Carmen pov.
Nagising ako ng maalipungatan ako sa sinag ng araw, inikot ko ang ulo ko para alamin kong nasaan na ako at duon ko napagtanto na nasa kwarto ko mismo ako, napasarap siguro ang tulog ko kaya di ko namalayan naka balik na pala kami ..
Tatayo na sana ako ng maramdaman kong kumirot ang tyan ko, bumalik lahat ng nangyari kahapon sa batangas teka?! Kamusta na kaya si carmella ok naba sya?
Pinilit kong tumayo kahit masakit, di nako nag abalang maligo at mabilis na bumaba, pagbaba ko nakita ko sila mom and dad sa lamesa kumakain, nakakapagtaka kasi wala manlang laptop na nakaharap sa kanila at mukhang napaka tahimik ng bahay namin ngaun siguro dahil narin sa nangyari sa akin kahapon kaya masyado siguro silang nagaalala sa akin ..
Good moorrnninngg!!! Masigla kong bati, medyo kumirot ang tyan ko pero hindi na lng ako nagpahalata ..
Anak! Ok naba pakiramdam mo? Wala na bang masakit sau? Halika na at kumain na, mukhang gutom na gutom kana kasi kagabi kapa walang kain napa haba ata ang pahinga mo sabay hila sa akin para maka upo sa gitna nila ..
Mom ohh!! Tinatawan ka ni dad sumbong ko kay mom at napatawa na rin tuloy ako ..
What?! Painusenteng tanong ni papa at pinipilit na di tumawa ..
Haayysstt ano ba! Nagaalala kaba talaga sa anak mo angelo ?!
Natatawa lng ako sa kinikilos mo hhhahha ..
At hindi na nga niya napigilan tumawa na lalong kinainis ni mom ..
Matapos ng kainan namin pumunta kami ng sala dahil may paguusapan daw kami nila mom
Anak, meron ka na lng 3 days at kasal kana matatali kana at sana tama ang desisyon namin ..
Bigla ko tuloy naalala yung kasal namin, oo nga 3 days na lng buhay may asawa na ako ang bilis ng araw, ano kayang mangyayari sa amin ni laurence neto, lagi na lng ba kami magbabangayan? Haayysstt! Bahala na ..
Ahh mom, kamusta na po pala si carmella ?
Ok naman sya anak wala naman syang sugat na nakuha, bakit anak, sya ba ang kasama mo nung may gustong kumuha sau?
Opo, sya rin po ang nagyaya sa akin dun, pero ang mas importante ay ok na sya ..
Ohh siya, maligo kana anak kasi pinapapunta ka nga pala ni candice sa bahay nila ..
Po? Bakit daw po?
Ewan ko anak, pero pinapapunta ka niya dun kapag nagising kana daw ..
Sige po mom akyat na ako ..
Sige anak i love you!
I love you too mom dad!
Umakyat na ako sa taas para maligo at pagtapos kong maligo nagsuot lng ako ng dress na color violet na above the knee sya at naka flat shoes violet rin ako at naglagay lng ako ng mga foundation sa pouch na dala ko at ready na akong umalis ..
Pagbaba ko nakita ko si mom and dad may kasamang pulis?!
Mom dad bat po may pulis?
Ahh anak, inimbistiga kasi namin yung tatlo kung sino ang nag utos sa kanila, pero sa ngaun ayaw nilang sabihin ..
Ganun po ba? Sige lng po kung kinakailangan po gawin niyo ang makakaya niyo ..
Opo ma'am -pulis 1
Ahh mom dad alis na rin po ako sabay kiss kay mom at dad ..
Ingat anak!!
Sumakay na ako kay mang isko sa kotse at mabilis na hinatid ako sa bahay ni mommy candice

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Enemy
Teen FictionDon't judge the books by it's cover .. Salamat sa magbabasa nito at salamat parin sa ayaw magbasa nito .. yun na lng hehe XD .. SANA MAGUSTUHAN NIYO :)