinecheck l-lets go baka kanina pa ako hinahantay ..
Mauuna na sana akong maglakad ng pigilan nya ako sa braso na lalong nagpagising ng buong sistema ko ..
B-bakit?
Hantayin mo ako i'm your escourt ..
Kusa nyang hinila ang kamay ko at nilagay sa braso nya para umalalay sa paglalakad ko ..
Nang makarating na kami sa Garden nagsasalita pa lng si mom sa mini stage ng party, sa garden ang ceremony ng reception at birthday ko kaya maganda ang tanawin dito dahil sa mga iba't ibang bulaklak at mayayabong na mga halaman ..
Mayamaya narinig ko ng tinawag ako ni mom kaya inalalayan ulit ako ni laurence para makaakyat sa mini stage namin, merong upuan sa gitna kung saan ako uupo ..
Nagmessage lng sa akin si mom, dad, at mommy candice .. sumunod naman ang 18 candles at kanya kangyang bati at message ang mga kamag anak kong babae sa akin at sinisindihan ko ang candle at nilalagay sa cake, sumunod naman ang dalawa kong bestriend, si rochelle at danica ..
Happy birthday best and congratulations!! Kasal kana birthday mo pa! Ikaw na hahaha, pero best medyo nagtampo ako sau kasi iniwan mo ako sa dating school natin kaya ayun wala akong kausap pero ok lng naintindihan ko naman na, ang wish ko sau ay ipagpatuloy mo lng ang pangarap mo kahit kasal kana, at stay pretty and healthy wag mong kalilimutan si GOD always pray and say thankyou sa kanya kahit na konting blessing ang natatanggap .. Happy Birthday ulit ..
At sinindihan ko na ang hawak ni rochelle na kandila at nilagay ko sa cake ..
Happy birthday carmen! Sa isang taon natin sa school ikaw lng ang naging kaibigan ko, at hindi ako nagsisi doon kasi kontento na akong meron ka, sana wag mo akong kalimutan, ang wish ko sau is ienjoy mo lng ang buhay na meron ka kasi alam kong may dahilan sya at plano sa buhay mo Happy birthday ulit!!
At kasunod nun ang paglagay ko ulit ng candles sa cakes ..
Inalalayan ulit ako ni laurence papunta sa cake, habang nakasindi ang 18 candles ay nagwiwish naman ako na sana patuloy akong gabayan at i bless ni God at maging healthy ang buong pamilya ko at kaibigan, at sinimulan ko ng hipan ang lahat ng candles at tinulungan ako ni mom na maghiwa ng cake, nakakatuwa lng kasi buong violet ang lahat ng kulay ng paligid makikita mo lng ang dark, light at purple ..
Lahat ng babae naka violet at mapalalaki din kahit tuxedo nila ay violet din, ngaun ko lng din napansin na halos violet lahat at pati pala kay laurence kulang na lng pati pagkain kulay violet pero take note kulay violet ang lalagyan nya lalo na ang mga magseserve ng pagkain at waiter mga naka violet, I love you na talaga mom! Alam na alam nyo kung paano kau makakabawi sa akin ..
Kinantahan naman ako ni rochelle at danica ng tenerife sea habang naggigitira si laurence at lester ..
Matapos nilang apat, sumunod naman si kyle na mag isang kumanta, kinanta nya ang isang katulad mo ni TJ, ramdam na ramdam ko ang kanta nya para sa akin ..
Hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak dahil na rin sa sobrang saya ko, kahit bilang lng sila at asawa ko na ang isa sa kanila masaya pa rin ako kasi naging parte sila ng buhay ko ..
Matapos ang paghaharana sa akin nila, nag papareserve na sila mom ng pagkain sa mga bisita, may ibang nag request na gusto daw nila marinig ang boses ko kaya di na ako nagdalawang isip at pumayag agad ako ..
Kinanta ko ang paborito kong kanta THINKING OF YOU ..
Lahat sila tumigil sa ginagawa at lahat ng atensyon nila ay nasa akin na napunta ..
Dinamdam ko talaga ang kanta kasi first time kong kumanta ng public, pagkumakanta kasi ako lagi lng akong magisa ..
Matapos kung kumanta ay halos lahat ng narito ay pumalakpak ng sabay ..
Iha ngaun ko lng nalaman na maganda pala ang boses mo ..
Sabi sa akin ni mommy candice kaya nginitian ko na lng sya ..
Matapos kong kumanta, kumain lng ako ng konti at nag announce na sila na susunod na ang 18 roses ..
Naghintay lng ako ng konti at magsisimula na rin ang 18 roses kaya tumayo na ako sa gitna at nagsimula na ulit ang kanta sa paligid hudyat na magsisimula na ..
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Enemy
Teen FictionDon't judge the books by it's cover .. Salamat sa magbabasa nito at salamat parin sa ayaw magbasa nito .. yun na lng hehe XD .. SANA MAGUSTUHAN NIYO :)