Kabanata XI

2.6K 101 0
                                    


HULING sulyap sa Batong-Liki.

Idinaan sa hangin ang aking kalungkutan. Siguro ay dahil hindi man lang din ako pinigilan ni Tatay Tote na mamalagi muna rito pansamantala. Siguro ay dahil hindi ko man lang din na-enjoy ang angking kagandahan ng lugar. Sa dami ng nangyari at problemang naganap, ni hindi ko nga masasabing sumaya nga ba ako sa pananatili ko sa lugar na 'to - kung worth it ba ang pagsuway ko kay lola.

Nakaupo ako sa isang bato na nasa kalagitnaan ng ilog. Mababaw lamang ang tubig. Hanggang tuhod lang. At ang mga kamay ko naman ay malayang nilalaro ang walang kulay na likidong dumadampi sa aking palad. Mabigat ang loob kong tinitingnan ang aking repleksiyon sa malinis na tubig.

Nagpatuloy ang paghihimutok ko mula sa highway hanggang sa ilog. Namumuo pa rin ang kalungkutan sa aking mga mata. Ito na siguro ang magiging huling sulyap ko sa lugar ito. Ngunit, wala naman talaga rito ang laman ng isip ko, kundi wala na akong pagpipilian pa. Gusto kong huminga. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat-lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko.

Kahit na sabihin ko pang nagawa ko naman ang dahilan kung bakit ako narito, hindi ko pa rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ako masaya...kung bakit hindi ako makontento.

Sa sobrang inis ko sa sarili ay tinapon ko ang habak sa pinakailalim na parte ng Batong-Liki. Para saan ba ang isang proteksiyon kung hindi naman bukal sa loob? Mas mabuti nang wala na lang.

"Para kang mga ligaw na orchids sa gubat, maganda, pero hindi pwedeng pitasin."

Halos madulas ang paa ko sa bato dahil sa isang boses na nanggagaling sa aking likuran. Kusang lumingon ang aking katawan sa pinanggalingan ng boses at doo'y nakangiti na naman sa akin si Miel. Inabutan niya ako nb ng isang pulang orchid na halatang kakapitas lang.

"Ang hangad ng puso'y parang hangin. Haghahanap ng sariwang malalanghap sa kalagitnaan ng siyudad na punong-puno ng polusyon. Katulad mong tulala at malalim ang iniisip." dagdag pa niya.

Kapwa kami'y nakatingin sa malalim na bahagi ng ilog. Hindi ko na rin tinanong pa kung bakit siya nandito.

"Makata ka ba? Mas makata ka pa yata kaysa sa 'kin," pabiro kong sabi.

"Kumusta ka?" pangiti niyang tanong. Maaliwalas ang kaniyang mukhang nakangiti sa 'kin. "Ang mga salita ay tila sining na pwede mong pag-isipan at gawan ng perpektong pag-uunay upang mas kahali-halinang pakinggan."

"Masaya ako at nakita pa kita." Walang halong duda ang sinabi ko. Subalit, hindi ko pa rin kayang nguniti - kahit peke man lang.

Napansin kong mas lalong lumapad ang kaniyang mga ngiti, ar mabuti 'yon kaysa sa malaman niya ang tunay kong dinaramdam. "Bakit naman? Ako rin. Masaya akong makita ka. Gusto sana kitang dalawin sa bahay niyo, pero ayoko ng matao. Ayoko ng ingay ng tao. Masaya kong marinig ang sinabi mo."

Ayoko na siyang paasahin pa. Ayoko diyang bigyan ng maling interpretasyon.

"Baka ito na ang huli. Babalik na ako ng Maynila," mapakla kong sagot. Mas mabuti na rin siguro 'to - malayo kay Miel at mas lalong mas malayo kay Henry.

"Kailan ka babalik?"

"Malabo. Hindi ko alam kung babalik pa ako rito. Salamat na lang sa aya, Miel. Pasensiya na talaga. Medyo malabo na rin 'yon."

Dapit-hapon (#Wattys2016 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon