"Justine"
'Janine's POV'
"Anica,may sasabihin ako sayo pero gusto ko tayo lang muna ang makaka alam ha,ipangako mong hinding hindi mo sasabihin kahit kanino, kahit magka away man tayo okay please! "
"Promise cross my heart, until i die!" -sabi ni Anica
Until die daw patayin ko kaya to .
"Pupunta na kaming AMERICA NEXT WEEK!"
"Ano?iiwan mo ko, kami, paano pag aaral mo, Si Justine?"pag-aalala nya.
"Huy,babae ndi kita iiwan kahit anong mangyare, babalik pa naman kami e after 2 years or 3 or 4 yrs siguro, wag mong mabanggit banggit yang JUSTINE na yan simula ngayon itatak mo dyan sa kokote mo hinding hindi ko na sya iisipin, sisiguraduhin kong maglalaway sya sa pagbabalik ko after 2 or more years. Pagsisisihan nya na sinaktan nya ang isang Janine B.Reyes,Itaga mo yan sa bato!"
"Best iniiwasan mo sya nga pero wala ka man lang bang balak na sabihin ang pag alis mo baka kase hindi ka na bumalik paano sya paano kayo?"
"Hayaan mo sya may Janah na sya kaya wala na syang paki Kung umalis man ako o hindi.Nakaya nya ngang saktan ako pwest kaya ko rin gawin sa kanya yun.Gusto ko syang makitang nagdudusa, nahihirapan, nasasaktan, gusto kong mwala ang mga bagay na meron sya ngayon,Sinusumpa ko sya!"
"TARA NA NGA! TAMA NA ANG DRAMA NATIN OH! PUNASAN MO NA YANG LUHA MO BAKA SABIHIN NILA PINAPAIYAK KITA E GANDA GANDA MO KAYA NGAYON!" -Anica tas inakbayan nya ko .
Shet naaalala ko na naman yung moment na inakbayan nya ko nung REUNION namin nung nakaraang linggo.
Ayuko na syang maalala pa! (MOVE ON! Janine! MOVE ON! ) .
~•~•~•~•~•~•~•ROOM~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Hi! Ms.Janine"Jarelle kaibigan namin ni Anica ms.hanah ang tawag sakin sa school parents ko lang naman ang nagmamay ari ng napaka gandang university na to oh di ba? Para akong si princess sarah kung igalang at pagsilbihan pero hindi ako katulad ng ibang mayayaman na masama ang ugale, matapobre iba ako sa lahat ng mayayaman .
"Hello,Ms.Janine and Ms. Anica maari na kayong maupo dito sa unahan kase matatalino naman kayo kaya okay lang Kung mag ingay kayo sa klase ko?"sabi ni Ma'am Flores
Si ma'am talaga Hindi pa rin nagbabago, sana kapag umalis na ko sa school na to sana ganito pa rin sila kakabait ..kung hindi lang para kay justine hindi na ako aalis pero ayukong habang buhay masaktan ayukong ikulong yung pagmamahal ko sa taong kelan man hindi ako mamahalin.
Sana ang mga classmates ko ganito pa rin kasaya, kaingay, kapasaway, hays sobrang mamimiss ko sila lalo na si JUSTINE hay naku Janine,Erase mo na sa utak mo yung lalaking yun hindi ka mahal nun! hindi na nga nagpapakita sayo oh yaan mo na kasalanan mo yan itinaboy mo na e.
Isa isa ko silang tinitingnan, napakasaya nila magawa pa kaya nilang ngumiti kapag nalaman nila ang pag alis ko .
Maging masaya kaya sya?
oo magiging masaya yun may JANA sya ikaw wala kaya stay strong .DISMISSAL ...
~•~•~•~•~•~•~AT HOME•~•~•~•~•~•~•~•~
"Pauwe na po ako mommy, nagpasundo po ako kay manong Jun, sige po ba bye.Love you too po!"sabi ko.
End call ...
"Manong,Salamat po sige po paki- park na lang po dyan sa garahe, Salamat. Pasok na po ako ah!"sabay turo ko sa pinto papasok sa bahay .
"Mommy,daddy,Manang!"-sigaw ako ng sigaw pero walang sumasagot aish kainis.
Teka asan na ba yung cellphone ko, matawagan nga si mommy .
Please try again!!! tooooottttt!
Please try again!!! tooooottttt!
Please try again!!! tooooottttt!Sunud sunud na ganyan ang naririnig ko sa kabilang linya .
Pag minamalas ka nga naman talaga .
"Alam ko na si Anica, baka alam nya kung nasaan sila mommy!"bulong ko.
Anica!Anica!Anica,Please answer your fucking phone .
After 30 minutes ...
"Anica,Bat ngayon mo lang sinagot mapapatay tlaga kita kapag nakita kita bukas,alam mo ba kung nasaan sila mommy at daddy,manang!"
Pag ito hindi sumagot puta papatayin ko talaga to nanggigil ako pigilan nyo ko .
"Ah Eh na kina ano,kina ---------"bigla syang napatigil dahilan para kabahan ako.
Taena parang alam ko na kung nasaan sila mommy, subukan lang sabihin nitong babaeng to na nandun nga ay ewan magbibigti na talaga ako.
"Huy babae ka sumagot ka dyan, nasaan sila mommy!" sinigawan ko para matakot .
"Nasa bahay nila JUSTINE!"
"Hinayupak ka nandun lang pala bat nde mo pa ko dineretso,sapakin kaya kita ng isa dyan ha gusto mo!"
"Sorry naman kase sabi ni Tita wag ko daw sabihin sayo e.Sorry na. I love you best.Sige ba bye!"nangbola pa.
Tooottt! takte patayan ba daw ako.
Tatanung ko pa kung saan ako tutulog, Paano ako kakaen.Paano ako papasok bukas,Paano ako liligo .
Naglakad ako ng naglakad,wala akong paki Kung naka uniform pa ko, maganda naman ako kaya kahit anung suotin ko bagay sa akin .
Hanggang sa ...
RIIING! RIIING! RIIING!
Sino naman kaya tong hinayupak na to sana maganda ang nais nang tumawag na to LORD PLEASE HELP ME PO I'M A GOOD GIRL AND I'M SO PRETTY WAG NYO PONG HAYAAN NA MATULOG ANG ISANG KATULAD KO SA KALSADA, AYUKONG KUMAIN NG TIRA TIRA NG TAO NA TINAPON NA SA BASURAHAN LORD PLEASE GUIDE ME.AMEN .
Masagot nga muna tong tumatawag
Ang malas malas malas ko talaga ngayon, Ano bang nagawa ko bat puro kamalasan dumadating sakin. Wala Bang maganda mangyayare puro kamalasan na lang ba?LORD naman! Alam nyo na kung sino tumatawag walang iba kung di si JUSTINE!
Napakamalas ko this past few weeks lord bakit nangyayare sakin to.
"He -Hello!" sabi sa kabilanginya
"Sino ba to?Kung wala kang sasabihing mganda or walang kwenta papatayin ko na to!"
"Alam kong kilala mo ko Janine! "
mariin yung pagkakasabi nya sa pangalan ko may inis galit sa tono ng boses nya .Napaka kapal talaga ng lalakeng to.Sya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito e,Bwesit sya sa buhay ko kahit kailan .
"Ano bang paki mo kung kilala kita o hindi e di ba nga wala ka ring paki sa akin so hayaan mo kong Mag isa. Dito ako matutulog sa kalsada, Ayus lang Kung hindi ako makakaen, Ayus lang kung may mangyare sakin kase diba?WALA KA NAMANG PAKI SAKIN DIBA?? KAYA HAYAAN MO KONG MAG ISA!"nilakasan ko pagkakasabi ng marinig nya ng ayus tas pinatay ko na.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceMahulog kaya sila sa isa't isa o may isang masasaktan at magpaparaya, alamin sa aking storya