chapter 17 warrant of arrest

37 4 0
                                    


Laurence pov.

Mabilis akong tumakbo papunta kina carmella, di ko alam pero galit ang nararamdaman ko sa kanya, diba sya nagiisip ? Pwede syang makulong sa ginawa nya ngayong nasa tamang edad na sya para makulong ..

Sumakay na ako ng kotse para mas madali akong makarating sa kanila dahil alam kong doon na rin ang punta ng mga pulis ..

Pagkarating ko sa labas ng bahay nila agad akong nagbayad at bumaba, pumasok agad ako sa bahay nila dahil kilala naman ako ng mga bodyguard nila dito ..

Ohh iho napadalaw ka? Nasa kwarto nya pa rin si carmella nagmumukmok, teka nagkatampuhan ba kau ?

Hindi po, aakyat na po ako ..

At mabilis akong umakyat sa taas ng kwarto nya, buti na lng at hindi naka lock kaya mabilis ko tong nabuksan ..

Nagulat pa sya ng makita ako pero tumakbo din sya sa akin at mabilis akong niyakap ..

L-laurence, i miss you ..

Nagulat ako ng bigla ko syang natulak dahilan ng pagka upo nya sa sahig, gusto ko syang itayo pero mas nangibabaw sa akin ang galit ko sa ginawa niya..

L-laurence ano bang ginawa mo?!

Bakit kailangan mo pang ilagay ang sarili mo sa kapahamakan??!! ..

H-hindi kita maintindihan!! A-ano bang p-pinagsasabi mo??!!

Wag ka ng magkaila alam ko na ang lahat!! Sinabi na nila kung sino ang nag utos sa kanila !!

Nagulat pa sya sa sinabi ko pero agad din syang nakabawi ..

H-hindi ko a-alam ang s-sinasabi mo!! B-biktima rin ako d-dito!!!

Kung ganon patunayan mo ang sarili mo sa kanila na hindi ikaw ang may kagagawan nito dahil sa oras na malaman kong tama ang pinagbibintang nila sau wag na wag ka ng lalapit sa akin at lalong wag na wag ka ng magpapakita sa akin ..

Tyaka ako tumalikod at lumabas ng kwarto di ko alam kung saan ako pupunta basta lumabas na ako ng bahay nila kasabay ang pagdating ng mga pulis ..

Carmella pov.

Ang sakit sakit ng mga binitawan nyang salita sa akin, nagmahal lng naman ako kaya ko nagawa yun ee .. natatakot akong mawala sya sa akin di ko alam kong mabubuhay pa ako ng wala sya, sya ang lakas ko at sya lng ang gusto kong makasama habang buhay ..

Iha!! May naghahanap saung mga pulis!!

Nagulat na lng ako sa sinabi ni manang, anong gagawin ko tatakas ba ako?

Tatayo na sana ako para tumakas ng biglang may nagsalita ..

Wag ka ng magbalak tumakas, arestado ka sa pagbabalak kunin ang si Angela Carmen Garcia ang anak ng Garcia !!

W-wala akong alam sa pinagbibintang niyo!! Biktima din ako!!! Pero patuloy pa rin sila sa pagposas sa akin kaya pumipiglas ako ..

Bitawan nyo ako !! manang tulungan nyo po ako wala akong ginawang masama!!

walang nagawa si manang dahil meron silang warrant of arrest sa akin, pinasok na nila ako sa kotse nila at dinala sa presinto ..

Isusumbong ko kau kay dad!! Ipapakulong ko kaung lahat!!!

Pinasok nila ako sa kulungan kasama ng tatlong lalaki, di ako nagkakamali sila yung kinausap ko noon, hinang hina ang katawan nila pero wala na akong paki ngaun kailangan kong malinis ang pangalan ko ..

Palabasin nyo ako dito!! Wala akong kasalanan!!

Biglang dumating si dad kasama yung mga bodyguard, nagulat ako ng bigla syang nagsalita ..

Kung gusto nyo syang ipakulong, sige lng hindi ako kukuha ng attorney para lng pagtakpan ang kagagahan nya!! At ikaw wala ka ng nagawang maganda sa pamilya natin !! Hindi kana nahiya!! At gumawa ka pa talaga ng ikahihiya ng pamilya natin!! Dapat lng sau yan!!

Ganyan ka naman ehh!! Puro kahihiyan ng pamilya ang pinagtutuunan mo ng pansin!! Lahat na lng!! Puro kamalian ko ang nakikita mo!! I hate you !! Sana mawala kana sa mundong ito at lalong lalo sa buhay ko !!

Naramdaman ko na lng na lumapat ang kamay nya sa pisnge ko na ikinagulat ko ..

How dare you!! Para pagsalitaan ako ng ganyan!! Pagkatapos kong ibigay lahat ng luho mo yan lng ang isusukli mo sa akin ?!! Wala kang kwentang anak!! Dapat sau mabulok sa kulungan!! Manang mana ka talaga sa nanay mo!! Mga mukhang pera!!

Wag mo syang idamay dito !! Dahil kung sino man ang mukhang pera ikaw yun!! Dahil mas minahal mo pa ang kumpanya kaysa sa amin na pamilya mo para lng magpadami ng pera !!

Masyado mong pinapahaba ang sitwasyon, simula ngaun di na kita ituturing bilang anak at kakalimutan na kita bilang anak para sa akin isa ka na lng hampas lupa sa paningin ko!!

Hindi mo na kailangan sabihin yan dahil matagal ko ng ramdam na hindi mo ako tinuturing na anak!!

Kung ganun good luck na lng sa kulungan, di ko lng alam kung matutulungan ka ng mama mo ..

Sabay walk out sa akin, di lng si dad ang nawala sa akin pati si laurence!! Kasalanan to ni carmen ng pamilya nya!! Kinuha nya na lahat ng sakin, may panahon ka rin sa akin carmen kukunin ko lahat ng kinuha mo sa akin at sisiguraduhin kong sa akin ang huling halakhak at ikaw naman ngaun ang nasa kalagayan ko ..

Dumating naman ang pamilya ni carmen at mommy ni laurence pero wala si laurence at carmen..

Di ko akalain na ikaw lng pala ang gumawa neto sa anak ko ..

Ano?! Sesermunan nyo din ako?!! Edi go !! Oo inaamin ko ako ang may kagagawan nun!! Masyado syang pabida kinuha nya na lahat ng sa akin ang mahal ko !! Pati ang daddy ko nagalit sa akin at tinakwil ako!! kung hindi lng kau dumating sa buhay namin ni laurence masaya sana kami nila laurence ngaun!!

Wag mong isisi lahat sa anak ko ang mga nangyayari sa iyo dahil una sa lahat di nya ginusto yun!! Pasalamat ka mabait ang anak ko di ka na nya dinemanda dahil naawa sya sau kasi kaawawa ka!!

Sabi sa akin ng mama ni carmen sabay talikod sa akin ..

Nagtama ang mata namin ni tita candice pero mabilis nyang iniwas at sumunod sa kanila ..

Magpakasaya ka ngaun carmen dahil sasunod na araw ako naman ang magiging masaya .. kung nagawa mong kunin lahat ng mahal ko pwes kaya kong rin agawin lahat ng meron ka !! bigyan mo lng ako ng time at sisiguraduhin kong makukuha ko lahat ng meron ka at wala akong ititira sau at kahit buhay mo kukunin ko!! ..

..........

Don't forget to vote and comment :)

I Fell Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon