Carmen pov.Nandito kami ngayon ni shawn sa mall para makipagkita sa kanilang dalawa, nasa restaurant kami at inaantay na lng ang dalawang dumating ..
"Sa tingin mo maiintindihan nila ako? .."
"Di ko masasabing oo dahil kahit ako di ko alam ang dahilan mo .."
Lumukot ang mukha ko nang sabihin niya yun kaya nawalan ako ng pagasa para makapag ayos pa kami ..
"Pero bestfriend mo silang dalawa kaya i think maiintindihan ka nila .."
"Haayysstt sana, para bago sana lumabas si baby bati na kaming tatlo .."
Nagantay pa kami ng kalahating oras at sa wakas dumating na sila ..
"Anong kailangan mo? .."
Tanong agad sa akin ni rochelle ng hindi pa nakakaupo ..
"Pwede bang maupo muna kayo? .."
"Marami pa kasi kaming Importanteng gagawin, may kailangan kaba? .."
"Pwede bang makausap kayo ng masinsinan? .."
"Time is running so what is it? .."
"Plss? .."
Wala na silang nagawa kundi ang maupo na lng ..
"Pwede bang iwan mo muna kami shawn? .."
"Alright. tawagan mo na lng ako .."
Tumango lng ako at nagsimula ng tumayo si shawn at lumabas ng restaurant ..
"Alam kong galit kayo sa akin dahil umalis ako ng walang pasabi sa inyo pero plsss naman ohh intindihin niyo naman ako nagawa ko lng yun dahil sobra akong nasaktan .."
"Yan ang problema sayo carmen ee ang hilig mong takasan yung problemang napapasok mo, samantalang kaming mga iniwan mo na halos magalala kung ok ka lng ba o humihinga kapa ba sa mundong ito, sinarili mo yung problema mo samantalang nandito kaming dalawa para umagapay sayo, oo alam kong di kami makakatulong sa paraan na gusto mo pero alam kong sa paraan namin ay mapapagaan namin ang kinikimkim ng puso mo! ..." mahabang lintanya ni rochelle ..
"Masyado akong nasaktan rochelle kaya di ako nakapagisip ng mabuti, basta ang alam ko lng noon ay nasasaktan ako at kailangan ko munang makapagisip ng maayos .."
"Ang selfish mo carmen, iniisip mo lng yung sarili mo samantalang kami ay halos mabaliw sa kahahanap sayo lalo na't nagdadalang tao ka, sa tingin mo nung araw na umalis ka ng walang pasabi nakapagisip kaba? Diba hindi? Alam mo kung anong ginawa mo? Pinalaki mo lng yung problema dahil sa pagtakas mo at ngayon lalapit ka sa amin para humingi ng tawad? .."
"Siguro nga tama ka danica na ako yung tipong laging tinatakasan yung problema at tama ka rin na di nakatulong sa akin ang pagalis ko pero yung sasabihin mong selfish ako? Tama bang sabihin mo na selfish ako? Well siguro nga selfish ako sa inyo pero paano naman yung ibang selfish sa akin? Ang sakit lng na kayo yung bestfriend ko pero di niyo kayang intindihin ang simpleng paliwanang ko .."
Umiiyak na pala ako di ko manlang namalayan ..
"Yun na nga carmen ehh, BESTFRIEND mo kami pero di ka manlang humingi sa amin ng tulong, saan pa ang pagkakaibigan natin kung di mo manlang kami nilapitan para humingi ng tulong?, carmen eto kami ohh yung bestfriend mong handa kang tulungan pero binalewala mo lahat na akala mo pasan mo ang mundo .."
"Sorry .."
"May gagawin pa kami ni danica aalis na kami .."
Tatayo na sana sila ng magsalita ako na nagpatigil sa kanila ..

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Enemy
Teen FictionDon't judge the books by it's cover .. Salamat sa magbabasa nito at salamat parin sa ayaw magbasa nito .. yun na lng hehe XD .. SANA MAGUSTUHAN NIYO :)