"Leave Me Alone "Janine's POV
"Manang! Manang! Manang!"sigaw ko ganito kase ako lage kapag umuuwe galing school .
"Oh iha andyan ka na pala, Akina yang bag mo, kumain ka muna bago ka umakyat ng kwarto mo, kamusta nga pala yung reunion nyo kanina?"
Tong si manang talaga dakilang chismosa.
"Ah eh okay naman po yung party!!ang saya saya nga po eh!!! Saya saya!!! Hahahahahahaha!"sabi ko at tumawa ako para hindi nya mahalata na hindi ako nag enjoy sa party na yun.
Totoo naman e hindi talaga ako nag enjoy sino ba mag e-enjoy dun na harap harapan kang sinaktan ng lalakeng akala mo Mahal ka pero hindi naman pala!
"Manang! Manang! Manang!"sigaw ko ng malakas.
"Bakit iha?"pag-aalala nyang tanong
"Aakyat na po ako! Hindi na po ako kakaen!pag dumating po sina Mommy At Daddy pki sabi na kumain na po ako at ayuko pong ma istorbo sge po akyat na po ako!" .
"Iha!!! Masamang Magsinungaling Hindi ba?? Ikaw na lang magsabe kina Madam at Don!"sigaw nya.
"Ah! Ganun. Nde nyo po sasabihin o gusto nyong mawalan ng trabaho?? Mamili ho kayo, Trabaho O You're Fired??" .
"Sabi ko nga iha, sasabihin ko, sige na magbihis ka na at matulog para magising ka ng maaga bukas?"aniya manang.
Yan ang gusto ko Kay Manang e Marunung palang matakot at mawalan ng trabaho!!!
Si Manang ang Mayordoma sa Aming Mansion at alam nyo bang sya lang ang kinakausap at pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng maids namin. Si Manang kase sobrang mabait yan. Parang anak na daw ang turing nya sakin kaya kapag nasasabon sya nila mommy pinagtatanggol ko sya oh di ba SUPERHERO ANG PEG!!
Pagkatapos Kong maligo at magbihis. Ay nahiga na ako sa napaka ganda kong kama, Kama ko na may pangalan ni justine, ang unan kong puro pictures nya ang kumot kong may picture nya din ...
OH Di ba?? Crush na crush ko na kase sya noon pa, Sya lang yung manhid e, Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan yun haha
Nagmumuni muni ako tas biglang..
RIIING! RIIING!
Yung cell phone ko pala! Letche gabe na tawag pa ng tawag malaman ko lang kung sino to mamumura ko to ng di oras .
Tas nakita ko si Justine na bwesit lang pala? Masagot nga tas hindi ako iimik magsalita sya hanggat gusto nya para magmukha syang kaawa -awa??
"Hello! "sabi nya sa kabilang linya
Hello it's me hahaha ganern Bahala sya dyan di ko sya kakausapin. kahit lumuhod pa sya sa harapan ko. Ang sakit kaya nung ginawa nya. Lintik lang ang walang ganti..
"Baby, Sorry! Na please! Kausapin MO naman si kuya kapag di mo ko kinausap pupunta ko dyan sa inyo !!you LIKE it or NOT!".
Aba! Ako pa tinakot mo! Wala akong kinatatakutan bwesit na lalakeng to hampasin ko ng tubo to e nang mamatay na.
After 1 hour....
"Anak may bisita ka, andito si kuya justine mo bilisan mo, bumangon kana dyan alam kong gising ka pa! Bukas pa ilaw mo anak baba na!"-sabi ni Mommy
Pesteng ilaw na to pahamak ka tlaga sirain kita dyan e humanda ka mamaya mag tutuos tayo, sisihin ba daw yung ilaw haha I'm crazy..
"Yes mom coming!"sigaw ko.
Pero hindi ako bababa bahala silang maghintay sa wala .Tong lalakeng to talaga ayaw tumigil e. Sinaktan nya ko at wala na syang karapatan na makita at makausap ako. Mahal ang bayad kapag kinausap ako kaya bahala kayo dyan mamuti man ang buhok nyo ndeng nde ako lalabas dito lang ako FOREVER char FOREVER daw te walang ganun.
"Tok! Tok!Tok!"
Sino naman tong hinayupak na to kanina ka pa ha masisira tong pintuan kong napakaganda kasing ganda ko kaya ang pinto na to tas sisirain nya lang humanda sya at makakatikim sya..
"Sandali lang! Bubuksan na!!! Matuto kang mag intay dyan ako nga nakaya kong mag intay ng matagal e ikaw pa kaya! ". Hugot lang te haha
"Buksan mo to!!!kapag Hindi mo to binuksan hindi ako magdadalawang isip na sirain tong pinto mo syang pgnagkataon ang ganda ng pinto mo kasing ganda mo! "nangbola pa .
Tong lalaking to napaka mambobola hay naku basketballista talaga mambobola mapaglaro, juskoohh LORD ilayo nyo po ako sa lalaking to baka mapatay ko po sya.
"IKAW!,na naman, umalis kana dito hindi kita kelangan, ALIS, ALIS,ALIS,o gusto mung kaladkarin pa kita palabas ng bahay"Kilala nyo na kung sino yan walang iba kung di si Justine ...
"Hanah ano ba!,Tama na nasasaktan ako!"Hinila ko sya palabas ng bahay aba nakatunganga pa e yan ang dapat sa kanya..
"Nasasaktan ako Hanah Tama na sabi!" nanghihina yung boses nya na ngayon ko lang sya narinig na ganyan mgsalita.
Ayukong tigilan sya hanggat hindi nya nararamdaman ang sakit na nararanasan ko ngayon kung hindi nya lang ako sinaktan sana masaya ako, masaya sya Sana ganun lang ngayon e pero hindi e mas pinili nyang masaktan kaya MAGDUSA SYA! .
"Ano bang problema mo sakin bakit ba galit na galit ka sakin, Sige nga bakit??"Medyo iritado yang sagot
"Wala akong problema at lalong wala akong problema sayo ,Wag kang feeler Justine oo Justine na Lang kase hindi kita kapatid,kaibigan,pinsan,wala wala ka sa buhay ko kaya makaka alis kana! "
Hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kahit hindi hindi nya sabihin alam kong nasaktan ko sya sa mga nasabe ko pero tama lang yan sa kanya kulang pa nga yan sa sakit na nraramdaman ko .
Nakayuko lang sya pero kitang kita ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi ko alam Kung bkit sya umiiyak pero Tama na ayuko na nang ganitong pakiramdam, ang bigat bigat sa katawan, Kaya eto na .
"Leave Me Alone Justine, wag ka nang magpapakita sakin kahit kelan wag ka nang magtanung kng bakit? Basta layuan mo na ko, Ayuko ng makita ang katulad mo?? LEAVE ME ALONE! "
Sobrang nasasaktan ako hindi lang para sa sarili ko para din kay Justine. Nagmamaka-Awa sya pero hindi ganun kadaling patawarin sya e. ang sakit ang sakit sakit!
Dahan dahang bumukas ang pinto at dahang dahan syang umalis, tumingin sya sakin bago umalis pero iniwanan ko sya ng salitang makakapag pagaan ng loob nya kahit papano!
"Justine salamat dahil napakabuti mo sakin, sa pamilya ko sa lahat lahat, Tas niyakap ko sya tas sinabe kong WAG KA NANG BABALIK PA SA BUHAY KO PARA HINDI NA AKO MASAKTAN PA, MAHAL KITA JUSTINE KAYA AKO NAGKAKAGANITO, TAMA NA AYUKO NA ALIS KANA! "Sabi ko at kumawala ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya .
Pagkatapos tinulak ko sya sa pinto ayaw nyang lumabas edi yan magdusa sya sa labas. Wag na syang babalik pa .
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceMahulog kaya sila sa isa't isa o may isang masasaktan at magpaparaya, alamin sa aking storya